Chapter 6

64 6 1
                                    

A/N: Sorry for the late UD's!!

ERRORS AHEAD

---------------------------------------------------------------------------

Nakatulala lang ako sa mga gamot na nasa harapan ko. It's been 2 hours simula nang nakarating kami sa isang barrio dito sa Abulug. Kanina ko pa iniisip yung sinabi ni Klux, causing her to forget him? Na-amnesia rin ba siya?

"Hoy!"

"Ay palaka!" sigaw ko.

"Ganda ko naman palaka." Biro ni Stephanie sa akin. "Pahiram ako ng isang ballpen mo. Tinatamad akong halungkatin yung bag ko eh."

Iniabot ko sa kaniya yung isa kong ballpen at umalis rin naman siya pagkatapos nun. Minabuti kong tapusin na rin ang pagi-inventory para wala na akong gagawin mamaya. Mabilis lang naman akong natapos sa mga ito kaya nagkaroon ako ng time na maglibot sa paligid.

Nasa isang liblib na barrio kami dito sa Cagayan, sabi nila may tatlong sitio daw ito. Una ay ang lugar kung nasaan kami ngayon ang Sitio Tayak, puro mga bukid ang narito at may sapa din. Sa sapang iyong dadaan ka para makapunta sa Sitio Muru. Ang sitio Muru ay isang isla at maganda daw ang beach nila doon kaso hindi ito open for tourists. And last ay ang Sitio Sawang, kagaya ng Tayak mayroon din itong mga bukirin at sapa pero mayroon ding dagat kaso daw eh laganap ang black sand mining doon.

Habang naglalakad ako ay napansin kong natanggal ang sintas ng rubber shoes ko. Itatali ko sana ito kaso nga lang ay may hawak akong canned coffee sa kamay at sa kabila naman ay ang inventory list at wala naman akong puwedeng paglagyan ng mga ito kase madudumihan. Hahayaan ko na lang sana ito nang biglang may lumuhod sa harap kong lalaki at itinali ito para sa akin.

"T-thank you, sir," i shyly told him dahil napansin kong unipormado ito. Sundalo.

"It's okay Miss???"

"Mirielle Lopez." I smiled at him.

"Captain Limuel Jairus Constantino."

Nagpaalam din siya pagkatapos dahil magra-rounds pa daw sila. They are in-charge for our security. Mabuti naman dahil baka mamaya may mga NPA pala diyan sa gilid gilid. Gwapo siya at matipuno, malakas ang dating lalo na't nakauniporme.

"OMG! Ms. Lopez!!" isang nakakarinding sigaw ang pumukaw sa aking atensiyon. "M-may online meeting daw ang boards at kasama ka!" malakas nitong sabi kaya napatingin ana ilan sa amin.

Agad kong binuksan ang laptop ko mabuti na lang at medyo malakas ang signal sa lugar na ito. Halos nga lahat ng mga member ng board ay naroon, pero bakit ako? I'm just a mere employee in our company.

"Good day, Ms. Lopez." Narinig kong bati ng ilan dahil nakaproject ngayon ang screen ko sa isang monitor doon.

"Good day din po."

"We just want to know your opinion about our new plan on investing millions for emergency just like pandemics. Para kung biglang magkaroon ng pandemic na hindi natin inaasahan may budget tayo for researching."

Ha? Bakit ako nasama dito? Finance ba ako?

"It's a good idea ma'am. I think mas mabuti na yung ready tayo kapag may nangyaring hindi natin inaasahan." Wika ko.

They just tackled something about some new medicine for this and that bago matapos ang meeting. Mabuti na lang at hindi na nila ako tinanong tanong dahil puro 'good idea', 'nice', 'tama naman po' ang aking mga masasabi.

Eksaktong nag-aaya na silang kumain kanina kaya nagtungo na ako sa may hapag na ginawa nila. Pagdating ko doon ay halos kompleto na ang lahat pati ang ilang sundalo kasama si Captain Constantino. At gaya ng inaasahan ko ay madaming tanong ang ilang katrabaho ko lalo na si Steph.

"Ms. Lopez ano pong sabi?"

"Tungkol saan ang meeting?"

"Tungkol lan---" hindi ko pa naitutuloy ang sagot ko sa kanila nang biglang sumigaw si Stephanie at lumapit sa akin kaya nasa kaniya na ngayon ang atensiyon.

"OMG! Nangyari na ba??" naluluhang wika nito. Ang OA. "Ipapasa na ba sa iyo ang pinakamataas na puwesto sa MPC?!"

Halos matunganga ako sa kaniya. Wtf?

"Baliw hindi," wika ko. Kaya kumunot ang noo nito.

"Meaning to say! Mapapaaga ang pag-upo mo bilang Chairwoman ng Lopez Group?!" halos takpan ko na ang bunganga nitong taong to sa mga oras na ito.

"Hindi! It's just about some sort of planning for-"

"The Corpuz and Lopez Mar---"

"PLAN FOR INVESTING SA ISANG NEW PROJECT." Sinadya kong I cut siya para hindi na nito maituloy ang iba pang sasabihin niya.

Mabilis din naman naidivert ang atensiyon ng lahat sa pagkain. Pagkatapos ng kainan ay nagsibalikan na lahat ang paghahanda para sa magaganap na pagdagsa ng mga tao bukas. Mabuti na lang at tapos ko na ang inventory kaya pwede na akong magrelax.

"Marie,"

Napalingon kaagad ako sa taong umupo sa tabi ko. Si Klux. Umusog ako dahil nasa iisang bangko lang kami na maliit at nakaharap sa kapatagan habang pinapanood ang sunset.

"Musta?" tanong ko sa kaniya pero nakaharap pa rin sa lumulubog na araw.

"Ayos lang. Ikaw ba?" sagot tanong niya sa akin.

Tumango lamang ako binigyan siya ng isang ngiti. Ngayon ko lang napansin na may sugat sa gilid ng labi nito.

"Napano yan?" tanong kong muli sa kaniya habang tinuturo ang sugat.

"Nagkasagutan yung dalawang residente kanina at umawat kami kaso nasuntok ako nung isa." Umiling lamang ako sa kaniya at ibinalik sa harap ang tingin ko.

"Do you think maalala ko pa ang past ko?" wala sa sariling tanong ko kay Klux.

Ramdam ko ang titig nito ngayon sa akin kaya tinignan ko rin siya. Gantihan lang ganorn. Para akong nalulunod sa kaniyang mga mata kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Nevermi---," i was about to say something whe he cut me off.

"You will but," he stopped for awhile. " Don't pressure yourself to remember everything from your past."

Ibinalik kong muli ang tingin ko sa kaniya. Bakit? Parang nabasa niya ang iniisip ko.

"Hindi lahat ng maalala mo ay masasayang alala. Ang iba ay sasaktan ka lang muli....."

Parang may kung anong tumusok sa aking puso pagkarinig ko nito. I always push myself to remember everything at hindi ko manlang naiisip na maaring masasakit na alaala ang aking maalala.

"I'm sorry," narinig kong bulong nito pero hindi ko alam kung para sa akin ba o kung ano kaya hindi ko na lang ito pinansin at isa pa bakit siya magso-sorry sa akin.

"I need to go," paalam niya bago siya umalis nang tuluyan.

Pagkaalis nito ay parang may kung anong senaryo na naman ang pumasok sa isip habang pinapanood siyang umalis.

"Hoy! Anong nangyari diyan sa labi mo?" galit na tanong ng babae sa nasa harap niyang lalaki.

"May nag-away lang eh umawat ako." Paliwanag naman ng lalaki.

Napailing na lamang ang babae at umalis sa harap ng kausap. Pagkabalik nito ay may dala na siyang box na naglalaman ng gamot. Dahan dahan niyang idinamppi ang bulak sa gilid ng labi ng lalaki. Pagkatapos ay nagulat na lamang ang babae nang bigla siyang halikan ng lalaki sa labi.

"Sorry na, Marie. I love you," the guy whispered.

Napahawak ako sa aking ulo pagkatapos ng senaryong iyon. I feel my heartbeat become fast at naginginig din ang aking mga kamay. I felt some tears on my cheeks. That girl....it was me.

Pero sino yung lalaki?

The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon