Chapter 10

59 4 0
                                    

Months had passed after the meeting. The boards are now planning to start their own researches about the virus. They are waiting for the country's president to give them the go signal but I think he is doubting.

We just had a simple christmas celebration at home. The Oplan: Abulug was a success, but I didn't had the chance to meet with Klux until now. It's January 23 na and malapit na ang birthday ko. Maganda naman ang pasok ng 2020 ngayon, I guess.

"Ma'am, may tawag po kayo." Rinig kong tawag ng aming maid sa akin. Lumabas ako ng kwarto papunta sa salas ng ikalawang palapag upang sagutin ang telepono.

"Hello?" I answered the call.

"Hi! I am Arianne from the Nahyinne's Fashion." The caller said.

Nahyinne's Fashion? I'm very clueless on this one.

"Oh? Why did you call nga pala?" tanong ko.

"Ms. Lopez, today is the scheduled fitting for the gown." Saad nito. Gown? Anong gown?

"Wait lang po. Ano pong gown ba iyan? And I don't remember anything na nagpaschedule ako." Wika ko sa kaniya.

"Yung mommy mo ang nagpaschedule. Hindi ba niya sinabi sa'yo? Kaloka naman si momshie Meredith!" Arianne answered. "Anyway, I'll DM you the address of my boutique. Make sure you come today. Byers!" and she ended the call.

My phone beeped and I received the address.OMG, Tagaytay pa pala ito. I immediately went inside my bathroom to take a bath. I just wear a white romper, white snickers and my white chanel bag. Tinatamad akong magdrive kaya nagpahatid na lang din ako sa aming driver.

After an hour nasa Tagaytay na kami dahil wala namang masiyadong traffic. I received a message from Arianne and tinatanong kung matagal pa ba kami and I think yes. May checkpoint pa kasi. When it's our turn na para macheck I heard a knock on the window on my side.

I opened my window and just focused on what I'm reading, not minding the policeman or soldier. Magche-check lang naman yata sila and Tatang is there to answer their queries.

"Miss Mirielle Marie Lopez?" rinig kong tanong nung lalaki. I just nod as an answer but my attention is still on my phone.

"Pasensya na po ma'am pero nakatanggap kami ng utos na huwag kayong papasukin dito sa Tagaytay." I immediately faced the man after I heard those words coming from him.

Napaawang ang aking labi nang makita ang taong ito. Halos ihampas ko na sa kaniya ang aking bag dahil sa pagkainis. Pagkatapos ko siyang pautangin gaganyanin niya ako?!

"Walangya ka talagang lalaki ka!" I shouted at his face but he just laughed at me.

"Saan punta mo?" tanong niya sa akin.

"Diyan sa may boutique, papasukat ng gown. Pake mo ba?!" irita kong sagot.

"Aanhin mo yung gown? Bakit magpapakasal ka na? Balita ko wala ka namang jowa..." umakto pa itong nag-iisip. Ang sarap balibagin ng taong ito.

"Shunga ka ba? Member ka na ng Scout Ranger niyan?" pilosopo kong tanong dito. "Porket ba gown, pangkasal lang? 'Di ba pwedeng para sa isang event lang? At isa pa Vincent. Wala ka rin namang jowa ah?" dagdag ko pa.

I saw him rolled his eyes on me. I just giggled because of his reaction. He signaled me to close the window kaya sinara ko ito. We continued on our way to the boutique.

Napadaan kami sa isang tulay at kitang kita ko mula dito ang isang burol na may malaking puno ng accacia yata. Hugis payong ang punong ito. Parang may kung anong kumurot sa aking puso habang minamasdan ang lugar na iyon. Anong meron?

The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon