Gabi na nang makabalik kami dito sa medi cube. Mabuti na lang at kaunti na lang ang mga pagala-gala dito bukod sa mga ilang sundalo.
"Thank you for tonight," Klux said to me.
"My pleasure. Babawi ako sa Manila next time." Wika ko sa kaniya.
"Hihintayin ko yan," ngumiti siya sa akin. "Good night."
I just smiled at him, so he is. Pinanood ko muna siyang umalis bago ako nagsimulang maglakad patungo sa aming tent. Muntik ko nang mahampas ng bag yung taong lumabas mula sa tent namin dahil saktong sakto siya sa paglabas nang papasok na sana ko.
"Halah, ma'am sorry po," paghingi nito ng paumanhin.
"Ayos lang," wika ko sa kaniya. I look at his badge, Santos.
Nagpaalam na siya sa akin kaya pumasok na ako sa tent. Nadatnan kong kinikilig at naghahampasan sina Stephanie at si Imeebhel. Ano nangyari sa dalawang 'to?
"Ang gwapo niya sis!" namumulang wika ni Imeebhel.
"Ilalakad kita!" wika naman ni Steph.
"Anong kaguluhan 'to?" tanong ko sa kanila pagkaupo ko sa aking folding bed.
Umayos naman sila ng upo at humarap sa akin. Nagturuan pa sila kung sino ang maku-kwento pero sa huli ay si Stephanie pa rin.
"So ganito, may sundalong nag-went dito. He asked us for a medicine para sa headache kaya we gave him some. He is so gwapo pero hindi ako marupok kaya pinaubaya ko na siya kay Imee." Kwento sa akin ni Stephanie.
Naisip ko naman kaagad ang sundalong nakasalubong ko kanina. Is that the guy that they are fantasizing? Teka, Mercado din yung buddy ni Imee ah.
"Napag-alaman naming Kuya siya ni Elviora Mercadk, buddy ko." Imee, told me.
"Kaya naman ay nalaman namin agad ang name niya. Sgt. Joseph Mercado at crush siya ni Imee!" sigaw ni Stephanie.
Nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa trabaho. Madami silang kinwento about their experiences kanina sa Sawang. Mabuti na lang at hindi nila alam na wala ako kaninang takipsilim dito kaya hindi na sila nagtanong.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil kay Stephanie. Nag-aayang siyang magjogging ngayon kaso hindi naman siya nagising ng maaga kagaya ng usapan kagabi. Ang ending tinulungan ko na lang sa pagluluto itong si Imeebhel.
"Ano ba iyan! Hindi niyo man lang ako ginising!" buyaw sa amin ni Steph. Aba ang kapal—
"Miss Stephanie, ang lakas ng alarm mo kaya kami nagising at ginising ka namin pero hindi ka naman magising-gising," nailing na wika ni Imeebhel habang nagtitimpla ng kape.
Nagdadabog na umalis si Stephanie habang bitbit ang kaniyang bag. Nakasalubong pa niya si Ali kaso nilagpasan niya ito.
"Morning," I looked at the person who seated beside me.
"Morning," I lazily greeted Klux but he didn't respond, he just rest his head on the table. "Puyat ka yata?" tanong ko pa sa kaniya saka ngumiti kay Imee pagkaabot niya ng dalawang kape.
"I need to review some records," he answered me.
"Oh kape," wika ko sa kaniya at inilapag sa harap niya ang isang tasang kape.
Agad naman siyang umupo ng maayos at nagpasalamat. Hinayaan ko muna siyang mahimasmasan mula sa antok. I was about to take a sip on my coffee when my phone suddenly rang. Psh, istorbo.
Vincent the Gwapo calling....
"Morning," I greeted my cousin.
"Morning! Hehe"
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
General FictionPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...