Chapter 11

47 6 1
                                    

Gabi na nang kami ay makauwi sa bahay. Naging masaya ang kaunting salo-salo na ginawa ng pamilya ni Tatang Mario. Kahit kaunti ay nabawasan ang aking mga iniisip na problema.

"Mommy, ano po palang party yung pupuntahan natin?" i asked my mom while we are eating dinner.

"Oh, i forgot to tell you about it pala." She wiped her mouth before drinking water. "We will be attending a formal party of the Chua's. If i am not mistaken they will announce the heir of the Chua Medical." Paliwanag ni Mommy.

Napatango nalang ako kay Mommy pero kalaunan ay napatingin ako sa kaniya. Chua Medical? Oh my, meaning to say there is a big chance na magkita kami ni Klux! I feel something on my stomach habang iniisip yon.

"That will be held tomorrow. Tapos na ba ang mga gown niyo?" tanong naman ni Daddy.

"Yes po." Sagot ko lang at ipinagpatuloy ang pagkain.

Dumeretso ako sa aking kwarto upang magbihis ng pantulog. Ilang linggo na rin akong dito saa bahay nananatili gaya ng utos ni Mommy. Kaya si Stephanie lang muna sa condo ko. Sabi niya sa akin wala din daw tao sa katabi kong unit. Chismosa.

Habang nakahiga ako ay naisip kong muli ang reccorder na sinasabi ni Tatang. Oo nga pala. Ni kahit isang litrato ko noong hindi pa ako naamnesia ay wala akong nakita pati mga social media accounts ay wala lahat.Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil sa mga naiisip.

I look around inside my room. Kaunti lang ang gamit ko dito, isang king size bed, dresser, dalawang side table,isang cabinet, a desk and a couch. Biglang napadapo ang tingin ko sa isang maliit na pinto na nasa ilalim ng desk, maliit lang ito parang daanan ng aso.

I jumped out of my bed to see what is it. Hindi ito mapapansin dahil kakulay lang ng pintuan na ito ang pintura ng dingding. Nahirapan akong buksan dahil walang doorknob na pwedeng panghilaan kaya humanap muna ako ng maaring pangbukas dito.

Habang naghahanap ako ng pwedeng magamit upang mabuksan yung maliit na pinto ay biglang may kumatok sa aking kwarto. I immediately went to the door and opened it. I saw my mom smiling at me.

"Bakit po?" tanong ko.

"I forgot to give you this." She handed me a black box. "Wear that tomorrow, honey." Wika niya bago ako iwan sa kwarto.

Pagkasara ko nung pinto ay agad kong binuksan ang box. My mouth formed 'o' when I saw what is inside the box. Isang diamond necklace at pair of diamondd earring. Magkano kaya ito kapag isaasanla ko?

Kakagatin ko sana iyon para malaman kung tunay nang biglang tumunod ang aking cellphone. I received an email. I opened it and read the content. My jaw almost dropped when I finish reading it.

Kindy print this five pages documents and personally hand it to Dr. Jefferson Klux H. Chua, RMT, M.D.

Scheduled Appointment: 7:00 a.m at the Chua Medical 11th Floor.

Bakit naman ang aga niyan? Hindi ba pwedeng alas 9 nalang ng umaga or send nalang yang file at siya na magprint? Kinailangan ko pa tuloy magprint ng mga dokumento bago ako natulog.

Akala ko na-set ko yung alarm ko ng alas sais. Akala lang pala. Nagmamadali akong maligo kahit sobrang lamig ng tubig dahil 6:30 a.m. na. Halos makalimutan ko nang magsuot ng relo. I just wore a simple floral dress and a floral heels.

Pagkatigil ng sasakyan namin sa harap ng ospital ay dali-dali akong bumaba. I calmed myself first before walking inside the building. Mabuti na lang at nakasabay ko si Ali sa elevator.

"Panagbengga Festival na ba?" wika niya habang ini-scan ang kabuuan ko.

"Ikakasal ka na ba? Or Election na?" wika ko rin sa kaniya habang tinitignan ang suot nitong barong.

The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon