Part 36 - Sugbu

164 8 1
                                    

"We're going to Cebu babe!"

Hindi parin ako makapaniwala. Oo, nasa ere na kami, mga 30 minutes na, at yun parin ang mga salitang pabalik balik sa isipan ko. Iba din talaga ang lalaking ito. I mean, oo alam ko, sobrang yaman nila, pero hindi ko inaakalang ganito kayaman! Na may private plane sila at maaari silang pumunta saan man nila gusto, anong oras man nila gusto! Marahil ay sa sobrang dami nilang pera, sumasakit na ang ulo nila sa kakaisip kung paano nila lulustaying ang limpak limpak na salaping meron sila, both yung nasa bangko at sa mga wallet nila.

Ngayon ay hawak hawak ni Alex ang kamay ko, dahil aaminin ko, pangatlong beses ko palang ito sasakay ng eroplano, at unang beses sa pribadong eroplano. Sa eroplano nga na sinasakyan ng mga normal na tao, na pagka laki laki, eh takot na takot ako, mas lalo naman dito sa maliit na pribadong eroplanong ito no! Marahil ay kahit na tahimik lang ako ay nakikita ni Alex ang takot sa aking mga mata, kaya naman agad itong lumipat sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay.

"Don't worry babe. You're safe here with me. I will never let anything bad happen to you. I won't let anyone lay a single finger on a single strand of your hair. I will protect you, and I will be with you. Always.", sabi nya habang hinigpitan ang hawak sa aking kamay at sabay halik sa aking noo.

Hindi ko din alam kung bakit, ngunit mejo napanatag din ako sa mga sinabi nya. Marahil ito ay dahil sa medjo matagal na din kaming magkakilala. At dahil nga sa napawi ng kaunti ang pangambang nadadama ko, ay bumalik ang antok na nararamdaman ko kaina. Kaya naman unti-unting bumigat ang aking mga talukap at bumaba ang aking ulo. Matutumba na ako dapat nung sinalo nya ang aking ulo at inilatag ito sa kanyang balikat. Kasabay naman nun ay narinig ko ang kaunting tawa mula sa kanya, at ang paghigpit ulit ng hawak nya sa aking kamay. Nang maipwesto nya ako ay kanya namang hinaplos ng marahan ang aking mga pisngi at nilagay ang kanyang ulo sa taas ng akin.

Masyado na akong inaantok para umangal pa sa posisyon naming iyon. Marahil ay hindi sya komportable dito, dahil maliit lang ako, at napakatangkad naman nya. Ngunit habang nasa ganitong lagay kami, ay mas naamoy ko sya. Napakabango nya. Parehong ang natural na amoy ng kanyang katawan, dahil hindi naman ito pinagpawisan, at ang kanyang pabango. Nakakahalina ang amoy na ito, marahil ito ang tinatawag nilang pheromones, ang amoy na sinasabing nakakapang-akit at nakakapagpagusto sa ibang tao. Kung ganon, hindi na nakakapagtakang maraming nahuhumaling sa kanya. Isabay mo pa ang kanyang napakabango ding cologne o perfume, hindi ko mawari. Hindi ito matapang na kagaya ng sa mga matatandang naamoy mo, ngunit ito ay napakabanayad sa ilong, at nakakapresko sa pakiramdam. Hindi ko mawari kung anong pabango ito, pero napakapresko sa pang-amoy. Para itong prutas na citrus, konting amoy ng parang kahoy, at parang may tapang na kung ano mang amoy iyon. Talagang nakakahalina. Napangiti ako sa aking iniisip, at unti-unti nang nakatulog dahil sa antok.

--------------

"Babe? Bubby wake up, we're here na in Cebu, and we have to disembark na in a little bit. Freshen up a little bit, before we get to the car", marahan namang pag-gising ni Alex sa akin.

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa labas at tama nga sya, nasa airport na kami ulit. Mukhang nakalapag na nga kami sa Cebu, kagaya ng sabi nya. Napakaganda pala ng airport nila dito, gawa sa kahoy ang kanilang airport. Pero hindi sinaunang tingnan, modern nga ito at nakakamangha. Binalik ko naman ang tingin sa kanya at napangiti ito sa akin, sabay haplos ulit sa aking pisngi.

"You slept like a dear sweet baby babe. And I loved watching you like that. You face looked so peaceful, and so beautiful. You're so cute that I was trying so hard to stop myself from pinching your face coz I might wake you up, hehe", sabi naman nito sa akin habang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi.

"A-ahh, ehh, kailangan ko muna mag-ayos bago tayo bumaba, punta muna akong banyo ha", sabi ko naman sa kanya sabay alis ng kamay nya sa mukha ko at tumayo ako para tumungo sa banyo.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon