Part 3 - Uh Oh...

566 38 0
                                    

Tama ba tong nakikita ko?

Lupa bumuka ka at kainin mo nalang ako!

Dala siguro ng instinct kaya nag bow nalang ako agad at humingi ng tawas. Jusko, sa unang araw ko pa talaga mapapahiya na ako? Paano nalang ito? Baka pag nagalit sya ay idemanda nya ako at palayasin sa paaralang ito. Mawawalan na ako ng paraan para maabot ko yung pangarap ko at makatulong sa aking mga magulang. Hindi ko na masusuklian ang mga paghihirap nila para lang makapag-aral ako at makapagtapos! Lagot na!

Nagbow nalang ako sabay sabi ng "pasensya na po! Sorry po hindi ko sinasadya! Patawarin nyo po ako!" Halos paiyak na ako nung sinasabi ko kaya pumikit nalang ako.

Tapos narelealize ko, mga sampung segundo na ko nakayuko wala na akong narinig o naramdaman sa paligid kong indikasyon na anjan pa si Alex. Kaya tinaas ko nalang ulo ko at dinilat ang mata. Wala na si Alex sa harap ko at nasa may pintuan na ng kwarto namin.

"Sige bro, I'll catch you later. Don't be late foe Pete's sake!", sigaw nito sa tropa nya ata na kaklase ko. Sayang, di ko pala sya klasmeyt. Akala ko pa naman makikita ko sya lagi.

Nang narealize ko na wala na sya saka ko narinig ang mga kaklase kong tumawa ng mahina. Haaaay pahiya ka talaga Gabbie! Unang araw mo, tatanga tanga ka na. Good luck kung may makita ka pang kaibigan nyan. Dukha ka na nga tatanga tanga ka pa.

Agad nalang ako humanap nang upuan sa likod at umupo at inilibing ang aking mukha sa aking mga braso. Iyak na iyak na talaga ako pinipigilan ko nalang. Ayoko na marinig ang lahat ng sasabihin nila. Napahiya na nga ako sa lahat, napahiya pa ako sa crush ko, baka matanggal pa ko sa paaralang ito.

"Girl buti nalang nakaabot tayo sa klase. Buti wala pa si sir kung hindi paktay tayo. Dinig ko terror yun.", sabi ng babae. Napaangat ang mukha ko at tiningnan sya. Napakaganda nya. Mahabang blonde ang buhok. Maputi at makinis. Maganda ang mata nya lalo't nakacontact lenses ito. Ang pula din ng labi, ang ganda siguro ng lipstick. Nasa 5'4" si ate. Halatang magara ang suot at mga gamit nya, at matatas magsalita. Mukha ring matalino. Pagod si ate girl. Mukhang na-tengga sa trapik. Naupo sya sa aking tabi. Bakit kaya dito sya, di ba sila naasiwa sakin eh mahirap lang ako ang yayaman nila?

"Oo nga girl. Major subject pa naman to. Pahamak din ang sched eh, first day first subject Accounting agad? Grabe. Although girl, kahit terror daw yun si sir, magaling magturo, gwapo pa daw. Kaya umayos ka at umawra. Malay mo magandahan sayo taasan grade mo charot!", mahabang sagot ng kaibigan nya. Obviously bakla sya, pero panlalaki parin ang suot. Very feminine. May light make up lang. Pino gumalaw at halatang sopistikado. Black hair sya at slim. Chinito. May itchura din ito, sorry girls guy din ang gusto.

Napansin ata ni ate girl na nakatitig ako sa kanya at paiyak na ang itchura ko kaya nagsalita sya. "Uhm, Miss, ok ka lang ba? Bat parang iiyak ka na? May nagawa ba ako? Kami? May nasabi ba? OMG tumulo na ang luha bakla anong ginawa mo?" Sabi nya habang kumuha ng tissue at inabot sa akin.

"Bakla ako talaga? Ikaw katabi nya tas ako nagpaiyak? You're insane. I think you're the one to blame," sagot nya sabay taas ng kilay at tingin palayo.

"Eto oh, tissue. Ok ka lang ba? By the way, ako pala si Agatha. Agatha Marie Razon. Ikaw ano bang name mo? Tahan na," pakilala ni Agatha sa akin. Razon pala sya. Isa sa mga prominenteng pamilya sa Pilipinas. Inabot ko ang tissue nya at pinunas sa mga luha ko.

"Salamat po Miss Agatha. Ako po si Gabrielle. Gabrielle Perez po. Isa lang po akong scholar dito sa eskwelahan nyo at pasensya na po kayo sa inasal ko. Napahiya po kasi ako kanina. Nabangga ko po si Alexander Caleb Thompson kaya nag-bow ako sabay hingi ng tawad sa kanya. Pero ayon di man lang nya pinansin at lumabas lang sya. Mayaman po sila at maimpluwensya, at natatakot ako na baka mapatalsik ako sa paaralan dahil doon tapos nakita pa akon ng mga kaklase naten sa ganong ayos at pinagtawan nila ako, ayun. Salamat po sa tissue at pasensya na nakakaistorbo po ata ako sa inyo nakipag usap pa ko sa inyo baka magalit kayo, sige po lilipat nalang ako ng ibang upuan," mahaba kong paliwanag sa kanya.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon