Part 34 - Deep, Dark Hole

204 12 0
                                    

"No, Return on Investment and Return of Investment are not the same things. Return on Investment refers to the income earned on the investment made, while Return of Investment refers to the recoupment of the money spent to make the investment. Mejo nakakalito lang sya pero pwede kitang bigyan ng examples para mas maintindihan mo ang pagkakaiba ng dalawa. Mahalaga itong maintindihan mo kasi dalawang magkaibang bagay ang apektado dito", pag-eexplain ko kay Alex habang binabasa at hinahanda ang mga libro, handouts, at iba pang references na kakailanganin.

Yes, tama ang basa nyo. Alex nalang ang tawag ko sa kanya ngayon. He insisted on it. Pero hindi lang ito dahil sa sinabi nya. Ang sir ay katagang ginagamit para magpakita ng respeto sa isang lalaki. At respect begets respect. Paano mo rerespetuhin ang taong umabuso sa iyo? Ang taong umagaw sa iyong puri at pagkatao, pagkatapos ay pagbabantaan ka? Kaya naman dapat lang na Alex lang ang tawag ko sa kanya. Hindi ko sya irerespeto dahil ako ay hindi din naman nya nirespeto.

Matapos kong magpaliwanag ng lesson sa kanya ay tiningnan ko si Alex, at nakatunganga lang ito at tila may malalim na iniisip. Hindi sya ito. Hindi nya ginagawa ito. Hindi sya ganito umasta.

Paano ko ito nasabi? Tuwang tuwa sya at gustong gusto nya ang mga tutor session naming dalawa. Una, dahil nasosolo nya ako sa mga panahong ito. Pangalawa, sabi nya gustong gusto nyang nakikita at naririnig akong mag-explain at magpaliwanag. He really likes hearing what's inside this big beautiful brain of mine daw. His words, not mine. Kapag naglelessons kami ay palagi itong nakaupo sa tapat ko, at nakatingin lang sa akin habang nagpapaliwanag at nag eexplain ako sa kanya. Magkaganon man, pag tinanong ko ito ay masasagot nya naman agad ang tanong ko sa kanya.

Ngunit iba ang lagay ngayon. Hindi sya nakaupo sa tapat ko, kundi sa gilid ko. Oo, paminsan-minsan ay ginagawa nya ito, pero kapag ganito ay usually nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat at hawak nya ang isa kong kamay habang nakatitig padin sa akin. Pero hindi iyon ang nangyayari ngayon. Hindi rin sya nakatingin sa akin, kundi sa malayo. Halatang wala ang isip nya dito sa ngayon.

"Alex? Narinig mo ba ako?", tanong ko sa kanya.

Nang marinig nya na sinabi ko ang pangalan nya ay napabalikwas ito at biglang napatingin sa akin.

"What? Oh... uhm yeah, I heard you. Sorry my head is not in the game. Maybe I'm just you know... Tired. Sorry. Can we do this again next time? Pagod na kasi ako and my brain can't handle more. I'm sorry babe", sabi nya nalang sa akin.

"Ahh, ehh ok lang. Sige. Pahinga ka muna. Pwede naman nating i-take up ito ulit sa susunod na tutor session natin. I'll let you be nalang. Ayusin ko lang ang mga gamit ko", sabi ko nalang sabay tayo at umpisa na mag-ayos ng aking mga gamit. Inayos ko lang ang mga gamit ko habang nakatunganga nanaman si Alex sa kung saan. Hinayaan ko lang sya dahil sabi nya ay pagod ito.

Nang matapos ko na ang pag-aayos ko ng gamit at paglagay nito sa aking bag ay nagpaalam na ako sa kanya. Nang takdang aalis na ako ay tumayo ito at niyakap ako at hinalikan sa labi.

"Thank you, babe. Sorry for today. But thank you for spending time with me. This means a lot to me. I really appreciate it. Bobby will make sure you get home safely. Text me when you're home ok? I love you", bilin nito sa akin. Umokey lang ako at lumabas na sa study nila at sa bahay nila, at ready na nga si Kuya Bobby sa labas para ihatid ako.

Habang nasa sasakyan ako nina Alex ay hindi maalis sa isip ko ang inasal ni Alex kanina. Oo, cold, snob, at suplado sya in general. Pero sa akin, hindi sya ganon. Isa syang malaking teddy bear na isip bata. Marahil nga ay pagod lang ito, dahil naglaro daw ito ng basketball, exhibition game daw sa kung saan. Nakakapagod naman kasi talaga maglaro ng basketball, kaya nga pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang nangyari kanina. Malapit na pala kaming makarating sa bahay.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon