Part 31 - Ginisa sa Iloilo

216 14 2
                                    

"Oh, Fernando! Elizabeth! Anjan na gali kayo! Oh, ayan na ba ang pamangkin namon nga si Gabbie! Abaw kagwapa na nga bata!", pasigaw na bati ni Tito Lucho, pinsan ni mama.

At opo, surprise! Eto na ang pa-reveal ng pangalan nina mama at papa. Hehe. Akala mo naman sosyal ang nga pangalan no? Hehe.

"Oh Lucho! Ari ka na man gali. Kamusta? Kani kanina lang kami dumating, hehe, nagpahinga lang. Etong pamangkin mo kasi, first time nagsakay sa eroplano, kaya ayun, na-jetlag. Isang oras lang naman. Hehe", pabirong sagot ni mama kay tito. Aba't sariling anak nilaglag? Ang tindi.

"Hello po tito Lucho! Maayong hapon po! Maayong hapon din po tita Marlyn!", bati ko sa mag-asawa sabay mano sa kanila.

"Kamusta ka na ga? Baw ang gwapa mo na guid subong ha? At saka sino inang kasama mo?", tanong naman ni tita Marlyn sa akin.

"Ah, eh, tito, tita, sya po si Marky, boyfriend ko po, hehe", pakilala ko naman kay Marky sa kanila. Si mokong naman ay ang ngiting aso. Aba, tuwang tuwa sya eh.

"Hello po, tito Lucho at tita Marlyn, hehe. Ako po si Marky. Marky Razon po, boyfriend ni Gabbie, hehe", pakilala at mano naman ni Marky kay tito at tita sabay hila sa akin papalapit sa kanya at hinawakan ang balakang ko, na sya namang ikinataas ng kilay ni papa.

"Ehem ehem!", mejo malakas ay may diin na sabi naman ni papa, na nagpabalikwas kay Marky.

"Hehe, si tito Andy naman, di mabiro, hehe", kinakabahang sabi ni Marky kay papa habang kinakamot ang ulo. Ang cute talaga ni jowa pag kinakabahan hehe. Pero dahil sa pagkamot nya ng kanyang ulo ay humulma ang biceps nito sa suot nyang polo shirt na may garterized na manggas. Yummy po, opo. Sarap yakapin ni jowa. Kung wala lang tong mga to eh, hehe.

"Kilala nyo ba kung kay sino yung salakyan sa gwa? Kanina pa yan jan eh", tanong naman ni tito Lucho.

"Ah, eh tito. Sa akin po. Actually company car po yan ng branch namin dito sa Iloilo, pinahiram po sa amin para magamit po  daw namin habang andito kami, hehe", nahihiyang sagot naman ni Marky kay tito.

"Aysus, iyo pala iyan to? Nako, ipasok mo yan, baka kasi magasgasan yan dito masikip ang daanan, saka may space pa naman yan sa sulod ng bakod na pwede pagparkingan. Baka gasgasan pa yan ng mga bata dito. Alam mo naman", paliwanag naman ni tito kay Marky.

"Oh sya, ikot na kayo ni Marky ga, pakilala mo na sya sa mga tito at tita mo. Pero bago yan kain na pala muna kayo ng meryenda. Kuha lang kamo doon, madami pagpipilian hehe", paanyaya naman sa amin ni tita Marlyn.

At di nga nagbibiro si tita. Jusmiyo. Andami namin, oo, pero andami dami parin ng pagkain. Well, kahit naman hindi kami mayaman ay hindi naman yun naging rason para hindi namin ipaghanda ng masasarap na pagkain ang aming mga kamag-anak, lalo na at minsan lang naman kami magkita kita. Dinig ko kay mama at papa na madami pa daw silang planong gawin, at ang pa-piging nila ngayon ay pa-welcome palang daw.

"Love, upo ka na muna dun kasama sila mama at papa. Ako nalang kukuha ng pagkain para sa'yo. Baka dumugin ka ng mga pinsan ko. Ang alam ko madami sa kanila ay fan mo kaya sige na. Mamaya na kita ipapakilala sa kanila", instruct ko naman kay Marky.

Halatang magpoprotesta pa sana ang mokong at marami itong sasabihin, ngunit wala na itong nagawa nung pandilatan ko ito ng mga mata. Isang mahabang buntong hininga at isang tango nalang ang sinagot nito sa akin. Good. Dahil pag nagprotesta pa sya ay pipingutin ko talaga ang tenga nya. Hindi pa namin kasi na-orient ang mga yun tungkol sa rules namin ni Marky.

Unang una, ang pinakaayaw nito ay ang ipost ang larawan naming dalawang magkasama at sweet sa picture. Don't get him wrong. Hindi ako ikinkahiya ng boyfriend ko. In fact, proud na proud sya sa akin. Ilang beses na nyang sinabing gusto nya ako ipangalandakan sa buong mundo, pero hindi daw nya ito gagawin. Bakit? Dahil pribadong tao si Marky. Oo, nagpopost ito paminsan minsan, pero hindi nito gustong pinopost ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. At dahil according sa kanya ay madamot sya. Ayaw nya akong ipakilala sa social media dahil ang gusto nya, sa kanya lang daw ako. Although oo, may facebook account din naman ako at friends kami ay hindi pwede. Ayaw din daw nyang awayin ako ng mga fans nyang babae na possessive sa kanya.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon