Part 26 - Was That a Date?

328 13 5
                                    

"Girl, ok ka lang? Kanina ka pa ha? Bulalo ka ba", tanong ni Marie sa akin, habang mukhang takang taka at mejo naiinis. Ilang araw ko na ring napapansing napapansin na din nila ang pagbabago sa akin. Wala akong magagawa. Hindi ko din naman kayang pigilan ito. As if naman madaling kalimutan ang pangyayaring iyon.

"Ha? Anong sabi mo friend?", sagot ko nalang sa kanya. Kasi nga totoo namang, hindi ko naintindihan ang tanong nya.

"Friend, sabi nya, kung ok ka lang ba? At saka nagtanong na din sya kung bulalo ka daw ba?", sagot naman ni Syd. Nagtataray, pero halata din ang pag-aalala. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas lalo akong nakokonsensya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanila. At hindi ko gusto. Pero, wala din naman akong choice. Sino ba ang maniniwala na nirape ako? At isang gwapong hunk ang gumawa nun sakin? Sa isang bakla? Pag sinabi ko yun, ay ako ang magmaumukhang masama. Kaya't minabuti kong sarilihin nalang ito.

"Ha? Bulalo? Bakit", takang takang tanong ko sa kanilang dalawa/

"Mautak ka girl, pero sabaw ka din", sagot naman ni Marie.

Tumawa ako sa sinabi ni Marie. Nakakatawa naman kasi talaga. At ang brainy ng friend ko at naisip nya pa yun. Pero sila, hindi tumawa. Bakas sa mga mukha nila ang concern sa akin, pero mukhang walang gustong magsalita.

"Bakit? Nakakatawa kaya talaga yun. Galing mo friend ha? Hahaha", sabi ko sa kanilang dalawa.

"Gabrielle, hindi yun joke. Insulto yun. Well, mas appropriate atang description. Description yun for you. You've been that way since nag-away kayo ni Marky at nawala ka. I know its been some time but di ka parin nagkukwento. Akala mo ba hindi namin mapapansin na may nag-iba na sa'yo matapos ang nangyari? Not even just us. Marky is the first one to notice, but doesn't want to mention it to you. Do tell, Gab. What really happened? At bakit ka nagbago", mahabang saad ni Marie.

Mahabang katahimikan at tinginan ang sumunod sa sinabi ni Marie. Sana kaya kong sabihin. Sana madali lang sabihin, aminin, at tanggapin. Pero hindi eh. Masakit. Sa loob, sa katawan, sa isipan. Kahit ang tunog lang ng mga salitang yun ay hindi madaling pakinggan. Napakasakit. Pero kelangang ilihim. Kung hindi ay mawawasak ang buhay ko, at madadamay pa ang mga magulang ko. Mawawalan ako ng kinabuksan. At hinding hindi ko matatangap at mapapayagang mangyari iyon.

"Wala nga kasi. Ilang beses ko nang naikwento yun sa inyo diba? Nagmuni muni lang talaga ako. At saka masisisi nyo ba ako pag sabaw ako? Nakakasabaw naman kaya talaga yung Financial Accounting. Ang hirap kaya. Dagdag pa yung ibang subjects nating ang hihirap", pilit na sagot ko sa kanila.

"Hay. Ewan. Pero Gabbie, alam mo namang andito lang kami diba? Na lagi mo kaming maaasahan, at lagi mo kaming mapagsasabihan. Kakampi mo kami, no matter what. We got you, and will always have you. Okay?", sabi naman sa akin ni Syd.

"Oo naman. Kayo talaga. Wala ito. Ok lang ako promise. Kasi iniisip ko, grabe, 2nd year palang tayo, ganito na kahirap ang accountancy. Paano pa kaya pag nag 3rd year na tayo? Pag nag 4th year? Aabot pa kaya tayo doon? Magshishift ba tayo? Gagraduate ba tayo? Papasa ba tayo sa board exams? Paano na yung mga plano namin ng mga magulang ko...", sagot ko sa kanila. Partly, totoo, na yun naman talaga ang iniisip ko.

"Ay nako negatron bawal yan dito. Di mo ba narinig yung sinabi ko? Ikaw? Ang pinakamatalino sa atin? Sa buong second years? Yan iniisip? Tigilan mo nga akong bakla ka. Kung may sigurado at secured ang future sa atin, ikaw yun dzai. Kaya wag mo na masyadong isipin yan. Wag problemahin ang hindi pa problema ok?", pangontra naman ni Marie. Kaya mahal na mahal ko tong mga kaibigan ko eh. Mukha lang talaga kami at minsan kung umarte at immature, pero pag kelangangang maging mature eh maasaahan mo din naman.

Nung ok na sila ay bumalik na sila sa pagbabasa. Oo, nag-aaral kami sa kung saang coffee shop. Weekend kaya gumala kami. Pero hindi talaga gala. Nag-aaral kami. Group study. Ewan ko ba. Sumpa ata ng pagiging accountancy student na laging nag-aaral. Weekdays nag-aaral ka, pati weekends. Dahil kung hindi mo gagawin yun, maoolats ka talaga. Mazezero ka sa quizzes at boardworks. Mawawalan ka talaga ng chance na bumawi.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon