Part 38 - Altercation

143 10 0
                                    

Hindi ko pa man nakikilala sina Marie, Sydney, Marky, Alex at ang FAME at ang mga girlfriends nila ay mahilig na ako sa music. Mahilig akong makinig ng music. Kasi nga, hindi naman ako magaling kumanta. Mahilig ako sa music, pero ang music ay walang hilig sa akin. Sad life pero totoo. At least aware ako doon at hindi ko pinangangalandakang magaling ako kumanta. Weird din kasi ang taste ko sa kanta. Hindi ako masyadong mahilig sa mga bagong music, maliban nalang kung ang mga bagong kantang iyon ay mula sa aking mga paboritong singer. Mas mahilig ako sa mga tinatawag nilang classics na kanta, yung mga pang-matanda. Tawag nga sa akin ni Marie ay isang old soul trapped inside a young body.

Paanong hindi magiging ganon, dahil nga ang mga gusto kong kanta ay Abba, Bee Gees, at iba pang 70s hanggang 90s music. May mga ilan ilan din naman akong gustong medyo modern na singer, sina Avril Lavigne, Kelly Clarkson, Rihanna, Beyonce, pero piling pili lang. Syempre hinding hindi ko din makakalimutan ang best modern boyband, ang Westlife. Ang kung sa tingin nyo ay mali ako, pwes mali ka. Suntukan nalang abangan kita sa labas babangasan kita.

Pero, ang pinakapaborito kong singer ay si Mariah Carey. Kahit na anong sinasabi nilang pambabash sa kanya, wala akong pakialam. Gustong gusto ko ang mga kanta nya. Bakit? Maliban sa mala-anghel na boses nya sa sobrang ganda at sobrang taas, ay gustong gusto ko ang pagsulat nya ng kanyang kanta. Napakagaganda ng mga lyrics ng mga kanta nya. Yung mga tipong damang dama mo ang mga sinusulat nya, at nagreresonate yung lyrics nya sa puso mo, samahan mo pa ng pag-awit nyang punong puno ng emosyon ay talagang hahanga ka sa kanya, bilang isang singer, songwriter at producer. At kagaya ng sinabi ko sa Westlife, kung sa tingin mo ay mali ako ay mali ka. Period no erase.

Dahil nga pinilit ako ni Marky na gamitin itong teleponong bigay nya sa akin ay ito na ang ginagamit ko, pero ang nakakalungkot ay hindi ko na sya malagyan ng kantang mga gusto ko. Kasi mahirap at kailangan mo pang ipadaan sa computer ang mga kanta at kung ano ano pang komplikadong mga prosesong kailangang pagdaanan. Kaya naman nagreklamo ako sa kanya. May naging solusyon naman agad si mokong at ininstallan nya ng app na Spotify ang aking telepono, at ginawan nya ako ng premium account para daw unlimited akong makapakinig ng kantang gusto ko at pwede ko daw ito idownload para kahit wala akong internet ay makapakinig parin ako ng mga kantang gusto ko. Chinarge daw nya ito sa allowance nya dahil bilin nga ng tito at tita na dinagdagan nila ang allowance ni Marky para nga daw may pang-date kami.

Laking tuwa ko dahil dito at makakapakinig na ako ng mga kantang gusto ko at pwede ko na ako ulit mag sing-along ng mahina lang dahil nga hindi naman kagandahana ng boses ko.  At ang paborito kong pakinggan ngayon? Giving Me Life by Mariah Carey featuring Blood Orange and Slick Rick. Bakit ito? Napanuod ko lang naman sa Youtube na gusto pala ni Timothee Chalamet ang kantang ito, at dahil nga crush ko sya syempre yun ang inuulit ulit ko para feeling ko may something in common kaming dalawa.

At nung nalaman ni Marky yun ay matinding sagutan ang naganap.

"So that's him? Your crush? Eh mas pogi pa ako jan eh. Look at him! Ang payat payat nya no. I'm buff and hot. I'm way hotter and more handsome than him!", inis na inis na angal ni Marky.

"Marky ano bang pinuputok ng buchi mo? Crush lang naman yan. Hindi mo kailangang magselos at maging competetive sa kanya. Saka wala kang karapatang yurakan ang crush ko sa harap ko no. Oo boyfriend kita pero grabe ka sa crush ko. Ikaw ba, nakarinig ka na inaway ko ang crush mo?", inis at bugnot kong sagot sa kanya.

"Well definetly you won't hear anything from me about my crush kasi ang crush ko ay girlfriend ko na ngayon. She's perfect in all ways. And no, I won't have any other crush apart from you. Ikaw lang ang babaeng titingnan ko the way I look at you. Kaya dapat bawal ka ding magka-crush sa iba", pagmamaktol ni Marky.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon