Part 2 - A New World

636 36 0
                                    

Maaga akong nagising nung sumunod na araw. First day ko sa college at sa panibagong mundo. Ayokong malate sa unang araw ko, lalong lalo na sa first subject ko. Nakakahiya naman sa teachers at mga classmates ko. Timawa ka na nga, late ka pa. Ayoko lang na may masabi sila sakin. Kelangan kong bantayan ang mga kilos ko. Baka makabasag ako dun sa school at di ko na mabayaran yun. Matanggal ako sa scholarship ko.

Sa dami kong iniisip di ko namalayang nakatunganga na ako ng sampung minuto. Agad akong napabalikwas at naghanda na. Naayos ko na ang mga dadalhin kong gamit para sa school kaya't sarili ko nalang ihahanda ko.

Lumabas na ako ng kwarto at naligo. Napakalamig naman ng panahon. Nakakawalang ganang maligo. Pero di pwede. First day ko ngayon. Ayoko namang maging mabaho sa harap ng lahat. Pinupuno ko ng tubig ang timba ng may kumatok sa pinto ng banyo.

"Gab, anak ikaw ba ang anjan?", tanong ni papa.

"Opo pa, nagpapapuno lang ng timba pangligo", sagot ko naman.

"Ah sige mainam. Ilalagay ko nalang dito sa pinto ang pinakuluan kong tubig. First day kasi ng baby girl ko sa college, kaya kelangan mabango sya. Baka makakita pa sya don ng manliligaw nya"

"Papa! Ikaw talaga. Alam mo namang wala pa sa isip ko yang mga ganyan. Pero salamat po sa pagpapakulo ng tubig! Love you po!"

"Oh sya sige alis na ko ng makaligo ka na. Pagkatapos mong magbihis ay kumain ka na.", pagpapaalam ni papa.

Opo lang ang naisagot ko at pinatay na ang gripo. Kinuha ko na ang takore at binuhos at sinimulang maligo.

Nang matapos ako ay bumalik na ako sa kwarto ko para mamili ng damit na isusuot. Bago ko buksan ang aparador ay kumuha muna ako ng lotion at ipinahid sa mga binti ko at kamay. Wag kayong ano. Avon lang to. Pero mabango kasi yung scent nya ay strawberry ammd white chocolate. Gustong gusto ko ang amoy neto kasi di mo na kelangan magcologne.

Ng matapos ako ay kumuha na ako ng damit sa aparador ko. Isang plain na black na t-shirt, na tinernohan ko ng maong na pants. At saka itim na sneakers. Sabi sa inyo, yan lang lagi ang damit ko. Nang maisuot ko na iyon ay naglagay naman ako ng pulbos sa aking mukha, baby powder po. At saka naglagay ng eyeliner at mascara. May binigay ang kaibigan ko nung highschool sa akin na eye shadow parang gray na parang black. Sabi nya akin nalang daw kasi mas bagay sa akin. Kaya sinubukan kong maglagay. Pinanuod ko sa internet kagabi at mukhang madali lang pala. Kaya naglagay ako ng konte, ginaya ko yung nakita kong smoky eye. Nagustohan ko kaya ginaya ko.

Matapos nun ay naglagay lang ako ng lip at cheek tint para mukha naman akong buhay. Nang ok na ko sa nakita ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko sina mama at papa na kumakain sa hapag, kaya sumali na rin ako.

Nang makaupo na ako ay may napansin akong baunan na may laman na. Malamang ay nilagyan na ito ni mama. Answerte ko talaga sa mga magulang ko.

"Thank you po dito ma! At mukhang niluto nyo pa ang paborito kong adobong baboy. Pero ma, diba't mahal ang baboy ngayon? Di ba masira ang budget natin dito?", alala kong tanong kay mama.

"Welcome anak! Ano ka ba ok lang yan, may extra pa naman tayo ng konte anak. Saka first day mo sa college. Kelangan busog ka para pumasok sa isip mo lahat ng pinapag-aralan nyo.", nakangiting sagot ni mama.

"Oh kumain ka na ng marami para makaalis na tayo. Anak, mag-iingat ka doon ha? Alam mo namang ibang iba tayo sa mga makakasalamuha mo doon. Mga mayayaman yun. Anak, hangga't maaari ay umiwas ka nalang sa gulo. Pero kung inaapakan na ang dignidad at pagkatao mo, lumaban ka. Para saan pa ang tinuro ko ng mga galaw sayo", mahabang bilin ni papa.

"Opo pa pangako. Titiisin ko po lahat hanggang sa makapagtapos ako. At makapagreview na ako sa board. Para po maging CPA ako at masuklian ko po lahat ng paghihirap nyo para sa akin. Salamat po sa inyo. Napakapalad ko po at kayo ang magulang ko. Tanggap nyo ko kung sino ako at sinusuportahan nyo pa ako.", ang mahaba kong drama

Nagyakapan lang kaming tatlo at kumain na. Pagkatapos noon at kanya kanya na kaming sakay patungo sa aming mga destinasyon. Ako, papuntang eskwelahan.

Andami kong iniisip at mga pagdududa. Mga haka haka at suspetsa. Basta andito lang ako para makapagtapos ng pag-aaral. Nang napatingala ako ay nakita kong malapit na ako sa school. Pumara ako ng marating ko ang harap ng gate at bumaba na.

"Good morning po manong guard! Bago lang po ako dito kaya wala pa akong id. Papapasukin nyo ba po ako? May rf naman po akong dala", nababahala kong tanong.

Tiningnan ako ng guard ng parang biglang-bigla na kinausap ko sya. Nang makita nyang naghihintay ako ng sagot nya ay nagsalita na rin sya.

"Ah eh good morning din ineng. Ok lang pasok ka lang. Basta wag mong kalimutang kunin ang ID mo sa registrar ha? Kasi sa katagalan, no id, no entry na dito.", maamong sagot ni manong guard.

"Pasensya ka na ha at di ako nakasagot agad. Hindi naman kasi kinakausap ng mga estudyante dito. Minsan nga ay naaalipusta pa kami. Porke mahihirap lang kami at ang yayaman nila.", may tampong dugtong ni manong.

"Ok po tatandaan ko. Saka ok lang yun kuya, anak mahirap din naman ako. Sinwerte lang at nagkascholarship kaya dito nakapasok. Salamat po alis na ko!"

Kinawayan ko nalang sila at umalis. Nang makapasok ako ng gate ay may isang estudtanteng nag-abot sa akin ng mapa. Mapa ito ng school at kung saan ang mga building. Kasama na kung anong course ang nas building na yon. Mukhang mula sa student body ang lalaking ito.

"Welcome to Brighton! I'm Santi and I'm your friendly neighborhood student prefect. If you have any questions, please don't hesitate to ask me. You name is?", mahabang english ng lalaki sabay abot ng kanyang kamay.

Ano ba naman yan, ang aga aga napapahamon na ako sa english. Konti lang baon ko today eh, yung pang introduce yourself lang. Mukhang mababawasan pa. Hay nako.

"Ah eh thanks and my name is Gabbie", sagot ko habang inabot ang kamay nya para makipagkamay. "I'll be sure to remember that and thanks for this! This will really come in handy." Lagot. Limang salita nalang natira sa english ko. Hay nako pag minamalas ka nga naman.

"You're welcome Gabbie, and you're really pretty. Here's my number and call me if you need anything.", sagot ni Santi sabay abot ng card na papel.

"Ah eh salamat sige alis na ko!", madali kong sagot. Jusko day, ano ba namang araw na ito. Mauubusan pa ako ng english ng maaga pa at mukhang may gusto pang makipagtextmate sa akin. Pagkakuha ko ng card ay madali na rin akong umalis.

"You're very much welcome beautiful lady and don't forget to call me! I'll be waiting!" Halos pasigaw nyang sagot habang papalayo akong naglakad ng mabilis.

Hay nakakahiya talaga. Beautiful lady ka jan. Pag ako nalaman mong bakla titino at aalis ka din wag ka nga.

Dahil sa mapa ni Santi ay mabilis kong nahanap ang building ko para sa first class ko. Nasa 3rd floor ito at sosyal dahil may pa elevator ang school. Nagmukha tuloy ako lalong timawa sa mga kasabay ko sa elevator.

Mga mamahalin ang mga gamit nila. Hindi ko naman alam ang mga brand na yan na di ko mabasa eh halata namang mahal dahil magaganda talaga ang itsura neto.  Mula sa ipit sa buhok, sa hikaw, maging sa make up, bag, damit at sapatos ay mga mamahalin talaga. Mukang kahit isangla ko ang kaluluwa ko at di ko yun mababayaran kaya ingat na ingat akong di ko sila magalaw.

Pagkababa ng elevator ay pumunta muna ako sa banyo para mag-ayos. Since sabi nga ni Santi ay mukha akong babae, sa pambabae nalang ako dumiretcho kasi pag dun ako sa boys ay maiskandalo lang ako. Tinali ko lang ang buhok ko at nag iwan ng iilang hibla ng buhok sa gilid saka ang side bangs ko na hinati ko sa mejo gilid. Naglagay lang ako ng pulbo at lip tint ulit saka lumabas na sa banyo.

Bago ako pumasok sa room ay natigil ako sa pinto. Kinausap ko muna ang sarili ko. Kelangan mong maging matatag. Andito ka para tuparin ang pangarap ng mga magulang mo. Para maiahon mo sila sa hirap. Kayanin mo gab. Apat na taon lang yan. At nawa'y makahanap ka ng mga kaibigang totoo at tanggap ka. Yung mga kaibigang makakasama mo hanggang tumanda kayo. Kaya mo yan girl. Go go go!

Huminga lang ako ng malalim at pinihit ang pinto para pumasok sa room ng papikit. Kaya naman may nabangga ako ng pumasok na ako sa room.

Pagtingin ko kung sino ay halos mahimatay ako sa kinatatayuan ko. Parang kahit anong lip at cheek tint ang ilagay ko sa mukha ko ay di ko maitatago ang pamumutla ko.

Sa lahat talaga ng taong mababangga ko ay sya pa! Dios kong mahabagin!

Si Alex pa talaga! As in Alexander Caleb Thompson!

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon