Part 15 - Swimming

374 24 0
                                    

"Girl dalian mo na nga jan, magsisimula na ang class! Bilis bilisan mo mag-ayos! Special ang class na to ngayon kaya tara na!", pagmamadali sa akin ni Marie habang nasa labas ng cubicle.


Kakatapos nya lang magsalita saka ko binuksan ang pintuan ng cubicle bitbit ang regular na damit ko nakatupi at nakasilid sa plastic na lalagyan.


Kung nagtataka po kayo bakit, ito ay dahil nakaswimming costume (bathing suit) kami ngayon. Ang klase kasi namin ay PE, at sa aming course ay swimming yun. Naka bathing suit po ako opo. At ayaw na ayaw ko ito.


Kung maaalala nyo ay opo feminine ang features ko. That means, may boobs ako ng konte, at ang aking private part ay hindi panlalaki, at least sa labas daw. Ayoko nitong kasi masiswim suit kami, at hindi ako komportable dun.


Opo naging slim na ako ngayon, pero hindi ako komportable na tinitingnan ng iba ang katawan ko, kahit na kapwa babae pa iyon (charot), lalong lalo na ang ibang lalaki. Kahit nga na rash guard ang suot ko, feeling ko ay tinatalupan parin nila ako pag tinitingnan nila ako. At hindi ko yun gusto. Lalo na ngayon, na ang pinasusuot sa amin ay isang one piece bathing suit, na prescribed ng school. All black eto, at mejo kita ang cleavage, at hindi yung parang short ang sa baba, kundi parang panty talaga.



"Oh ayan na po kamahalan, tapos na po. Mamaya na ako magsiswimming cap. Maligaya ka na? Bat ba kasi atat na atat ka sa swimming class na to?", inis kong sabi kay Marie.


"Like I said, special ang swimming class ngayon. At least once per sem, eh pinagsasama sama ang lahat ng students na enrolled sa sem na to for a friendly competition, boys and girls. Iba ibang events, same day. Buti nalang at last period ngayon nilagay. Pero, ang magkakasama lang ay ang same college.", mahabang paliwanag ni Marie.


"Oh, eh yun naman pala, bat ka tuwang tuwa? Akala ko ba ang crush mo ay Pharma? Pero sayang no, wala si Sydney.", sagot ko naman kay Marie.


Opo, wala si Sydney. Exempted sya kasi may asthma sya, baka makasama sa kanya ang swimming.



"Eh kasi, may nameet akong Marketing, cute din sya, pogi at mesherep. Ikaw nga ang dapat na matuwa jan no, Business Ad si Alex, kaya makikita mo ang yummy na katawan nun. Immuned na ko, kasi nga magkababata kami at pag may family gatherings, di nawawala ang swimming. Ay oo nga no hehe. Sayang, may crush pa naman syang classmate natin hehe.", sabi ni Marie.



OMG. Oo nga no? Ngayon ko lang naisip yun. Kahit naman na may pictures na si Sir Alex na nakatopless kasi nga model sya, eh iba parin pag nakita ko yun ng personal. Nanghihina ang tuhod ko sa sinabi nya.



"Teka, bat di ko alam yan? Sino? Andaya naman. Kelan nya sinabi yun? Share mo naman", sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng pool area.



"Mamaya na aawra pa ko, kelangan pagpasok natin dun all eyes sa atin para manotice ako ni Mr. Marketing. Pakilala ko sayo mamaya hehe", sagot ni Marie.



Andaya ng mga to. At ang hihilig sa grand entrance. Ayun na nga pumasom na kami, at di nga sya nagkamali, lahat nga ay nakatingin sa amin ng pumasok kami. Paanong hindi eh sa lakad palang ni Marie na pang-supermodel, eh mapapatingin ka talaga. Sana ganyan din ang confidence ko.


"Hey boys, look! The hotties are here!", sigaw ng isang lalaki.


At parang ganon nga eh ang lahat ng boys tumingin sa akin. Jusko po, wag naman. Kay Agatha Marie nalang kayo tumingin, wag sa akin! Sa sobrang conscious ko eh niyakap ko nalang ang katawan ko, habang sinusuri ang mga lalaking nakatingin sa amin.


ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon