Part 4 - Friend Request

495 36 0
                                    

"Ok ka lang ba girl? Mukhang nasipat ka agad ni Adam ah, ibang klase din yung lalaking yun. You know what, maybe he is an animal. He's got the nose of a bloodhound!", bungad ni Agatha.

"Truth. He's a snake, a dog, and a pig rolled in to one pathetic and perverted mess", dagdag pa ni Sydney.

"Ok lang ako, salamat sa inyo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kanina eh. Ngayon lang kasi nangyari sakin yun", pagpapasalamat ko sa kanila.

"Like seriously? Ngayon lang may nagparamdam na lalaki sayo? Sa itchura mong yan? I highly doubt it!", sabi ni Agatha.

"Uhm kasi sa dati kong school, alam naman ng lahat na lalaki talaga ako. Kasi po dun din nagtuturo papa ko. Kaya ayun. Saka nakapanlalaking uniform ako, wala naman sigurong lalaking magpaparamdam sa kapwa nila lalaki", maiksi kong sagot.

"Well you know what, marami pa kaming di alam sayo. And we have the entire lunch break to talk about that. Heto look at what we've got. Kain na tayo at umpisahan mo na magkwento!", excited na dugtong ni Sydney.

Andami nilang kinuhang pagkain at mukhang masasarap lahat. Halos lahat hindi ko kilalang pagkain, mga mahirap mabigkas ang pangalan. Ang alam ko lang may pizza silang kinuha. Dahil nga sagot nila ang pagkain, nakakahiya naman kung di ko sagot ang kwento. Kaya daldal lang ako ng daldal. At parang wiling wili din sila sa pakikinig sa mga kwento ko. Napakasaya ko at nakilala ko silang dalawa sa buhay ko

Matapos naming magkwentuhan at kumain ay tumulak na kami sa aming susunod na klase. Di kagaya ng Accounting namin na klase, mabilis lang nagmeet ang teacher namin. Gusto lang daw nya malaman kung ilan kami sa klase at next meeting naman daw ang introduction nya. Chill lang si prof eh, sana laging ganito.

Dahil may mahaba pa kaming panahong kelangang iwaldas ay nilibot nila ako sa paaralan. Napakaganda talaga ng paaralang ito. Moderno ngunit may mga bakas ng nakaraan na di naluluma. Napakalaki ng paaralang ito kaya napagod kami sa kakaikot. Ganun nga at napagdesisyonan naming maupo sa isang bench sa may lilim ng puno.

Yung bench na yun ay nasa malapit sa field, pero malapit din ang basketball court dito. Hala, tama ba ang nakikita ko? Si Alex ba yun? Naglalaro ng basketball? Hay. Kahit na napahiya ako sa kanya kanina, di ko parin maitatanggi na crush na crush ko parin talaga sya. Lalaking lalaki ang dating, brusko pero sopistikado, maginoo pero mejo bastos, at ang ngiti nya. Ang nakakatunaw nyang ngiti. Lalo na pag yung ngiting yun umabot sa mga mata nya, Mas lalo syang gumagwapo. At mas lalo akong natutunaw.

Maya maya pa ay natapos na pala silang maglaro ng mga kaibigan nya, at kinuha na ang mga gamit at nagsi-alisan na. Nabigla nalang ako ng napasigaw etong sa Agatha sa tabi ko.

"Marky! Hali ka rito!"

Isang matangkad na lalaki naman ang dahan dahang lumapit sa amin. Matangkad din sya, 6'0". Maputi. Napakakinis ng balat. Matipuno at kitang kita iyon sa mga braso nyang naglalakihan. Napakagwapo din ng kanyang mukha. Light brown na mata na parang laging nakangiti at nangugusap. Mahahaba, makakapal at nakapilantik na mga pilikmata, matangos na ilong, at mapululang mga labi. Ang mga pisngi naman nito ay namumula pa dahil sa paglalaro.

"What's up Marie?" Nakabusangot nitong sabi. Malalim ang boses nya at nakakakilig pakinggan.

"What's up what's up ka jan, Dad's been calling you! Explain yourself to him, you know I got your back but brief me beforehand para kapanipaniwala tayo. Kung di lang talaga kita kambal na kumag ka!", gigil na gigil na sagot ni Agatha.

"Oh by the way, meet our new friend, Gabrielle. We just met her and classmate namin sya sa block section so be good! She's my sister now like Sydney", pagpapakilala ni Agatha.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon