Part 10 - Drama!

372 21 0
                                    

Simula nga nung araw na yun ay hindi na mapigilan si Marky sa pagdikit sa akin. Pati schedule ko kinuha, para daw alam nya kung kelan ako libre, anong oras ang pasok ko, at anong oras ang uwi ko. Grabe talaga sya. Di ko pa nga sinasagot maka asta parang jowa ko na. Lagi pang kinikuha ang bag ko, sya na daw magbibitbit. Eh alam nyo naman ang libro ng accountancy laging makapal at mabigat. Talagang pinagpipilitan. Hinayaan ko nalang. Alam nyo naman, hindi ako mananalo sa katigasan ng ulo ng isang to.

At dahil nga doon, naging mainit ako sa mga mata ng mga estudyante sa school. Kahit na mag isa lang akong naglalakad, pinagtitinginan nila ako. Tingin ko hindi rin magaganda ang mga iniisip nila. Pero di ko sila pinapansin. Di ko naman sila kilala at wala namang benepisyo sa akin pag inalam ko kung ano ang sinasabi nila.

Sa mga barkada ko naman, walang nagbago. Ganon parin kami. Chika, tuksuhan at turuan ng lessons. Mas lalo na sa tuksuhan kasi nga si Marky eh dikit ng dikit sa akin. Ang hilig pa ipatong ang ulo sa balikat ko. Wow, PDA. Kaya laging nahahampas sa braso. At laging yun ang pinaguumpisahan ng tuksuhan. Ang laging sinasabi naman ni Agatha Marie, "Oh gosh guys, please get a room!". Grabe sya.

Isang beses eh naglalakad kami ni Marky patungo sa canteen ng school. Kinukulit ako ng kinukulit kaya't napikon ako sa kanya. Kaninang umaga pa to. Kaya naman ay nasigawan ko sya tas hinampas sa braso at saka naunang lumakad. Alam nyo kung anong sinabi nya?

"Aray naman love grabe naman to nagbibiro lang eh. Uy love san ka pupunta? Uy love! LOVE! GABBIE! LOVE! Uy wait for me!", sigaw ng mokong.

At sa tingin nyo ba hinintay ko sya? Syempre hindi no! Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad at tinago ang mukha ko dahil sa hiya! At dahil nga sa nakatakip ang mukha ko at di nakatingin sa daan habang tumatakbo ay nakabangga ako.

"Ay nako pasensya na po kayo sorry po hindi ko po sinasadya! Pasensya na po kayo..."

"Hey Gabbie baby! I haven't seen you for some time! Kamusta ka na? Hey you promised last time we see each other you'll give me your number right? So eto na kukunin ko na". Si Adam. Adam Chan. Sa lahat pa talaga ng taong mababangga ko sya pa talaga.

Pag naririnig ko ang boses nya ay talaga namang naninindig ang balahibo ko. Hindi sa kilig, kundi sa pagkadiri sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Oo, gwapo sya. Walang kwestyon doon, pero he makes my skin crawl. Diba napa english ako dun.

"Ah eh, Sir Adam kamusta po. Pasensya na po at nabangga ko kayo. Sige po alis nalang ako para di ko na po kayo maabala pa paalam po at sorry po ulit", pagmamadali kong sabi sa kanya pero hinawakan nya ang braso ko.

"Wait lang Gabbie baby. Di ko pa nakukuha ang number mo eh, diba nagpromise ka? Para magkakilala tayo? Sige na mabilis lang naman to eh", sabi ni Adam, sabay sapo ng baba ko.

"TAKE YOUR FUCKING HANDS OFF MY GABRIELLE, CHAN! KUNG HINDI MAGKAKAGULO TAYO DITO!", pasigaw na sabi ni Marky. Hay, he really is my knight in shining armor.

"Chill Razon, masyado kang high blood. Kinakausap ko lang to si Gabbie baby ko eh. Saka anong my Gabrielle, bakit, girlfriend mo ba sya?", maangas na sagot ni Adam. Lagot. Ayoko ng gulo. Lalo na mula sa dalawang prominenteng pamilya.

"Gabrielle Perez is mine and mine alone. Don't you dare call her baby! Take your hands off of her this very instant, and don't you dare talk to her ever again. I know what you did to her last time Adam, and believe me nagtitimpi lang ako sayo coz she said ayaw nya ng gulo. Pero pag inulit mo mo pa to, mark my words, pagsisisihan mong lumapit ka pa sa kanya", galit na galit na banta ni Marky kay Adam. Kitang kita sa mata nito ang galit at umigting ang panga ni Marky, at ang mga kamay naman nya'y nakakuyom at handang suntukin si Adam kahit anong oras.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon