Part 35 - NAIA?!?!?!

163 9 0
                                    

"Can I please take you out on a date? You know, just to say thank you.", biglang sabi ni Alex sa kalagitnaan ng lessons namin.

Yup, laging nangyayari ang mga ganitong bagay kapag naglelessons kami. Yung kung kelan ay seryoso ako, saka naman nya ako aabalahin at mawawala ako sa focus. Aaminin ko, nakakapikon talaga. Alam nyo yung pakiramdam na focus na focus ka na sa ginagawa mo at alam mong you're on the zone, tas aabalahin ka kaya mawawala na ang focus mo? Nakakainis. Nakakapikon.

"Alex, please focus. Malapit na nating matapos ang topic na to, at magpoproceed na tayo sa susunod na topic. At alam mong madami dami pa ang kailangan natin habuling topic dahil sa hindi mo pagpasok. Kaya naman, please, focus muna please", inis ko nang sagot sa kanya.

"Babe, I know, but like, please I have to do something for you. You saved me. You took me out of the dark. And yeah, I'm aware na madami dami pa tayong kailangang habulin but hey, I'm sure we can manage that. Ikaw pa. You're the best tutor ever. No, scratch that, you're the best girlfriend ever", turan naman nito sa akin sabay hawak sa kamay ko, at tiningnan ako nito sa aking mata na puno ng paglalambing.

Hindi ko din alam, pero napatitig din ako sa mga mata nito ng ilang segundo. Damang dama ko ang sincerity sa boses nya. Ewan ko. Sa loob ng panahong nakilala ko sya, ngayon ko lang naramdaman ang sincerity sa boses nya. At ngayon ko lang din naramdaman ang pagkalinga sa paghawak nya sa akin. Ewan ko din ba. Pero hinayaan ko din na hawakan nya ang kamay ko at himas himasin ito ng ilang segundo. Baka nabudol na ako ng lalaking eto.

Kaya naman nung narealize ko na ang awkward ng ganong lagay ay agad kong iniwas ang akiung tingin at binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak nya. Kailangan kong mag-isip ng sasabihin at kailangan kong bilisan. Hindi ako komportable sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa.

"Ah eh, hindi pwede Alex. Alam mo naman ng sitwasyon natin diba? Mahirap na", pilit kong sinabi iyon sa kanya. Para lang talaga hindi maging awkward ang atmosphere.

"Dammit babe, I know. But I really wanna show you my appreciation for what you did for me. And I wanna spend time with you. Quality time. Like what normal boyfriends and girlfriends have. I wanna know you more. I wanna know things from you yourself. I'm tired of knowing them from other people. Or from watching you from afar. And I want you to know me. All of me.", malungkot nyang sabi sa akin.

Somehow, naawa din ako sa kanya. I mean I know, walang kapatawaran ang ginawa nya sa akin. Hayop sya, at kahayupan iyon. Pero kahit naman ganon, tao parin akong may pakiramdam. Hindi bato. At imposible ding hindi ko maramdaman ang sakit sa boses nya habang sinasabi nya iyon. At masakit sa dibdib ang rehistro ng mga sinasabi nya sa akin.

"Sige, ganito nalang. Ipakita mo nalang ang appreciation mo sa akin sa pamamagitan ng pakikinig at pag-cooperate sa lessons mo, pwede ba yun? Para naman makahabol ka sa pag-aaral mo. Hindi pwedeng dahil lugmok ang pakiramdam mo ay pababayaan mo na ang pag-aaral mo Alex. Oo may problema ka, pero hindi pwedeng gawin mong rason ang problema mong yan para pabayaan mo ang sarili mo lalong lalo na ang kinabukasan mo no. Hindi pupwede sa akin yun. Kaya hangga't ako ang tutor mo, ipupukpok ko yan sa ulo mo hanggang sa magtino ka. Hindi pwedeng dahil sa mayaman ka at may pera kayo ay iaasa mo dun ang kinabukasan mo. Ang pera, mauubos yan pe...." mahaba kong litanya sa kanya.

Pero obviously, putol yun. Bakit naputol?

Hinalikan nya ako. Sa labi. Nang masuyo. Na sya namang ikinagulat ko. Mukhang hindi ko nanaman magugustohan ang patutunguhan nito.

Pero bago magtagal pa ay bumitawna sya sa akin, at tinitigan ako ng sobrang lapit ang mukha nya sa akin.

"Oh how I love you, Gabrielle. Okay, fine. But I will find a way to make it up to you. One day, I will marry you.", pinal at seryosong sinabi nito sa akin at bumalik na sa pagkakaupo habang hinihintay akong magpatuloy sa pagturo sa kanya. Awkward. Sobrang awkward.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon