Part 16 - Thank You Sir

352 19 0
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa isang kwarto na ako. Malawak at maaliwalas, higit sa lahat malinis. Sa aking harapan ay isang malaking flat screen na tv, na ang lumalabas ay isang documentary mula sa National Geographic.



Sa aking kaliwang kamay ay may mga nakaturok na aparato, at dextrose. Ako ay nakahiga sa isang komportableng kama na mejo malaki. Pamilyar ang eksenang ito sa akin, pero di ko maalala kung saan ito.



Ay, tama nga pala. Nasa ospital ako.




Nung napagtanto ko iyon ay may isang lalaking lumabas mula sa palikuran ng kwarto. Pamilyar na itchura iyon, at nung nakita ko ang mukha nya ay napuno ng galak ang aking puso.



Si Marky.



Agarang tumakbo si Marky sa tabi ko at nagsalita sa intercom. "Nurse, gising na po sya."



Matapos nun ay niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi na ako tumutol dahil nauunawaan ko ang nararamdaman nya. Ramdam ko din yun. Ang takot na di mo na makita ang taong lubang mahalaga sa iyo. Kaya niyakap ko nalang din sya, ng mahigpit. Well, sa pinakamahigpit na kaya ko, lalo nang mahina pa ako.



May naramdaman akong basa sa may leeg ko, at isa lang ang naisip ko.



Umiiyak si Marky.



Agad akong kumilos para patahanin sya. "Marky, please tumahan ka na? Ayokong makita kang ganyan, nasasaktan ako. Maiiyak na rin tuloy ako. Sorry. Patawarin mo ko.", sabi ko sa kanya.



Pinahid nya ang kanyang mga luha habang tinitingnan ako sa mukha. Napakasakit na makita ang mukha ni Marky, ang lalaking laging naging ilaw ng buhay ko sa loob ng ilang buwan, ay lugmok ang itchura at nasasaktan ng ganito.



"Love, sorry. Sorry kasi wala ako dun para protektahan ka. Sorry dahil wala ako dun para iligtas ka. Sorry wala ako dun para sabihin sayo na ligtas ka na, na okay lang, na di kita iiwan o pababayaan. Sorry love, sorry. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong nagawa para sa'yo", mahabang paliwanag ni Marky.



"Marky, wala kang kasalanan. Sa lahat ng sinabi mo, lahat dun wala kang kasalanan, okay? Kung tutuusin, dapat nga akong magpasalamat ako kasi andito ka ngayon, kasama ko", mahabang sagot ko naman sa kanya.



At pagkatapos ng sinabi ko ay bumukas ang pinto, at niluwa nito ang mga pinakamatatalik kong kaibigan, sina Marie at Sydney, na agad namang tumakbo papunta sa aking kama.



"Friend! Ok ka na ba? May masakit pa ba sayo? A-ano pa kelangan mo? Gab, patawarin mo ko. Kung di kasi ako lumandi at kung di ko inuna yung kalandian ko, edi sana di nangyari yung mga nangyari. Patawarin mo ko Gab, sorry talaga, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sayo, at mukhang ganon din ang kambal ko. Sorry Gab, patawarin mo ko", mahabang litanya ni Marie.




"Marie, wala kang kasalanan. Ano ka ba. Saka bat naman kita pipigilan kung umaaalagwa na ang lovelife mo no, hehe. Pero seryoso, wala kang kasalanan. Katangahan ko ang rason kung bat ako andito ngayon. Patawarin mo ang sarili mo, at patawarin mo din ang kambal mo Marky. Pareho kayong walang kasalanan, okay? Magrelax lang kayo at ok na ko", mahabang sagot ko din kay Marie.




"Pero teka lang? Paano ako napunta dito? Ang huling naaalala ko eh yung nasa gilid pa ako ng pool, at...", tanong ko sa kanilang tatlo.



"Ah, yun. Sige, hayaan mong ikwento ko sayo ang nangyari. May biglang sumigaw sa may pool kasi may nakalutang na katawan sa pool. Tiningnan ko iyon at nakilala kong ikaw agad yun sa kulay ng buhok mo. Kaya naman sumigaw ako ng tulong at sinabi kong ikaw yun, sinabihan ko silang hanapin ang lifeguard. Nagulat ako ng biglang tumalon si Alex sa pool kahit di ko pa nasasabi na ikaw yun, eh di naman yun mahilig magswimming sa pool. Sa dagat siguro, oo. Yun pala eh nakita ka na nya bago pa ako makapagreact.", mahabang kwento ni Marie.



ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon