Part 39 - Picnic

111 11 1
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang insidenteng sangkot ako, si Olivia, Marky, at Alex. Matapos nun ay bumalik na rin sa dati ang lahat, na parang walang nangyari. Everything fell to its proper place.

Yan ang gusto kong sabihin. Yan ang pinapangarap kong sabihin. Ngunit hindi ko masabi. Dahil hindi yun ang nangyari. Dahil hindi iyon ang angkop na mga salita para ilarawan ang mga sumunod na naganap.

Unang una sa lahat ay mabuti nalang hindi na nakarating pa sa mga namumuno sa school ang pangyayari. O baka naman sinadyang hindi na ito makaabot sa administration ng school. Dahil kapag nagkataon ay sigurado akong may masususpende o kaya naman ay may masasanction nanamang estudyante, at yung ng pinakakinakatakutan ko. Bakit? Kaya nga ako iwas na iwas sa gulo para hindi mangyari ang mga ganong bagay. Dahil kapag nasangkot ako sa gulo, kahit na hindi ko naman kasalanan, mapa-biktima man ako or nadamay lang, ay may posibilidad na matanggalan ako ng scholarship. At kapag natanggalan ako ng scholarship sa school, ay maaaring hindi ko na rin maipagpatuloy ang aking mga pangarap. Kaya mabuti nalang talaga.

Ayoko din namang mapahamak sina Marky at Alex nang dahil sa akin. Kahit naman na oo, bad boys ang dalawang ito noon, ay nagbago na sila at nagtino. Well, si Marky ay hindi naman talaga nasasangkot sa gulo, marami nga lang napaiyak na babae. At kung madamay man ito sa gulo ay ito'y dahil sa pag awat nito kay Alex. Si Alex naman, kahit na marami nang gulong napasukan at nakasangkutan ay nagsisimula na sanang tumino, at ayoko namang bumalik ito sa dati nitong gawi. Hindi rin ito makakatulong sa sitwasyon nya ngayon, lalo na sa mga pinagdadaanan nito sa kaniyang pamilya. Baka imbes na tuluyan na itong makaahon sa kadilimang bumabalot noon sa kanya ay bumalik sya doon at tuluyan na syang lamunin noon.

Si Olivia naman... Well, mahahalatang malaki ang naging epekto ng nangyari sa kanya. Marahil nga'y tinotohanan ni Marky na hindi na sila magtatransact sa negosyo ng pamilya ni Olivia, dahil halata ang pagiging balisa nito, na tila laging may malalim na iniisip. Hindi ito makatingin sa akin, kay Marky, or sa kahit na sino mang parte ng FAME. Marami ring nakapansin na ibang sasakyan na ang pinapangsundo sa kanya sa school ngayon. Dati, ito ay isang mamahaling sasakyan, ngunit ngayon, ito'y ordinaryong sasakyan nalang. Marahil nga ay malaki ang naging epekto ng ginawa at sinabi ni Marky sa kompanya ng mga magulang ni Olivia. Kahit naman ganun ang nangyari, ay hindi ko parin kayang sabihin na neknek nya at na deserve nya ang nangyari sa kanya. Oo, bruha sya at masama ang ugali, pero hindi naman siguro tamang sabihin yun sa isang tao lalo na sa kalagitnaan ng pinagdadaanan nito.

At ako naman, well, bantay sarado na ulit ng mga kaibigan ko. Matapos nilang nabalitaan ang ganong nangyari ay hindi na ulit humiwalay sa akin ang aking dalawang best friend. Si Marie ay lagi nang bitbit si Santi kahit na saan kami magpunta. Si Syd naman, well, minsan kasama ang kanyang manliligaw, minsan naman ay hindi. Pero ok lang naman. Hindi naman namin pinipilit ito na laging sumama sa amin, kung tutuusin ay si Syd pa nga mismo ang tumataboy sa kanya dahil nahihiya ito sa amin. Bumalik na ulit sa todo bantay mode etong dalawang lokang ito sa akin. Minsan, sa sobrang OA ay kahit sa banyo ay sinasamahan ako. Sinasaway ko na nga ang dalawang ito na hindi na rin naman kailangang pati doon ay may sumama sa akin, ngunit mapilit ang dalawang ito.

"Gabbie, girl. Just take our word for it. Olivia and by extension Abbygail and Quinzelle might look down and depressed now, but that doesn't mean they aren't out to get you. We've known her for a long long time. Since elementary pa kami sa paaralang ito, and she's got quite a rep here. It has always been what Livie wants, Livie gets. Well, except for Marky that is", pagtutol naman ni Marie.

"She's right Gabbie. Trust us. While she may not be the most likeable, but she has gained quite the following. And I mean that literally. Dahil nga si Olivia and her squad are the "it girls" of the school, almost every girl and gay in here wants to be a part of her it girl club. And they'd often make them do certain things to get into the club, then gagawin nilang mga alipin ang mga ito. Taga pila sa canteen, taga-bitbit ng bags, taga kuha ng pictures, and even making them do the dirty work for them. Believe me, I know. Kaya please bear with us and undestand us when we insist", pagsang-ayon naman ni Sydney kay Marie.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon