Part 43 - Red

204 10 4
                                    

Ilang buwan na nga ba ang nakalipas matapos ang nangyaring eksena involving Olivia? Hindi ko na mabilang. Mabilis lumipas ang panahon, lalo na kung nag aaral ka. Oo, aminado akong so far masaya naman ang aking buhay kolehiyo, pero sa daming ng nangyayari sa buhay kolehiyo ko, minsan ang hirap nang huminga.

Halos hindi na namin namalayan ay nasa 1st sem na kami ng aming pang-apat na taon. At bago nyo sabihing malapit na ako magtapos, kumalma kayo. Kahit na normally ay 4 years lang ang accountancy, sa paaralang ito ay limang taon ito. Ganon talaga. Kanya-kanyang polisiya kada paaralan. Ang importante naman ay makuha ng estudyante ang mga required na subjects para makakuha ito ng board exam.

Palagi rin akong nasasabihan ni Marky na habang tumatagal ang kaming magkasama ay mas lalo akong nagiging mukhang babae. Ewan ko ba. Hindi ko gets ang ibig nyang sabihin. Eh mukha narin naman akong babae ever since. Sabi nya, mas lalo daw nagiging mas feminine ang features ng mukha ko. Hindi naman sa ino-objectify nya daw ako pero mas lalo daw atang naging mahubog ang katawan ko. Sinang-ayunan naman ito ni Marie, dahil para daw mas lalo pang nagkalaman ang dibdib ko, lumiit ang baywang ko, or lumalaki ang balakang ko. Nag-iiba din daw ang hubog ng aking shoulders, braso at legs, at hinirit pa ni Sydney kung nagpipills ba ako. Sinabihan ko naman silang wala akong pera at time para sa pills na yan at iniimagine lang nila ang mga sinasabi nila.

Mukhang mas matagal kaming magkasama ni Marky sa school. Dahil normal na rin naman sa mga engineering courses na 5 years sila bago makapag graduate. Ganon talaga. Mas marami pang panahon akong maasar ni mokong, at mukhang sya lang naman ang nag-eenjoy doon. Ewan ko ba. Gustong gustong inaasar ako, tas kapag napikon naman ako ay magrereklamo kapag nahataw ko ang braso. Ano kaya yun? Magkaganon man, proud parin ako sa jowa kong ito. Habang tumatagal ay lalong lumalabas ang galing at talino ng mokong, na hindi naman inexpect ng parents nito. I mean, oo, he's very witty and ang daming alam na kalokohan, yun pala ay dala ito ng kanyang pagiging matalino. Maniwala man kayo at sa hindi, nakakapasok na ito sa dean's list ng kanyang college, kaya naman sobrang tuwa naming lahat para sa kanya. Kung tatanungin mo sya kung ano daw ang sikreto, ang sagot nya ay iba daw talaga kasi kapag may inspiration. Saveeeh?

Maliban kay Marky, ay limang taon ko ding makakasama si Alex sa paaralang ito. Bakit? Naalala nyo nang nagkahiwalay ang mga magulang nito? Kahit naman ginawa na naming lahat ang magagawa namin para lang hindi maapektuhan ang pag-aaral nya, ay naapektuhan parin ito. Well, hindi naman ito bumagsak. Nakakahiya naman sa akin pag bumagsak ang tinututoran ko. Edi hindi ako nun effective na tutor. Binawasan nya ang kinuha nyang subjects. At naging prangka naman ito sa aming mga kaibigan nya. Yun nalang daw ang compromise na magagawa nya kaysa naman ibagsak nya ang mga subjects nya. At well, dahil nga ang mga subjects na iyon ay inooffer isang beses lang sa isang taon, ay kailangan nya itong kunin ulit sa susunod na taon. Continue naman sya sa mga subject nyang walang pre-requisites. Kaya tuloy parin ang tutor sessions ko sa kanya.

Balik tayo kay Olivia. Hindi naman imposibleng magkasalubong kami sa school dahil nga isang school lang kami, pero everytime na makaksalubong ko sya ay ramdam ko ang talas ng tingin nya sa akin. Kung nakakasugat lang ito, ay malamang punong puno na ako ng peklat ngayon. Pero iba ang pagtingin nya kay Marky. Malumanay, at puno ng pagnanasa. Mukhang hindi parin nito sinusukuan ang nararamdaman nya sa jowa ko kahit na pinagtabuyan nya na ito. In a way, its admirable. Siguro kung di ko jowa ang pinagkakaabalahan nya.

May mga panahong nagkakasabay kami sa restroom (yes, sa babae po ako pinapa-restroom ng school dahil mukha naman daw akong babae and I identify as a girl kaya no issue sa kanila, at dahil baka may mabugbog daw si Marky pag sa men's restroom ang ginamit ko) at lagi nyang kong tinitingnan ng masama, taas baba, iirapan saka wo-walk outan. Ako namang si demure na babae na ayaw ng gulo, eh pinapalampas ko nalang. Pero minsan, sa loob ko ay gusto ko na syang sabunutan at kaladkarin palabas kagaya ng ginawa ni Angel Locsin kay Mocha Uson sa Four Sisters and a Wedding.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon