Part 19 - Broken-Hearted

339 20 2
                                    

"Uy girl narinig mo ba? Wala na daw si Alex at ang girlfriend nyang si Ava. Nung sembreak lang daw. Grabe no? Ang perfect pa naman nilang dalawa together. Pero at least, single na sya ulit. Malay mo, may chance na mapansin na nya tayo"



Yan ang naririnig kong chismis dito sa school ngayon. Di naman ako chismosang tao, kaso kasi, anlakas naman ng pagkakasabi ng maraming tao dito sa school. Kaya siguro, kung tutuusin, di parin ako chismosa.



Pero totoo kaya yun? Wala na ba talaga si Sir Alex at saka si Ava? Bakit kaya? Anong nangyari bat nagbreak silang dalawa? Mukhang nung last na kita ko sa dalawa ay sweet pa naman sila? Ano kaya ang maaaring rason kung bakit naghiwalay ang isang power couple na gaya nila?



At saka nung sembreak lang daw? Yun kaya ay nung pagkatapos ng debut ko? Yun kaya nag pinunta ni Sir Alex sa room ko? Di ko na din naman sya nakita o nakausap matapos ng gabing iyon. Humihingi sya ng karamay sa pinagdadaanan nya nung gabing yun? At di ko man lang sya nadamayan sa pinagdadaanan nya, kahit dun man lang sana. Di pa ako nakakapagpasalamat sa mga regalo nya sa akin nung gabing iyon.



At habang naisip ko yun ay napatitig ako sa singsing na binigay nya sa akin. Napakaganda talaga nito. Simple lang ang design nito, pero napaka eleganteng tingnan. Gaano man kaganda ito tingnan ay di ko parin maaappreciate ito dahil sa kapag naaalala ko ang itchura ni Sir Alex nung gabing binigay nya iyon sa akin ay may kurot parin sa puso ko.



"Hi Love! Kamusta ang first day of class mo? Sorry kung napaghintay kita. Kainis kasi ang prof namin. Andaming sinasabi eh first day palang naman. Teka, okay ka lang ba love? May problema ba? Parang ang lalim naman ng iniisip ng mahal ko", sabi ni Marky sa akin, habang nakatitig sa mata ko.




Nagulat ako sa kanya. Siguro nga masyadong malalim ang iniisip ko, di ko na napansin ang pagdating ng boyfriend ko. Ilang segundo pa bago ako nakapagsalita, kasi pakiramdam ko eh masyado na akong chismosa pag tinanong ko pa iyon sa kanya, pero sinabi ko na rin.




"Ah, eh wala love, may iniisip lang ako. Okay lang naman ang first day ko love, magaan pa naman kasi mamaya pa ang major subjects ko. Kaso ayun, iniwan ako ng mga bestfriend ko para lumandi daw sabi nila", sagot ko nalang sa kanya.




Napatawa naman ang mokong. Ngayong boyfriend ko na sya, ay mas lalo atang gumagwapo ang mokong na ito sa mga mata ko. Hindi pala brown ang mata nya, hazel pala iyon. Bagay na bagay yun sa kanya. Mas lalo pa itong naging macho, para daw maipagtanggol nya ako ng mas maigi. Inspired ang mokong. Ako din naman. Di ka ba maiinspire pag ang adonis na ito ang magiging boyfriend mo?



"Love, may itatanong ako. Wag ka sanang magalit. Pero totoo ba ang naririnig ko simula pa kanina? Break na nga ba si Sir Alex at si Ava? Nung sembreak daw? May alam ka ba sa nangyari? Pasensya ka na, concerned lang ako sa kanya. Kahit lang nama dun maparamdam ko sa kanya yung pagpapasalamat ko sa pagliligtas nya sa buhay ko", tanong ko kay Marky.



"Love, andami mong paliwanag hahaha. Bat naman ako magagalit sa tanong mo? Boss mo at kaibigan din si Alex, kaya okay lang di ako nagseselos sa kanya. Unfortunately love, totoo. Nagtext sya sa amin nung ilang araw matapos ang debut mo. Tinitext at tinatawagan namin sya para damayan sana, kaso di rin naman sya sumasagot. Dumalaw din kami many times sa bahay nila, but he isn't accepting any visitors. I haven't seen him in school, come to think of it. Since after ng debut mo love, actually", sagot naman sa akin ni Marky.



"He's never like this. They call me heartbreaker and playboy, but Alex was the OG. He always gets the girls he wants, even the ones he doesn't want. Girls just throw themselves at him. And he never courted anyone, even Ava. It was a mutual thing. And when he breaks up with them, he does it like changing clothes, and he's completely fine. He was never broken-hearted. I don't know what happened. Maybe he really loved Ava", dugtong pa ni Marky.



ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon