Part 30 - Probinsya Trip

197 12 0
                                    

"Love, uhm ano kasi, pwede ka bang makausap?", tanong ko kay Marky.

"Love naman, nagpapatawa. Ano pa ba ginagawa natin ngayon? Hehehe. Pero sige love, ano ba yun?", tanong naman sa akin ni Marky.

"Kwan kasi, uhm, uuwi kasi kami muna sa probinsya, may konting pagtitipon kasi, parang mini-reunion, ganon. Mga kamag-anak namin, halos lahat kami uuwi. Ayun, mga 1 week love, ganon.", sagot ko naman sa kanya.

"Love, humihingi ka ng permiso sa akin? Hay nako. Mag-asawa na nga talaga tayo. Oo naman, papayagan kita. Kasama mo naman sina tito at tita. Teka, kelan ba alis nyo? Para maibook ko kayo ng roundtrip ticket, para di kayo mapagod sa byahe. Nga pala love, saan nga probinsya nyo?", sunod-sunod na sabi ni Marky.

"Love naman eh. Ayan ka nanaman. Hindi naman kasi kailangan, gusto nga sana namin magbus or barko lang, hehe. Parang bonding na din, ganon. Sa Iloilo lang naman love mejo malapit lang. Kwan kasi, nagsabi kasi sila mama at papa, na kwan daw... uhm, gusto mo daw ba sumama? Ipagpapaalam ka nila kila tito at tita kung gusto mo saka....", pagpapaliwanag ko kay Marky. Eh yun palang nasabi ko pinutol na ko sa pagsasalita. Bastos din eh.

"Oo love, wala nang maraming tanong. Syempre naman! Ikaw na saka si tito at tita kasama ko hihindi pa ba ako? Gaya nga ng sabi mo, bonding na din yun. Saka para na din maprotektahan kita sa byahe no. Baka may manyak pang umahas sayo sa akin. Di ako papayag. Saka para na rin mameet ko ang pamilya mo, hehe, para hindi na tayo magkailangan bago ang kasal hehe", excited na excited na sabi ni Marky. Aray, natamaan ako dun sa manyak na aahas ah, pero kailangan kong magpakatatag. Hinding hindi tayo susuko mga mamshie.

"Eto nanaman po tayo. Hay nako. Sige, sasabihan ko na si papa at mama, para makausap nila sila tito at tita, at maipagpaalam ka nila. Pero love ha, sasabihin ko sayo. Hindi marangya or parang hotel ang mga bahay nila doon ha? Alam mo namang hindi kami mayaman. Mahirap lang kami, simpleng mga tao lang. Hindi rin mayaman ang mga kamag anak ko. Simple lang din. Isang kahig, isang tuka. Baka hindi ka maging komportable dun, lalo na't hindi ka sanay sa ganon. Yun lang naman ang pag-aalala nina mama at papa", mahabang paliwanag ko kay jowa.

"Love naman, walang kaso naman sa akin yun. Koboy parin naman ako no. Hindi naman yun ang tiningnan ko kaya ako umibig sayo, kundi ang puso mo. Saka ang napakaganda mong mukha. At ang sexy mong katawan. Joke lang! Pinapatawa lang kita. Sad mo kasi tingnan eh. Sige wait lang ha, tatawagan mo muna sila dad para makapag-paalam. Baka ipasa ko sayo love ha, para sa ibang details", sabi naman ni Marky.

At yun nga ang nangyari. Kinausap ako nila tito at tita kung saan kami sa Iloilo, hindi naman ito nagtanong kung kamusta ang tutuluyan ni Marky at kung ano pa man, kung baga at nagtanong lang ito kung saan kami at kung may signal ba doon. Naiintindihan ko naman dahil gusto parin nilang macontact si Marky. Sinabi ko namang meron padin at malakas naman. Yun lang naman at binalik ko din kay Marky ang phone. Hindi naman nagtagal eh mejo nagkasagutan pa sila.

"Love, payag na payag sila mom at dad. Sa isang detalye lang sila hindi payag. Kailangan daw ay mag-eroplano tayo nila tita. Nasabon pa ako ni mom. Hindi daw pwede na pagurin ko ang girlfriend ko at ang pamilya nito sa byahe. Wala akong choice. Tatawagan ko nalang sila tito. Hindi daw ako tatanggapin sa bahay pag pinagbus kita. Sila mom at dad na bahala sa arrangement ng flights, dates nalang kulang. Sya love, tawag muna ako kay tito ha", sabi naman nito sa akin. Okay po tito at tita. Hinayaan ko lang silang mag-usap sa telepono.

--------------

Dumating ang araw ng flight namin, at 10 am ang flight namin. Buti nalang. Para hindi rush hour. Pero maaga padin kami sinundo ni Marky sa bahay, mga 6:30. Para daw hindi kami ma-stuck sa traffic. Kahit daw doon na kami sa airport kumain. Na sya namang ginawa namin. Pero sa totoo lang ay halos hindi ako makakain. Wala kasi akong gana.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon