Part 29 - Happy Birthday, Marky!

243 13 2
                                    

"Good morning love! Lika na para makaiwas tayo sa traffic", maagang bungad sa akin ni Marky.

Opo, hanggang ngayon ay hatin sundo parin ako ng jowa ko. Alam kong napakaspoiled ko sa jowa ko, pero hindi ko rin naman mapigilan. Obligasyon nya daw ito bilang jowa ko, at future asawa ko. At matigas ang ulo ni Marky kaya hindi mo din naman sya mapipigilang gawin ang gusto nya.

"Good morning love! Okay po, teka bat ansaya saya mo ngayon? Anong meron?", tanong ko naman sa kanya.

Sinuklian ako nito ng isang malaking ngiti bago sinagot. "Wala lang, malapit na kasi birthday ko love hehe. Wala lang. Alam ko, matanda na ako para ma excite sa birthday ko, pero ganun talaga eh. Mas lalo lang akong na excite kasi may kasama na akong magse-celebrate ng birthday kong espesyal na tao. Anjan ka na hehe"

"Korni mo boy. Haha. Pero alam mo namang mahirap lang kami diba? Kaya hindi ko maibibigay sayo ang mga mamahaling regalong alam kong deserve mo. Yun din minsan ang masakit at nakakahiya sa akin Marky. Gustong gusto kitang bigyan ng mga bagay na gusto mo, mga bagay na match sa pamumuhay mo, pero hindi ko kaya eh. Hindi ko talaga afford. Kaya sorry Marky. Patawa...", mahabang sabi ko pero pinutol ni Marky ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng paglapit sa akin at paglagay ng hintuturo nito sa aking mga labi.

Pinatagal pa nito ang paglapat ng daliri nya sa labi ko habang tinitingnan ako sa mata. Matapos ang ilang segundo ay tinanggal nya ito, at hinalikan ang sarili nyang daliri.

"Marky! Ano ba yan kadiri ka naman eh", saway ko sa kanya.

Tumawa lang ito at bumalik sa kanyang dating pwesto. "Eh wala akong magagawa, nagpromise ako kay tito na ang first na halik ko sa iyo ay sa wedding day natin. Kaya tiis tiis nalang muna ako sa ganito. Pero alam mo love, hindi ko naman tiningnan ang estado mo sa buhay nung minahal kita eh. Oo, nagandahan ako sayo ng sobra, natameme pa nga ako diba? Pero crush lang kita nun. Mejo nainlove ko siguro, oo. Pero alam mo love, yung tunay na nagpahulog sa akin at bumaliw sa akin ay nung nakilala ko kung sino ka talaga, kung anong klaseng tao ka. And I said to myself, I have got to get this girl.", mahabang salaysay nito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan.

"And you know what, thankfully I did. Tanggap ko ang buong pagkatao mo pati ang estado mo. Hindi ko naman hinihingi mga materyal na bagay love. But you know what, you gave me something I never thought I needed. It's not even a material thing. The time I spend with you is priceless. The lessons you taught me, priceless. Showing me a reason to change my life for the better priceless. Teaching me to appreciate and value what I have is worth more than any material gift I can want. Teaching me how to love truly and unconditionally, and that being reciprocated, that cannot be valued enough. Ikaw. Ikaw na mismo ang gift ko. At pinagpapasalamat ko yun every single day of my life. Wag ka na mag-isip pa ng kung ano love, please?", mahabang litanya ni Marky sa akin habang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Opo na po, cheesy mo ang aga pa. Sige na po hindi na po", sagot ko din kay Marky habang hawak hawak padin ang kamay nya. Napakagandang tingnan nito para sa akin. Kaya hindi ko binitawan ito, at pasimpleng kumuha ako ng larawan nito. Gusto kong gawing wallpaper. Hehe. Isang bagay lang naman ang kulang dito. Matching na singsing sa palasingsingan naming dalawa.

Maganda din pala ang kuha ng cellphone na binigay sa akin ni Marky. Yung pareho sa kanya, yung prutas ang brand tapos yung camera nya tatlo at naka korteng tatsulok, pero pinkinsh ang kulay ng sa akin. Oo, napilit nya din akong gamitin yun, nasira na kasi telepono ko at imbes daw na bumili ako ng bago gamitin ko nalang yung bigay nya sa akin. Parehong pareho nung bigay ni Sir Alex. Pero yung bigay nya, binenta ko. Hindi ko gagamitin yun. Sinabi ko nalang kay mama at papa na bonus yun galing sa kanya. Malaking pera din yun no.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon