Part 13 - FAME Day Out

335 21 0
                                    

"Gabrielle! Kanina ka pa nakatulala jan friend! Kanina pa din kinikilig yang cellphone mo jusko pakicheck pls!", pagtataray ni Marie.


Sorry naman po, may iniisip lang. Friday na ngayon, at so far mukhang maayos naman ang mga naging resulta ng exams namin. Buong linggo ay almost yun lang ang nagawa. Pag natapos na ang checking eh mag-iintroduce naman ang mga prof ng bagong topics. At kahit na lunes pa nangyari yun, eh di parin maalis sa isip ko ang nakita ko.


Bakit may nakita akong galit sa mata ni Sir Alex?


I mean, parang wala naman syang dapat ikagalit sa akin ah? Naperfect naman nya ang quiz nya sa accounting, considering sabi nya eh yun ang least favorite subject nya. Nagawa ko naman ng maayos ang pagtututor sa kanya diba? At sabi nga ni Marky eh nagalingan daw sya sa akin.



Kaya nga di ko gets kung bakit nagalit sya nung mga panahong yun.


Hindi na kami nagkita since nangyari yun, kasi umalis nalang din naman sya matapos ang nangyari. Bigla bigla nalang naglakad ng mabilis at parang nagdadabog. Kaya nagwoworry ako. Baka mapagalitan ako. O kaya naman, eh baka wala na akong trabahong babalikan.


At dahil nga sa bwisit na si Marie ay kinuha ko na ang cellphone ko at tiningnan. Bakit nga ba kanina pa nahvavibrate eto?



Nunt tiningnan ko ay 24 missed calls at 15 text messages, lahat galing sa iisang tao - kay Marky. Anong meron at aligaga itong isang tong makausap ako? Di talaga makapaghintay ng lunch break?


Inopen ko ang messages nya. Nag-aayang lumabas kami bukas tutal sabado naman daw. Celebrate daw namin ang magandang resulta ng exams.


Gabbie (G): paalam muna ako kay mama at papa baliw. Alam mo naman yun diba?


Marky (M): ako na bahala dun. Nakatawag na ko kay tito at umokey na sya. Sabi nya ok din yun para makapagrelax tayo. Syempre date na din love 😘😍🥰



G: magtigil ka jan Marky ang landi mo. Eh ano pa ba magagawa ko, naunahan mo na akong magpaalam? Oo na sige na. Sino kasama naten, tayo lang ba?



M: actually si Alex nag-aya sa FAME, pero day out. Bawal daw uminom so gala lang with friends like normal teenagers hehe. Syempre sinuggest ko na isama kita love, para makilala mo din friends ko hehe. Ayun pumayag, sama din daw nila mga girls nila.



Si Sir Alex? Pumayag si Sir Alex na sumama ako sa kanila?



G: ehh ayoko. Kung lalabas tayo, gusto ko ang kasama naten sina Sydney at Agatha lang. Ayoko na sila ang kasama.


M: love sige na pls? Sumama ka na. Kawawa ako dun, ako lang walang kadate. Sila dala nila jowa nila, ako walang kasama. Matitiis mo ba yun? 😢


G: magtigil ka Marky hindi pa tayo magjowa. Hay sige na nga oo na, kawawa ka naman. Saka sige para makilala ko na tropa mo. Oo na sige na payag na ako.


M: yay! Thanks love! The best ka talaga. Tetext nalang kita mamaya kung what time kita susunduin bukas. I love you! 😘😍🥰


Totoo ba yun? Makakasama kong lumabas si Sir Alex? Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nakita nya ako, eh uminit ang ulo nya at pagalitan ako, kasi baka may mali akong nagawa sa mga mata nya.



Hindi lang yun naman ang kinatatakutan ko. Natatakot din ako na makita si Sir Alex kasama ang girlfriend nya. Natatakot ako na pag nangyari yun, eh masaktan ako kahit wala akong karapatan. Natatakot ako kasi baka di ko mapigil ang pagtulo ng luha ko at makita nila yun, magiging unfair yun kay Marky.



ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon