Part 22 - Trouble in Paradise

315 15 6
                                    

"Love, matanong ko lang. Diba't model ka parin? Bat parang di ko napapansin na napo-photo shoot ka or na may iniiindorso kang produkto o kaya naman ay rumampa ka sa runway?", tanong ko sa Adonis kong boyfriend.




Ang tanong na ito ay dahil sa pagiging curious ko. Malapit na kaming mag-dalawang taon, madami nang nangyari sa amin at pinagdaanan namin, pero ni minsan ay hindi ko pa sya nakita or narinig na nag-model. Oo alam kong si Sir Alex ang tanyag na model, pero hindi ibig sabihin non ay mahuhuli sa kagwapohan at katanyagan etong jowa ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa akin, na isang pangit na bakla nahulog ang isang lalaking parang isang dios na mula sa Greece.





"Ah eh, love, kasi hindi naman kelangan hehe. Saka pag nagmodel ako, mababawasan yung time natin para sa isa't isa. Dagdag mo pa na nagiging busy na tayo sa school dahil sa mga kurso natin. Ilang minuto lang na wala ka sa tabi ko parang mababaliw na ako sa kakaisip kung anong nangyayari sa'yo, babawasan mo pa ba? Gusto mo bang mabaliw ako love?", mahabang sagot nito habang tinatanong ako ng nakanguso.




"Eto naman apaka-OA. Walang mangyayaring masama sa akin. Dinig ko kay Marie na gusto mo rin at inienjoy ang pagmomodel, at ano nga yung isa? Yung influencer ba yun? Basta. Eh syempre love, kahit na tayo na, syempre gusto kong gawin mo parin ang mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sa'yo. Minahal kitang ganon, kaya tanggap ko yun. Hindi naman pwede na sa akin lang iikot ang mundo mo at mapapabayaan mo na ang sarili mo. Wag naman ganun love. Support ako sayo. All the way. Gagawa pa ako ng posshfifnfiej....." sabi ko naman sa kanya na naputol at nagkagulo dahil hinila ako nito at nilagay ang buong kanang kamay nya sa bibig ko.





Tinitigan ako nito ng matagal habang hinimas himas ang aking isang pisngi gamit ang kaliwang kamay nito. At walang kaabog abog ay tinungo ng mga labi nya ang mga labi ko kaya napapikit ako, at hindi naalalang may kamay palang nakabalot dito.





"Hay nako Gabbie my love, yan lang kaya kong gawin para pigilan ang sarili kong halikan ka sa mga labi mo. Sa lahat ng sinasabi mo, kinikilig ako. At dahil dun ay lalo akong nababaliw at nahuhulog sayo. Mahal na mahal kita. Pero gusto kong tuparin ang pangako ko sayo na sa harap lang ng altar kita unang hahalikan. Thank you for coming into my life, girlfriend ko. And I love you so much", sabi naman ni Marky.





Natameme ang lola nyo po opo. First time po ata itong wala akong maisagot aa boyfriend ko. Nakakakilig naman sya masyado. Maiiihi na ata ako sa kilig. Pero syempre hindi dapat ipakita kasi dalagang pilipina tayo. Utak gumana ka madali para hindi maka one point sa akin ang jowa ko!





"Eh love, bakit ayaw mo na ba magmodel? Sige na pag-isipan mo next na mag-offer sayo. Saka sama mo ko sa photoshoot mo na yun or sa runway man or kung ano man yun love sige na pls? Malay mo, dun pa ako madiscover", kunwari'y seryoso kong sabi sa kanya.





"NO!", malakas na sigaw ni Marky habang napatayo. Nakakahiya tuloy, pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa canteen ng school. Sumigaw ba naman ng pagkalakas lakas, galit pa, sa gitna ng madaming tawanang naririnig namin.





"I won't allow it! I won't be taking any more offers pag ganon. Ayokong may makadiscover sayo! Akin ka lang love, akin lang! Baka pag nakita ka ng ibang model na lalaki dun agawin ka pa nila sakin, I won't let that happen! So no!, madiin nitong sabi habang kumakalma at dahan dahang napaupo.






"Marky kumalma ka nga! Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Paano pa ba ako maaagaw sa'yo eh boyfriend na nga kita at girlfriend mo na ako. Saka hindi naman ako magpapaagaw sa kanila no, ano ka ba. Saka minsan nakakatakot ka na sa sinasabi mong sayo lang ako grabe ka, para naman akong bagay pag ganyan", sagot ko sa kanya.





ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon