Part 40 - The Ball

142 12 0
                                    

"Love? Hehehe", tanong sa aking ni Marky na sinundan ng isang tawang tunog ninenerbyos sabay kamot ng ulo.

Lagot. Ano na naman ang ginawa nito? Anong kalokohan nanaman kaya ang ginawa ng mokong na to? Bakit? Kasi ganito lang si Marky kapag may ginawa syang kalokohan, or may ipagpapaalam syang gagawing kalokohan. Ngayon, hindi ko alam kung alin sa dalawa iyon. Pero isa lang ang sigurado ako. Ano man ang susunod nyang sasabihin, ay may kinalaman nanaman sa kalokohan nya. Utang na loob. Oo, alam kong sinabi kong nagbago na ang jowa ko, hindi na sya ganon ka bad boy, pero lumalabas parin ang pagka-naughty nito at madalas dahil dito ay napapagalitan o kaya naman ay nasasabon ito. Hindi naman mga major ang rason, minsan dahil sa prank nya sa ibang tao, o kaya sa kambal nito, o kaya naman dahil sa natural nitong kakulitan ay may nasagi or may nabasag nanaman ito. Mga ganong level lang naman.

Kagaya sa dating gawi at dahil sa isang insidenteng nangyari ilang buwan na ang nakakaraan, ay andito kami sa cafeteria nina Marky, Marie at Syd kumakain at tumatambay dahil lunch break naming lahat. Habang ang dalawa kong bestfriend ay magkatabi sa kabilang side ng mesa ay kaming dalawa naman ni Marky ang magkatabi sa side namin. Matapos nga ang picnic ay balik na sa regular programming itong si Marky, nadagdagan pa nga ata ang kulit at pagiging makeso.

"Oh ano nanaman Marky? What is it this time? Ano nanamang ginawa or gagawin mo? Kalokohan nanaman ba? Damay nanaman ba ako jan?", mejo inis kong tanong sa jowa ko.

Narinig ito ng dalawang kaibigan ko kaya naman natawa na lamang ang mga ito.

"Luh, wala pa nga galit na? Grabe naman to. Dalaw mo ba? Lunch pa nga lang ang init na ng ulo. Lagot na ko nito buong araw nyan", defensive na sagot ni Marky, na may kasamang pang-iinis sa akin. Aba talaga naman? Sya na nga ang may nagawa o naisip na kalokohan ako pa ang pagmumukhain nyang masama? Ang galeng. Kaya naman ay nahataw ko nanaman ito sa braso nyang machong macho.

"Oo dalaw ko ngayon, at pag pinagpatuloy mo pa yan, mamili ka. Dadalawin ka sa hospital, or dadalawin mo yung relasyon natin sa sementeryo? Nakakabwisit ka talang mokong ka. Oh ano? Sagot!", pagtataray ko sa kanya.

"Araaaay! Eto naman kung makahataw sa akin ano ba tingin mo sa akin punching bag? Luh, love, ito na ata ang pinakagwapo at pinakamachong punching bag na makikita mo no. Pasalamat ka talaga mahal kita hays", sagot naman nito sa akin habang hinihimas ang brasong hinataw ko. Kala mo ha.

"Ay ewan bahala ka nga jan wala akong panahon sa ganito. Girls alis muna ako sandali ha palamig lang ng ulo kabwisit tong isang to eh", padabog kong sabi habang inaayos ang gamit at nagtatangkang tumayo na.

"Oy love san ka pupunta? Diba sabi ko bawal kang umalis mag-isa? Balik dito upo ka ulit", aligagang sabi naman ni Marky.

"Maka oy ka jan. May pangalan ako no. Aalis ako. Kainis ka. Saka ano, pumili ka tanong ko. Dali. Sagot. Para makaalis na ko", sagot ko naman sa kanya.

"Luh bawal lovc. Upo. Eto naman di na mabiro di ka pa nasanay sakin. Hehe. Saka sa pinapapili mo, syempre wala love. Ikaw nalang dalawin ko sa delivery room pagkatapos mong manganak hehe labyu balik na dito dali na", madali nitong sagot sa akin.

"Yuck ang bastos mo talagang bwisit ka wag mo kong hawakan!", sabi ko naman sa kanya habang umuupo ulit. Oo marupok ako kaya madali nya akong naconvince.

"Grabe sya", sagot naman ni Marky sa akin habang umaarteng nagtatampo.

"Huy, ano ba kayo? Magjowa ba talaga kayo? Sa dalas nyong magkainitan daig nyo pa ang aso't pusa eh", tukso naman sa amin ni Syd.

"Sis, di magjowa yan. Mag-asawa yan. Mag-asawa lang ang ganyan mag-away tas mamaya bati na tas gagawa na baby yan. Get a room, both of you!", dugtong naman ni Marie. Aba't talaga naman itong dalawa.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon