22

883 39 10
                                    

SHENO POV

Narito ako sa kwarto at ninanamnam ang mga alaala namin ni Jevan kanina nang magkasama kami na malapit sa dagat.

Maaliwalas ang paligid at ramdam ko ang pakikiisa ng hanging nagmumula sa dapat na humahaplos sa aming balat.

(... ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko Sheno)

Napakasarap balikan ang kanyang sinambit.

Di ko na nga namalayan ang aming paglalakad kanina at narating ang kanilang tirahan.

Pinakilala ako sa kanyang ama at parang lasing ito.

Nagbigay galang ako at nagmano sa kaniya at siyempre pandagdag points sa kanyang magulang para magustuhan ako.

Naroon din ang kanyang ina at mukhang napakaaliwalas ng mukha ng makita ako at si Jevan na magkasama kaming dumating.

Di na namin kasama si Marga at nagpaiwan na ito mula ng iniabot ko ang perag

Nais ko sana isama si Jevan dito sa bahay, kaso bukas ay susunduin namin ang isa pang katulad ko na sireno na magbabantay sa akin.

Bigla nalang pumasok sa aking isipan ang aking guro.

Kumusta na kaya sya?

Galit pa ba ito nang piliin ko ang mamuhay dito sa lupa kaysa sa ilalim ng dagat.

Di naman ako makasarili, pero sinunod ko lang naman ang gusto ng puso ko.

Mas gugustuhin ko pang makasama si Jevan sa maikling panahon, kaysa mabuhay ng matagal sa ilalim ng dagat ng di ko naramdaman an ang ganitong kasiyahan.

Alam ko na sa lugar na tinutungtungan ko ay isa lamang ako istranghero at batas ng tao ang sinusunod rito.

Di ko naman nilalabag ang batas ng mga tao.

Di ko nga ginagamit ang kapangyarihang taglay ko dito sa lupa, dahil may kapalit ang bawat paglabag na gagawin ko.

Bilang isang maharlika ay likas na sa amin ang lakas ng isang isang sireno.

Kahit nasa mundong ibabaw kami ay may mga taglay pa rin kaming lakas o kapangyarihan na di natatanggal.

Isa rito ay ang lakas ng sireno na sampung beses n pinagsama-sama ng lakas ng tao.

Ngunit kung ito ay ginamit sa maikling panahon ay matinding panghihina ang katapat nito.

Likas na sa aming siseno na  tubig o tubig alat ang makakapanumbalik ng aming lakas sa pagkakataong ginamit namin ang kapangyarihan.

Di naman nawawala ang amhng taglay na kapangyarihan.

Nagkukubli lamang ito sa isang parte ng aming katawan at pwedeng gamitin lamang ito ng isang matinding konsentrasyon.

Ngunit, kung ito ay ginamit at paulit-ulit na gamitin ay maaaring magdulot ito ng kapahamakan o kamatayan.

Kung kapangyarihan ang pinag-uusapan ay di ito mawawalan ng bisa kung sakaling nakatungtong ka o nakababad ka sa tubig o tubig alat.

Sa madaling sabi ay parang charger ang dagat sa katawan ng mga sireno.

Di mababawasan ang lakas o enerhiya namin kung nakatayo o nakasadsad ang paa o buntot namin sa dagat.

Ito ang magsisilbing power source namin sa tuwing ginagamit ang kapangyarihan.

Ngunit may pagkakaiba ang maharlika sa mga ordinaryong mga sireno na gaya kay Tito Mateo at ang kawal na darating.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon