"hello", saad ng nilalang na nagpaigtad kay Sheno sa paglalakad.
"grabe ka ginulat mo naman ako", wika ng may pagkabigla sa nilang at napansin nya pala ang duguang isda na tinulungan nya kanina.
"salamat pala sa pagtulong mo kanina, ako nga pala si Nenok", wika ng isda sa pagpapakilala sa sarili kay Sheno.
Napangiti ang binata at lumapit sa isda na nagpapasalamat at okey na ito at nagpakilala rin sa isda ang binata.
"ako nga rin pala si Sheno", wika nito na mabilis na pumunta ang isda sa gawing dibdib nila na parang gusto magpayakap.
Natuwa naman ang binata sa inasal ng isda at niyakap nya ito.
"mula ngayon kaibigan na kita ha!", wika ng isda at tumango nalang ang huli.
Naglakad na ang dalawa patungo sa tirahan ni Sheno at naabutan nito ang kanyang inang si Lucila na naghahabi ng damit na gawa sa maninipis na lumot.
Yumakap ang binata at di napansin ng ina na may kasama pala ito.
"oh, may kasama kang alaga", usal nito na napatingin sa dako bandang likuran ni Sheno.
Pinakilala ng bimata ang kasamang alaga at natuwa naman ang ina sa pagiging masiglahin nito.
Nagsalita ang ina at sinabihan ang anak na maghapunan na kasama ng alaga at para makapagpahinga na dahil alam nito na galing ang anak sa pagsasanay at pagod ito.
Kumain ng may tawanan ang hapag kainan nila Sheno kasabay ang bibong alaga na si Nenok at pagkatapos ay naglinis na ng katawan at dumako na sila sa kanilang kwarto para makapag-pahinga.
TENOK POINT OF VIEW
Nasa hapag-kainan si Tenok na naghahapunan kasabay ang pag-iisap tungkol sa isa nyang mag-aaral na si Sheno. Samot-saring tanong ang bumabagabag sa kanya patungkol rito.
Ako nga pala si Tenok, isang kawal na tagabantay ng kaharian ng mga maharlikang mga Sireno at Sirena. Kasalukuyang guro ng mga bagong mag-aaral at inutusan ng pinuno ng mga kawal na turuan ang mga bagong mag-aaral sa pagsasanay ng pakikipaglaban dahil dumating na ang mga bagong kawal para pumalit sa kanilang pwesto at bilang bagong utos ng pinunong kawal ay sila muna ang gagabay sa mga bagong mag-aaral.
Lingid sa kaalaman ni Tenok na ang mga maharlika lamang ang may mga kakaibang buntot dahil ito ay namamana lamang sa kaninunuang angkan ang mga ganitong kakaibang uri ng buntot.
Karamihan sa mga Sireno ay kulay asul at kayumanggi ang kulay ng buntot bilang ordinaryong sireno at kulay rosas, dilaw, at dalandan sa mga sirena.
Ang pinagkaiba sa mga maharlika ng mga ordinaryong sireno at sirena ay ang dalawa o tatlong kulay na makikita sa bandang hulihan ng buntot na syang nagpapahiwatig na ito ay galing sa maharlikang angkan.
Ang mga maharlikang sireno at sirena ay may pribadong guro na hindi kailanman nakikisali sa pampublikong pagsasanay.
Di maiwasang mapaisip si Tenok kung bakit ang sinenong si Sheno ay napasama sa pampublikong pagsasanay ng mga baguhang mag-aaral.
"kung maharlika ang binatang ito, ba't narito sa pampublikong pagsasanay?", sa isip at napabuntong-hininga.
Ang di mawari ni Tenok ay noong itinuro ito mula sa kalayuan ay mababasa nito na isang ordinaryong sireno eto dahil sa kanyang reaksyon.
Noong oras ng pagpapakilala ay sinadya nya talaga na pagsalitain si Sheno upang malaman ang tungkol rito ngunit nabigo sya dahil wala man lang nabanggit tungkol sa pinagmulan o ang kanyang kinabibilangang pamilya na kung saan kilala ni Tenok ang lahat na maharlikang pamilya sa buong nasasakupan ng hari dahil isa sya sa matapat na tagapagtanggol ng kaharian.
BINABASA MO ANG
SHENO - Ang Sireno (Completed) BxB
FantasyAng pag-ibig ay pinakakaloobang ng maraming kahulugan. Wala itong saktong kahulugan kung saan ang mga tao ay pilit pa ring hinahanap ang kahulugan. May mga taong akala nila ay totoong pag-ibig na ang kanilang naramdaman pag nakita na nila ang taong...