28 (03.09.2022)

391 25 8
                                    

Nagising ako sa katok.

Di ako umimik.

Bumukas ito ng mag-isa.

Nang tignan kung sino ang pumasok ay si tito lang pala.

"Pwede ba tayo mag-usap?", wika ni tito.

Bumangon ako at saka umupo sa gilid ng kama.

"Nag-alala ng husto si Jevan ng makauwi ito kagabi", wika nito.

Tinignan ko siya at kita ang pag-aalala nito sa akin.

"Hinanap ko siya tito at nang papauwi na kami ay tumirik ang sasakyan, kaya napilitan kaming tumulôw sa pahingahan", paliwanag ko.

"Naiintindihan kita. Pero, si Sam pa talaga ang kasama mo. Kaya alam ko ang pinagdadaanan ni Jevan ngayon", wika pa nito.

"tito, sa tingin niyo ba ay mahahanap ko si Jevan kung wala ang tulong ni Sam?", wika kong paliwanag.

"Mas mabuti ay puntahantmo na lamang si Jevan sa kanila", wika ni tito.

Agad akong tumayo at tinungo ang quarters nila manong.

"manong, pwede po bang magpahatid kina Jevan?", wika ko.

"Ah, sige po. Pakihintay nalang po ako sir Sheno sa garahe", wika ng matanda.

Nang makarating ako sa garahe ay ilang minuto lang ang aking paghihintay at dumating si manong.

Nang makarating kami kina Jevan ay nagmano ako kay itay at inay at saka pinuntahan si Jevan ni inay.

Natagalan si inay at bumalik din ito.

"ah, eh... anak, pasensiya na at tulog na si Jevan at ayaw daw paistorbo", wika ng matnda.

"ah, ganun po ba. Nais ko lang po sana kasi magpaalam at magkita na lamang po kami sa maynila sa araw ng event", wika ko.

"ah sige anak at makakarating", wika pa ng matanda.

"pasensiya na po sa istorbo. Mauna na po ako", wika ko.

Malungkot akong umalis ng bahay nila at siguro ay mas makakabuti na lumayo nalang muna ako.

Bagsak balikat akong bumalik ng mansyon.

Kinausap ko na si tito at si inay na sila na muna bahala sa mansyon.

Luluwas ako ng maynila at para pag-aralan ang kompanya at saka para di mailang si Jevan sa kanyang pagsasanay.

Tinawagan ko si tito Mateo at humingi ako ng permiso na kung pwedeng sa maynila muna ako at para mapag-aralan ang kompanya.

Pumayag naman ito at nasabihan na raw si Shaina na kanyang sekretarya na aalalayan niya ako sa kompanya.

Sinabi ko na rin na si Sam nalang muna ang bahala kay Jevan sa pagsasanay.

Sabihan ko na lang daw si Shaina kung kailan ako luluwas.

Binigay naman ni Tito ang numero ng sekretarya.

Bukas na ako luluwas.

At kung sakali mang dumating si Jevan ay pakikiusapan ko siyang ipagpatuloy nito ang pagsasanay habang wala ako.

Alam kung may galit ito sa akin at maging kay Sam.

Ngunit, di ko pa alam ang pwedeng mangyari bukas o sa makalawa.

Mahal na mahal ko si Sam at kahit kailan ay di ko magagawang pagtaksilan ito gaya ng iniisip niya ngayon.

Nag-ayos na ako ng mga kakailanganin ko.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon