27 (03.01.2022)

416 24 5
                                    


Nang makarating kami sa mansyon ay pinagpahinga kami ni tito Mateo.

Binigyan niya kami ng lotion at para magamot ang sunburn sa aming mga balat.

Napagkasunduan na bukas na uumpisahan ang training ni Jevan.

Sa wakas ay matutupad na rin ang isa sa mga pangarap ko para sa aking mahal na si Jevan.

Ang makilala sa buong mundo.

Tok! Tok! Tok!

Tumayo ako at saka pinihit ang pinto.

Nakita ko si tito Mateo.

Nahalata ko na ang gusto nito.

Tinungo namin ang kwarto nito at kinausap ako.

"Sheno, maaaring sa araw na gaganapin ang event ay wala ako. Kung kaya't inaatas ko sa'yo ang lahat at wag kang mag-alala at aalalayan ka ni Shaina na sekretarya ko", wika nitong mukhang seryoso ang mukha.

"Saan ka ba pupunta tito?" wika kong bulalas.

"Di ko pwedeng sabihin at kailangan ko munang lumayo at para maiwasan natin ang di mapandang pangyayari", wika pa nito na di ko lubos maunawaan ang gustong tumbukin.

"Alam kong may nakaambang panganib sinuman sa ating lahat. Kung magkakasama tayong lahat ay tiyak na mapapahamak ang lahat. Tama ng ako ang lalayo. At tiyak kong ako ang punterya ng hayop na Sam na yan. Di man natin nakikitaan ng mga nasa plano niya. Ay tiyak ko naman na siya ang taong gagawa ng paraan para makuha ang lahat ng nais niya", paliwanag ni tito.

Alam ko naman ang pakay ni Sam sa aming lahat.

Di man ito malinaw sa pagkakabasa ko sa kanyang isip ay nahuhulaan ko na ginagamit nito ang mga kaganapan para isakatuparan ang nais nito.

Isa na rito ang maangkin ako at idispatya ang taong pinakamamahal ko.

Di ko naman ito pwedeng komprontahin at di naman nito alam na kaya kung basahin ang iniisip ng isang tao.

Ang tangi ko lamang magagawa ay ang panatilihing ligtas ang lahat sa abot ng aking makakaya.

Sabi nga ni tito Mateo noon na mas mainam na kasalamuha mo ang kaaway at para mabantayan ang mga ikinikilos nito.

Kaysa sa nasa malayo at di mo alam ang kanyang pinaplano.

Matapos naming mag-usap ay saka ko na tinungo ang kwarto.

Buong araw kaming natulog ni Jevan at sa totoo lang ay ngayon ko naramdaman ang pagod namin.

Pagod sa magdamag naming kantotan.

Kakahiya noh!

Pero, masaya ako sa ngayon.

Napayakap na lamang ako sa aking mahal na si Jevan at saka ipinikit ang mata.

Isang mahinang katok ang aking narinig na siyang dahilan ng aking pagkagising.

Pagmulat ko ng mata ay wala na sa aking tabi si Jevan.

Napadako ang mata ko sa banyo at may naadmigan akong linawag mula rito.

(Pasok)

Si Tito Mateo pala ito.

Palinga-linga muna ito at parang hinahanap ang kasama ko.

Napadako ang mata nito sa banyo na parang may tao rito, saka na lamang binaling ang mata niya sa akin.

"Sheno, handa na ang hapunan. Halika na kayo at para di lumamig ang pagkain", wika ni tito.

"Susunod na po kami tito", wika ko at di na nagtagal saka umalis at isinara ang pinto.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon