Nang makapasok na ang ginang ay di maikuktubling mapaisip at di mapaniwala sa mga inpormasyong nalaman sa guro na ang gaya ni Sheno na maharlikang sireno bagamat di likas sa binata na talagang pinanganak sa kaharian ay taglay pa rin nito ang lahi ng mga maharlika na taglay ng prinsesa ng ikaapat na kaharian at dahil sa pagmamahal ay ibinuwis nito ang buhay para lamang igawad ang sumpa na kung saan ay mananalaytay pa rin ang dugo ng prinsesa sa nakatakdang panahon na isilang ang sanggol na kapalit ng kanyang buhay.
Nangangamba ang ina na baka taglay na ng anak ang isang kakayahang makabasa ng isip ng mga taga-ilalim na isa ito sa mga kakahayahan ng mga maharlika pag narating na ang hustong gulang.
(ang pagkakaroon ng panibagong kakayahan ay di naayon sa edad at ang tanging batayan lamang na taglay na nang maharlika ang kakayahan ay ang pagbabago ng kulay ng kanilang mata na katulad sa kulay ng kanilang buntot)
Pinilit na nang ina na makapagpahinga at maya-maya ay nakatulog na rin.
SHENO POV
KINAUMAGAHAN...
Napasarap ang tulog ko at mukhang tulog pa rin si Nenok.
Tinabig ni Sheno si Nenok at napamulat na ito at lumapit ito at nagpayakap.
Bumangon na si Sheno at nag-ayos na ng sarili at bumaba na ang dalawa.
Nadatnan ang ina na ang ina na tapos ng makapaghanda ng almusal.
Nagtaka ang binata at tumitig ang ina sa kanya ng matagal.
"bakit po ina?" wika ko
"wala naman anak, binata na pala ang anak ko" wika pa niya.
Asiwa ako sa sinabi ni ina dahil maisip ko palang ang salitang binata na pag nasabihan ang isang sireno ng ganito ay paniguradong manliligaw na ng dalagitang sisena na kung saan wala sa bokabularyo nya ang manligaw.
Biglang pumasok sa isip ko si guro at napapikit ako at pinagmamasdan ang imahe nito.
Sa totoo lang pag si guro na ang pinag-uusapan ay may kung ano akong nararamdadan, kilig na may konting pagpapantasya na sana ay makasama ko sya ng isang gabi na makayakap ito.
Oo, inaamin ko sireno ako at dapat sa sirena dapat ako nagkakagusto pero di ko naman nakikita ang sarili ko na kasama ko ay sirena na para bang nandidiri ako. Nakakatawa lang ng mga naiisip ko pero di ko maipaliwanag na si guro ang unang first love ko.
Kung sakali man dumating na manligaw ang guro ay di ko ito ipagtatabuyan bagamat bawal sa kaharian ang mag ibigan an parehong sireno na kailanman ay di nangyari sa kasaysayan ng kaharian ay di pa rin ito hadlang na pagngarapin si guro na maging kabiyak kahit na wala kaming magiging anak.
Nagising na lamang ako sa pagpapantasya ng nagsalita si ina
"anak, napatulala ka dyan, sabi ko pakainin muna ang alaga mong si Nenok at kanina kapa nya inaantay na iabot ang pagkain nya" wika ni ina kung kayat nagmadali ko kinuha ang kainan ni Nenok at inilagay sa gilid para makakain na rin ito.
Natapos magsalo ang mag-ina at dumiretso na si Sheno sa kwarto para makapag-ayos na ng sarili at pupunta na ng bulwagan para sa pagsasanay.
Natapos na ang lahat at handa na itong gumayak kung kayat yumakap na kay Nenok at nagpaalam na rito at dinaanan na rin ang ina para makapagpaalam na ito saka binaybay na ang labasan ng pinto para makapaglakbay na ng papuntang bulwagan.
LUCILA POV
Kasalukuyan akong naghahanda ng almusal namin ni Sheno at mamaya ay pagmamasdan ko ang aking anak para malaman ko kung nagbago na ba ang kulay ng mata nito upang makatiyak ako na di pa niya nararating ang hustong edad para maipamalas ang kakayahang makabasa ng isip na siyang kinatatakot ko.
Nabigla na lamang ako ng bumaba na ang aking anak at kasama si Nenok na papuntang hapag kung kayat naupo na rin ako.
Saktong pagkaupo nya ay napatingin siya sa akin.
Tumitig ako sa kanyang mga mata at wala pa ring nagbago at karaniwang kulay pa rin ito na kayumanggi kung kayat nag-isip ako ng sasabihin para di nito mahalata ang pakay ko pinagmamasdan ko ang kanyang mata.
"bakit po inay?" wika nito.
Nabigla ako sa pagtatanong nya kung kayat nagsalita ako.
"wala anak, binata na pala ang anak ko" yon nalang nasabi ko na di ko inaasahang masabi.
Napatulala ito kung kayat kinabahan ako na baka nababasa na nya pala isip ko.
"anak, napatulala ka dyan, sabi ko pakainin muna ang alaga mong si Nenok at kanina kapa nya inaantay na iabot ang pagkain nya" wika ko para matauhan sa pagkakatulala at inabot na ang pagkain ni Nenok at nag-umpisa nang kumain.
Maya-maya ay umakyat na at nag-ayos ng katawan at dumaan pa sa akhn para magpaalam bago sya naglakbay para sa kanyang pagsaranay.
TENOk POV
Maaga akong nagpunta ng bulwagan para makita si Sheno na pinakapaborito kung mag-aaral, di dahil sa maharlika sya ay kundi dahil may pakiramdam akong kakaiba na nagpapasaya sa akin pag nakikita ko sya.
Di ko man masabi na gusto ko siya kahit pareho kaming sireno ay di ko maitatanggi ang pagkagusto ko sa kanya. Mali man ito sa mata ng lahat at ipinagbabawal sa kaharian ay pinipilit ko parin itong itago para sa kapakanan ni Sheno. Sana dumating ang panahon na makasama ko siya ng habang-buhay ngunit di ko man ito sigurado pero dumadalangin ako na sana dumating ang araw na yon.
Nakita ko na si Sheno at biglang lumapit sa hanay ng napansin niyang siya lang ang wala.
"Ang aga at nang pagsasanay natin" wika nito na nakaharap kay Bundak.
"Sakto lang dating mo, di pa naman nag-uumpisa si Guro" wika nito
"ah ganun ba" wika pa nya nj di nila alintana na dinig ko ang usapan nila.
Makinig ang lahat...
Nagyon hindi pagsasanay ang gagawin natin ngayon kundi ang gamitin ang talas ng pag-iisip kung paano ang tamang pustura ng katawan kapag kaharap na ang kalaban? Di lang lakas ng katawan ang kailangan ngunit kailangan din natin ng utak" wika ko.Pinagharap ko ang dalawang hanay para may kapareha sila at kinuha ang mahabang baston ng lagayan at tig-ïisa sila. Hapgarapin ang kahanay nila at 1 on 1 ang laban.
Kailangan nila malaman kung ano ang pustura ng kanilang gagawin pag-umatake ang kahanay.Pinakita ko ang mga paraan ng pag-opensa at pag-depensa kung kayat kanila ngayong sinasanay.
Pinagmamasdan ko sila lahat di ko maiwasang pagmasdan ng matagal si Sheno. May mga panahong makikita ko sya na pasimpleng titingin sa akin at nahuhuli ko yon. Sana pareho kami ng nararamdaman.
Lumapit ako sa kanila ni Sheno at ang kanyang kalaban at pinagtuunan ang mata nito at kita ko pa rin ang kayumangging mata nito at sa pagkakataong iyon ay nakompirma kung di pa nya taglay ang kakayahang makabasa ng isip.
Kung sakali man na mabasa nya ang aking isip at malaman nya ang pagtatangi ko sa kanya, sana di nya ako iwasan sa pagkakataong dumating na sya sa hustong edad at kakayahan na nya ng makabasa ng isip.
"mali Sheno, ang paghampas ng tungkod ay kailangan ng pagkabisado nito dahil ang ititra mo sa kalaban ay gagawa siya ng kontrang atake na pwede mong ikabuwal sa pagkakabalanse at pwede ka pa nya atakehin na di ka na makakailag pa. kaya ingat ka sa bawat atake mo na baka ikasawi mo" wika ko na napatango lang ito at sinubukang lumaban muli sa kanyang kalaban.
Nakita ko na isinaulo nya ang mga sinabi ko at kita ko sa bawat hakbang niya mula pag atake at pagdepensa nito.
Natapos ang buong araw na pagsasanay at pinauwi ko na ang mga mag-aaral at pinaiwan ko si Sheno para kausapin at imbitahan sa bahay pero tumangi ito at may gagawin pa raw sa bahay nila.
Di na ako nagpumilit pa at naghiwalay na rin kami ng direksyon at binaybay ko na ang tirahan ko at nakita ko na si Sheno na papalayo na ito sa bukwagan.
BINABASA MO ANG
SHENO - Ang Sireno (Completed) BxB
FantasyAng pag-ibig ay pinakakaloobang ng maraming kahulugan. Wala itong saktong kahulugan kung saan ang mga tao ay pilit pa ring hinahanap ang kahulugan. May mga taong akala nila ay totoong pag-ibig na ang kanilang naramdaman pag nakita na nila ang taong...