7

2.1K 74 0
                                    

Natanaw ko na ang tirahan namin kung kayat pinayagan ko na ang nilalang na si Utog.

Nang makalayo na ito ay saka ko na binasbas ang daan patungo sa amin.

Nang makarating ako sa bukana ng tirahan namin ay agad kong nasilayan si ina.

Lumapit ako rito at yumakap.

"oh, musta ang kasiyahan sa harap ng bulwagan ng kaharian. marami ka bang nakita", wika ng ina sa anak.

Tumango lamang ito at ayaw sumagot dahil di naman sya nakapanood sa kadahilanang di makapasok dahil sa dami ng gwardiyang nakapalibot sa bulwagan ng kaharian.

"magpapahinga na ako ina",wika ng isang pagod na binatang sinero at tumango nalang ang ina bilang sagot.

Pagkapasok ng kwarto ay bumungad ang maliksing isda na si Nenok.

"musta ang kasiyahan sa kaharian, dami bang mga magagandang sirena?" wika nito.

(Ang mga ibang nilalang bukod sa sirena at sirena ay di pinahihintulutang gumala sa loob ng kaharian o sa bulwagan)

Tumango lamang ito at walang ganang sumagot.

"mukhang pagod ka ata, pahinga ka muna", wika ng isda.

Naglinis muna ng katawan si Sheno bago bumalik sa paghihigaan nito.

Naalala nya ang mga sinabi ng matandang sisenang mangkukulam...

(FLASHBACK)

Ikaw sheno ay isang sirenong espesyal.

May dugong maharlika ang dugo mo.

Kung di ako nagkakamali ay galing ka sa ikaapat na kaharian dahil sa kulay ng iyong buntot.

Tanging anak lang ng hari o reyna ang may angking buntot nang gaya sayo kung kayat napaka espesyal kang sireno.'

Oo, may mga nilalang na nakatira sa mundong ibabaw at may tinatawag silang paa na dahilan para makapaglakad sa ibabaw ng lupa ngunit di hamak na matagal ang buhay nating mga taga-dagat kesa sa kanila.

May mga uri ng tao ang matatagpuan sa taga-ibabaw. Ito ang mababait at masasamang tao ayon sa kinagisnang pagpapalaki sa kanila.

Nagtataka ka ba kung bakit narito ka ra kahariang kinabibilangan mo?

Gusto mo malaman ang nakaraan mo?

Ang iyong ina ay isang prinsesa ng ikaapat na kaharian at tandang tanda ko pa sya na kagaya mo nagpunta rin dito sa lahat ng katanungan at tinulungan ko sya sa kanyang kagustuhan.

Umibig ang iyong ina sa taga-ibabaw

Naging masaya sya rito sa piling ng taga-ibabaw ngunit sa di kagustuhan ng kanyang amang hari ay itinakwil ang iyong ina...

Ang mga maharlikang anak ng mga hari at reyna ay may kakayahang magpataw ng sumpa sa kung kanino nila gusto ito ipataw ngunit may makaplit ito.

Ang buhay para sa buhay

Isinumpa ang lalake na kung magkaanak man ito ay tataglayin nito ang isang sumpa.

Ang sumpang magkakaanak sila ng isang sireno o sirena.

Dahil maharlika ang nagpataw ng sumpa ay nananalaytay sa iyong dugo ang pagiging maharlika kung kayat taglay mo ang lahat ng katangian ng maharlika.

Ang mga maharlikang sireno at sisena ay may kakayahan pagdating sa tamang edad nito.

Gaya ng makabasa ng isip at utusang ang mga nilalang na taga-dagat.

(PRESENT TIME)

Di ko tunay na ina si Inay Lucila at taglay ko ang dugo ng prinsesa at parang ginamit ko lamang ang katawan ng ina na taga-ibabaw para iluwa ang sumpa ng prinsersa.

Ibig sabihin, nabthay ako na kapalit ng buhay ng prinsesa.

"Ang buhay para sa buhay".

Bilang isang maharlika wika ng mangkukulam ay may kakayahan akong makabasa at utusan ang nilalang na taga-dagat.

"wow, parang nakakabelib naman kung ganon", wika pa nito.

Magaganap lamang daw ito pagdating ko sa tamang edad.

"parang naexcite ako sa sinabi ng mangkukulam", wika pa nito.

"Kay pala parang may kung ano noong nakita ko yong nilalang na taga-ibabaw", wika pa nito.

"May isa pang sinabi ang mangkukulam na kung saan ang mga kagaya kong maharlika ay pwedeng magsumpa ngunit buhay ang kapalit", wika nito na ayaw nyang mangyari kahit sa ano pang kadahilanan.

"ayoko muna mag-isip, at bukas pala ay may pagsasanay na kami dahil nakaalis na ang mga bisita ng hari at magtuturo na ang guro naming si Tenok", wika nito ng may bigla itong naalala.

Gwapo...
Makisig...
Magagandang pangangatawan...
Maamong mukha...
Makapal na kilay...
Mapulang labi...
Maumbok na dibdib...
at maganda ang boses.

... mga salitang naglalarawan sa itsura ni Gurong Tenok na kung saan ay may iba syang nararamdaman rito na di maipaliwanag.

Mga ilang sandali ay nakatulog na lamang ng di namamalayan.

ITUTULOY...

Hope you like the update.
Next week na po siguro ang update dito at may mga importante po akong gagawin bukas.

Enjoy

Khenthot

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon