8

2K 78 2
                                    

Isang magandang umaga ang bumungad kay Sheno ng lapitan ito ng kaibigang isda na si Nenok at naglalambing na sumisiksik sa kanya para yakapin ito.

"gandang umaga, Shenok", bati ng isda na kay siglang lumapit kay Sheno para magising na ito ng bahagya.

"aga pa, Nenok", nakapikit pa ang mata ngunit gising na ang diwa.

"may pagsasanax ka pa kaya bangon na", wika pa ng isda na di tinigilan si Sheno sa pagpunta sa kanyang gilid at pupunta ito ulit sa kabilang gilid.

"oo na gigising na!", wika nito.

Bumangon at niyakap na ang isda at saka ito nagtungo sa harap ng salamin at nag-ayos ng sarili saka tumungo na sa labas ng kwarto.

Nadatnan  ang ina na naglalapag ng almusal para makakain na ito at makapasok na sa bulwagan para makapagsanay na.

"wag mo kalimutang pakainin yang alaga mo ha, at wag mo isasama yan doon sa bulwagan dahil di sila pwde doon", wika ng ina na kaharap ngayon para mag-almusal.

Nakatulala lang si Sheno na kaharap ang ina.

"di alam ni ina na alam ko na kung sino ako at alam ko na di talaga nya ako tunay na anak... marahil ay napulot nya ako noong itinapon ako ng totoong magulang ko na nagluwal sa akin.

"ina, may itatanong po ako", wika nito na alam nya ang totoong katotothanan ngunit gusto nya lamang malaman sa ina kung itatanggi ba nya ang totoo o sasabihin ang mga nangyari kung pano ako napunta sa pangangalaga nya.

"ano yon, anak", wika ng ina habang kumakain ng lamang dagat na inihanda nila biilang almusal.

"may tatay po ba ako? may mga kapatid din ba ako? asan po si itay?", wika nito

Napatigil sa pagkain ang ina at napatingin ito sa anak at di makapagsalita patungkol sa mga tanong nito.

"anak kasi, sumalangit na ang iyong ama, at ikaw lang ang iniwang anak ng itay mo at wala kang kaptaid", wika ng ina na di nakaharap sa ina at nakapako ang tingin sa kinakain na halatang may tinatago.

"sayang di ko man lang nakita ang itay ko bago sya nawala", wika nito.

"wag kana malungkot anak, dito pa naman ako na ina mo at di kita pababayaan", wika nito.

Tinapos na ni Shenok ang pagkain nito at kasabay na nya si Nenok papuntang kwarto nila para makapaghana na ng isusuot para sa pagsasanay.

Nagbilin ito kay Nenok na samahan ang ina at wag syang lalabas ng bahay at dumito lamang ito sa kanilang bahay para masamahan ang ina. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon.

Nakaayos na sya at lumabas na ng kwarto at nagtungo na lamang sa kinaroroonan ng ina para makapagpaalam at saka dumetso na ng pintuan para magsimula ng baybayin ang daan patungo sa bulwagan.

LUCILA POV

Handa na ang pagkaing niluto ko para sa almusal ng anak kong si Sheno at maya-maya ay bababa na ito para kumain at para makapunta na sa bulwagan para makapagsanay.

Bumukas ang pinto at ang anak ko na ang bumungad para makapag-almusal na kasama ang alagang si Nenok na nakahanda na rin ang pagkain sa gilid ng hapag.

Lumapit ang anak ko sa hapag at nagsimula na kaming kumain.

Mga ilang minuto rin kami sa pagkain at may konting pag-uusap at may isang taong ang anak ko na nagpatigil sa akin sa pagkain.

"ina, may itatanong po ako", wika ng anak ko sakin

"ano yon, anak", bilang tugon ko.

"may tatay po ba ako? may mga kapatid din ba ako? asan po si itay?", wika nito

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon