FINALE (03.25.2022)

617 33 9
                                    

SHENO POV

Magkasama kaming umakyat ni mahal papunta sa time Z office.

Kapansin-pansin ang pinaghandaan ng mga staff para sa victory party.

Pagbukas palang ng elevator ay bumungad na ang mga empleyadong nakatingin sa amin.

Kasama ko si mahal, tito Keno at Lucas.

Nahanda na rin ang mga pagkain na kung saan ay binago ang pagkakaayos ng mga cubicle at mahabang lamesa at naroon ang iba't-ibang lutong pagkain.

Inilibot ko ang aking mata at wala pa ang mga panauhin.

Maging si Sam ay di pa nahahagilap ng aking mata.

Baka di na ito darating pa at nahihiya sapagkat di nasungkit ang titulo at napunta kay Jevan.

Nang matapos ang palakpakan ay nagsalita ako.

... Una sa lahat ay nais ko pong batiin ang pagkasungkit ng titulo ng aking pinakamamahal na si Ivan.

Yes, boyfriend ko po si Jevan.

Pangalawa, ay sa inyong mga empleyado na buong pusong nag-effort para sa paghahanda sa ating entry sa naganap na event.

At dahil diyan ay nais ko pong ipaalam sa lahat na sa huling sahod nimyo ay tatanggap po kayo ng maliit na halaga bilang bayad sa pagtitiyaga ninyo sa kompanya at sa pagmamahal ninyo sa inyong trabaho.

Simula sa araw na ito ay ako na po ang tatayong presidente at salamat sa tito Mateo sa pagtitiwalang ibigay nito sa akin para pamunuan ang kompanyang ito.

Nangangako po ako na anuman ang inyong hinain ay pakikinggan ko.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta.

Ienjoy ninyo po ang buong araw na ito at wala pa munang work sa lahat ng departamento ng Time Z.

Matapos ninyong pagsaluhan ang mga pagkain ay maaari na po kayong umuwi at bukas nalang po tayo bumalik sa naiwan nating trabaho.

Malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa buong floor at kita sa kanilang mukha ang kagalakan at saya sa aking pamumuno.

Lately ko lang natutunan na hindi mahalaga ang kompanya.

Ang mahalaga ay ang mga taong bumubuo nito.

Kapag malakas at matibay ang samahan ay tiyak na di ito mabubuwal ng anu pa mang uri ng pagsubok.

Pumasok na kami ng opisina ko at doon ay may nahain ding pagkain.

Mga VIP lamang ang makakasama naming kakain rito.

Wala pa si Ms. Kingfisher at Sam, kung kaya't di pa kami pwedeng kumain.

Maya-maya ay lumapit si Shaina at sinabing narito na si Ms. Khngfisher at kasama si Sam.

Nang makapasok ang huling dumating sa aking opisina ay agad kaming tumayo bilang pagpugay sa bisita.

"welcome to Time Z Ms. Kingfisher", bati ko at nag beso-beso kami.

At ganun din sa ibang mga kasama namin rito nang madatnan nila.

Yumakap rin din naman ako kay Sam at kinungrats ko rin.

Habang kumakain kami ay di maiwasang makita si Sam na titig ito sa akin.

Di ko mabasa at dahil sa kaharap ko si Ms. Urduja.

Nagtatanong ito kasi sa akin patungkol sa kompanya.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Sam at itinuon kay Ms. Kingfisher.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon