20

1.1K 47 17
                                    

(Nananalig po ako sa'yo mahal na panginoon na sana ilayo mo po kami sa masamang landas ng aming buhay)

Taimtim kung panalangin habang tinatahak ang daan pa-maynila.

-o0o-

20

Nakalipas ang halos pitong oras na biyahe at nakarating na rin ng maynila.

Dumaan ako sa condo ko pansamantala at para makapagpahinga ako dahil may kakaharapin pa akong malalaking kliyente sa aking negosyo.

Tumunog ang phone ko at nakita ko ang rumihestrong pangalan mula rito.

Hello Boss

Musta ang pinapagawa ko sayo?

Positive boss

Good

Ihanda mo ang lahat at magkikita tayo bukas.

okey po boss

dapat kompleto na lahat ng mga dokumento

opo boss

good job!

sige po boss, ingat po kayo sa biyahe

salamat

END CALL

Bukas ko malalaman ang lahat ng pinagkakaabalahan ni Sam mula ng di kami nagkita ng ilang buwan.

Napahiga ako sa aking kama at napapaisip sa mga bagay na di ko pa nahahanapan ng solusyon.

Sana lang wag magtama ang hinala ko sa pinaggagawa ni Sam.

Ang ikinababahala ko ay ang nahiwalay na joint account namin at baka ubos na ito.

Binigyan ko kasi siya ng authority para bawasan ang perang nakapangalan sa aming dalawa at nakahiwalay ito sa personal kung bank account.

Di sa nanghihinala ako kay Sam.

Mula ng may pununtang di kilalang tao sa akin at nagsabing nakautanh ng malaking pera si Sam sa casino ay kinutuban ako sa mga pinaggagagawa niya.

Kung sakaling maubos man ang perang nakadeposito sa joint account namin ay sasabihan ako ng banko regards dito.

Tumayo ako at nagtungo sa direksyon ng mini barat kinuha ang bote ng wine at wine glass.

Tinungo ko ang kwarto at ipinatong ang wine at ang baso sa parte ng side table.

Dunako ako sa aparador at kumuha ng pamalit.

Ibinaba ko sa kama at naghubad ng damit at magbababad ako sa tubig para ma-refresh ang aking balat.

Tinungo ko na ang banyo at dala ang baso at ang wine.

lumusong ako sa bath tub at dala ang bote at ang baso.

Nilagyan ko ito ng wine ang baso saka ko ito ibinaba sa tabi ng bath tub.

Nakababad ang katawan ko at hawak ang baso at pakunti-kunti akong umiinom rito.

Naglalakbay ang aking diwa sa mga bagy-bagay na gumugulo sa aking isip.

Una rito ay ang mga sinabi ni reynang mangkujulam na may paparating na nakakakilabot na pangyayari na pilit kung iniisip kung ano iyon.

Kung sa bagay, mas maraming alam ang reyna sa pwedeng mangyari dahil nakikita nya ito sa kanyng bolang kristal.

Isa rin ang nmatandang pulubi na humawak sa aking braso at nagsalita ito ng nakakapangilabot na salita.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon