26 (10.01.2021)

684 29 9
                                    

SHENO POV

Di ako makapaniwala sa mga narinig mula kay tito Mateo.

Akala ko pa naman na ibang nilalang si Jevan ng makitang kumislap ang bilog na nasa ibabaw ng kanyang dibdib.

Ngunit, isa rin pala itong sireno gaya ko.

Kung di ako nagkakamali ay ang bilog na kumikislap ay ang perlas na tinutukoy ni tito na kakambal na perlas na hawak ng inang reyna.

Napakahiwaga talaga ng buhay.

Natiis ng inang reynang mawalay sa anak at para mapangalagaan ito.

Kung di ako nagkakamali ay nabibitkang din si Jevan sa mataas na antas ng maharlika.

At ang perlas ang namamagitan sa kanyang tunay na pagkatao.

Kung sabagay, kung di ginawa ng reyna iyon ay tiyak pati siya ay napahamak na rin.

Kaya pala di mawala sa isip ko si Jevan ng mahulog ito sa kanyang bangka.

Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin.

Hay... Ang sarap balikan ang mga iyon.

Di ko akalaing iibig ako sa isang tao.

Ay mali pala, isang sireno na naging tao.

Marahil ay mas gugustuhin ko na lang na mabuhay ng kasama siya rito sa lupa, kaysa nasa dagat kami pero di kami pwedeng magkasama o maging magkarelasyon sa kadahivanang ipinagbabawal ang ganitong klase ng relasyon at lalo na't pareho pa kaming maharlika.

Maraming naglalaro sa aking isipan habang tinatahak ang direksyon papunta sa kinaroroonan nila Jevan at Marga na malapit sa pool.

Nang lalabas na ako ng bukana ng pinto at para puntahan sila Jevan ay may humablot sa aking braso.

Nang tignan ko ito ay si Sam pala.

Hinila niya ako sa isang sulok at saka niya tinakpan ang bunganga ko.

Sam: Ikaw ba ang nagpapunta kay Marga rito?

Me: Di ah, kusang nagpunta ang tao rito para makita at may pakay ang taong sinasabi mo.

Sam: Anong pakay niya?

Me: Kailangan niya ng pera at kaw ang pinuntahan niya rito. Bakit di mo kasi kausaphpin.

Sam: Ano?! Bakit ko siya bibigyan ng pera.

Me: Sam, don't ask me. Siya ang kausapin mo at labas na ako, I mean kami ni Jevan sa problewa ni'xo.

Sam: Okey. Pero, ano ba nakita mo kay Jevan na amoy isda at napakabaduy kung pumorma ha!

Me: Gusto ko siya. At kahit ano pang amoy niya o ano pa ang kanyang isuot ay di mababago ang pagtingin ko sa kanya.

Bigla niya akong hinalikan.

Napakatamis ng kanyang halik at iba rin ang kanyang pamamaraan.

Masarap siyang humalik at parang eksperto na ito sa mga ganitong galawan.

Bigla akong umiwas at pilit na humiwalay sa kanya ng marinig ang papalapit na boses na nanggagaling sa labas at mukhang palakas ng palakas ang boses.

Sakto namang nakalayo na ako kay Sam ng bumungad sila Marga at Jevan.

Marga: Bes, ano ginagawa niyo diyan ni Sam sa sulok?

Me: Ah, may pinag-uusapan lang kami at saka nagpapasalamat na rin ako sa kanya sa effort na ginawa niya na dalhin si Jevan rito.

Nakatingin ako kay Jevan at tinitignan ko ang kanyang reaksyon.

Halata sa kanyang itsura na di siya naniniwala rito.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon