Nakaharap na ngayon ang ina sa guro para tugunan ang mga katanungan na matagal na nyang itinago ng mahabang panahon.
Nangingilid ang mata dahil natatakot na baka mapano ang anak.
Ngunit malaki ang tiwala nito sa gurong kaharap kung kayat nasisiguro nya ang mga sagot na maitatago sa lahat para protektahan ang batang maharlika.
Lingid sa kaalaman ng ina na walang maghahanap sa batang kinupkop nya dahil walang bakas ng pagkatao nito na galing mismo sa pamilya ng ikaapat na kaharian at kung sakali man na anak sya ng hari ng ikaapat na kaharian ay noon pa napabalita sa lahat ng kaharian ang pagkawala ng anak ngunit walang bakas ng paghahanap ang ikaapat na kaharian para hanapin ang sanggol kung sakaling nawawala ito. Ito ang dahilan nya kung bakit sila umalis ng ikatlong kaharian dahil baka may makaalam na ang kanyang kulay na abong buntot ay makita at maipagbigay alam sa ikaapat na kaharian ay magkakagulo.
Ngayong oras na ito ay kaharap ang guro na walang pag-aalinlangan sa aking puso at isipan na ibahagi ang totoong ngyari. Sana ay mapangalagaan nya si Sheno dahil ako man ay walang lakas para ipaglaban ang hinaharap na buhay ni Sheno. Kung sakali mang malaman nito ang kanyang nakaraan ay wag sana nya ako makalimutan bilang ina na nag-aruga sa kanya mula sanggol pa hanggang sa kasalukuyan.
"Paumanhin sayo ginoo ngunit hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan ang mga ito", wika ng ina.
"kung maaari sana ay sa isang lugar na ligtas", wika pa nito.
"pwede tayo mag-usap sa aking tirahan na di kalayuan sa bulwagan ng pagsasanay kung inyong pahihintulutan, at sasamahan ko kayo pauwi rito para makauwi kayong ligtas", wika pa ng guro na may seguridad sa pag-uusapan nila.
"cge ginoo, dito ka nalang po maghapunan kasabay ang aking anak at pagkatapos ay sasama ako sa iyong tirahan para pag-usapan ang mga maseselang impormasyon. Patutulugin ko lamang si Sheno at sasabay na ako sayo patungo sa iyong tirahan", paliwanag ng ina.
"cge po at makakaasa ka po na ihahatid po kita dito ng ligtas", wika nito.
"oh sya! halika sa loob at ipaghahanda ko na kayo n hapunan ng aking anak,wag mo na lamang banggitin ang mga ito para di na sya magtanong pa", huling usal ng ginang.
Pumasok na ang dalawa at naupo sya sa isang sulok at hinihintay ang paglabas ni Sheno para sa hapunan at makakasabay nya ito sa hapag kung kayat parang may kung anong paru-parong naglalaro sa kanyang katawan na di mapakali kung kinikilig ba ito o nahihiyang makasabay ang batang sireno.
(May mga batas ang Kaharian na bawal makipagkita ang mga ordinaryong sireno/sirena sa mga maharlika na hindi ito nasasakupan ng hari at ang tanging paraan para makita ang mga maharlika ay sa pribadong bulwagan na tanging mga maharlika at mga kawal lamang ang pwedeng pumasok rito.
Iisa lang ang batas ng lahat ng kaharian... ay ang maharlika ay para sa maharlika lamang).Mga ilang minuto rin ang lumipas ay bumukas ang tabing ng pintuan ni Sheno na gawa sa mahahabang halaman bilang pintuan nila sa loob.
Bumungad ang binatang sireno na napatulala ang guro sa pagkakatitig dahil maamong mukha nito na kung saan ay nakukompleto ang araw nito pag napagmasdan na nito ang mukha ng binata. Sadyang mlaki ang pagtatangi nya rito na di mapigilang mapangiti sa binata.
"gandang gabi Sheno", wika ng guro na nakangiti.
"guro, andito pa pala kayo?", wika nito ng mabaling ang mukha sa gilid ng kanilang pader.
"oo eh, inaya ako ng inyong ina para dito maghapunan", wika ng guro.
"ganon po ba, cge po samahan nyo po kami maghapon", wika pa ng batang sireno.
BINABASA MO ANG
SHENO - Ang Sireno (Completed) BxB
FantasyAng pag-ibig ay pinakakaloobang ng maraming kahulugan. Wala itong saktong kahulugan kung saan ang mga tao ay pilit pa ring hinahanap ang kahulugan. May mga taong akala nila ay totoong pag-ibig na ang kanilang naramdaman pag nakita na nila ang taong...