9.1

1.9K 78 0
                                    

(PRESFNT TIME)

Mahabang panahon na rin pala ang nakalipas, dati sanggol palang si Sheno noong lumipat kami ng kaharian.

Heto nasa ikalawang kaharian kami at malaya kaming nakakagalaw dahil walang may alam ng kwento bukod sa aking ina at ama na matiwasay rin silang nabubuhay sa ikatlong kaharian.

Ngayong malaki na si Sheno, hanggang kailan ko maitatago ang katotothanan na isa syang sirenong maharlika na walang kaharian.

Di ko man alam ang buong katotohanan pero ang nasisiguro ko ay dugong maharlika ang nananalaytay sa kanyang katawan at di iyon maitatanggi dahil sa palatandaang meron sya at ito an buntot nitong taglay at ang tatlong matitingkad na kulay.

Di ito makakaila sa ibang ordinaryong sireno ang pagiging iba nito sa kanila nguntit wag sa humantong sa puntong may magtanong kung bakit ito napabilang sa mga ordinaryong mga sireno dito sa kaharian.

Ngayong may katanungan na ang aking anak, paano ko maikakaila ang mga nalalaman ko.

Bahala na kung ano man ang mangyari sa hinaharap ang importante naging masaya ako sa piling nya bilang ina nito mula sanggol hanggang sa ngayon.

SHENO POV

Nakarating na ako sa bulwagan at napansin kung maaga ang mga kasamahan kong mga mag-aaral at nagkukwentohan tungkol sa mga naganap ng nakaraang araw patungkol sa mga naganap na handaan at mga maharlikang bisitang dumating dito sa kaharian.

Napansin kung paparating na ang guro kaya binilisan ko pumunta sa hanay.

"kumusta ang mga nakaraang araw nyo mga mag-aaral?",wika nito

Sumagot ang mga ilan patungkol sa mga naganap na handaan at mga nangyaring paligsahan sa mga araw na naglagi ang mga bisitang maharlika.

Ngunit ako ay nakikinig na lamang sa mga kwento niaka ap ngumingiti lang bilang pagtugon.

Siniko ako ng nasa likuran ko at si Bundak na kaibigan ko.

"bakit di kita nakita sa mga nagdaang araw ng andito an mga bisita, wala tuloy akong kasamang nagliwaliw at kasamang kumain", wika nito.

"Tumulong ako kay inay kaya di na ako nagpunta dito para manonood at makisaya", wika ko kahit hindi ito totoo.

"naku sayang dami mong di naki a at daming palaro", wika pa nito.

"sheno, ba't di kita napansin ng nagdaang araw", wika ni guro.

"di po kasi ako lumabas ng bahay at sinamahan ko si ina sa paghahabi", wika ko na sana ay nakalusot.

Tumango na lang ang guro.

Mga mag-aaral kunin nyo na ang tungkod at magsisimula na tayo.

Nagsimula ang pagsasanay sa tamang paghawak ng tungkod at ang pagbalanse nito para di ito mabitawan.

Tinuro rin ng guro kung pano gamitin ang tungkod pang laban at pang depensa sa kalaban.

Makalipas ng ilang oras ng pagsasanay ay inulit nila ang pinakaunang hakbang na kanilang natutunan hanggang sa huling bahagi nito.

Natapos ang pagsasanay at pinagpahinga muna ang mga mag-aaral bago sila pauwiin.

Lumapit ang guro kay Sheno para kausapin ito.

"Sheno, nasa bahay nyo ba ang magulang mo?, wika nito

"Opo guro, bakit po?" wika ko.

"Nasabi mo na naghahabi ang iyong ina,tama ba?" wika ng guro.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon