10

1.9K 56 3
                                    

LUCILA  POV

Mula ng pagkaalis namin ng bahay at tinatahak namin ang daan patungo sa tirahan ng guro ay marami ako nalaman patungkol sa mga kaharian at dahil isa sya sa mga kawal ng kaharian.

Sa kanya ko rin nalaman na tanging mga maharlika lamang ang may kakayahang makausap ang mga nilalang gaya ni Nenok at isa sa nagpagimbal sa akin ay ang kakayahang mabas ang isip ng mga nilalang na taga-ilalim at kaya nilang utusan ito.

Ngunit ang katangiang ito ay makakamit lamang ng mga maharlika pagdating sa tamang edad.

Kasalukuyang nakarating na kami sa loob ng bahay ng guro para pag-usapan ang mga nakaraan ko patungkol kay Sheno.

"ginoo, may itatanong po ako", wika ng ina para sa gjtro.

"ano po yan ginang?", wika ng guro.

"si sheno ba ay may kakayahang mabasa ang isip ko", wika ko sa guro.

"hmmm, opo kung nasa hustong edad na ito", dagdag pa ng guro.

"pano ba, malalaman kung nasa hustong gulang na ang maharlika para taglayin ang mga kakayahang ito?", wika ng ina na nangangamba ito.

"bakit nyo po naitanong?", wika ng guro sa ina.

"kasi nitong umaga ay natanong nya ang tungkol sa kanyang ama at kung bakit wala siyang kapatid?",wika ng ina.

"sa tingin ko di pa taglay ni Sheno ang kakayahang mabasa ang isip", wika ng guro.

"pano nyo po nasabi?", wika ng ina.

"nakita nyo po ba ang mata ni Sheno? Anong kulay ito?", wika ng guro.

"kulay kayumangi (brown)", wika ng ina.

"ahhh...", wika ng guro.

"bakit po ginoo?", patanong ng ina sa guro.

"ang kakayahang makabasa ng isip ng isang maharlika ay magapasakanya kung sila ay nakarating sa tamang edad at ang tanging paraan para malaman kung nasa tamang edad na ito ay ang kulay ng mata, magiging kakulay nito ang kulay ng buntot na senyales para sa kanila na nasa hustong gulang na ang mga ito", paliwanag ng guro.

"kaya wag ka po mag-alala, maaaring naitanong lang ni Sheno ang mga bagay na ito dahil sa mga nakikita sa paligid", wika nito.

(Ang maharlikang nasa hustong edad ay binibigyang kalayaan para makaglibot ng mag-isa na walang kawal at ay karapatang lumabas ng kaharian).

"ginang kung iyong mamarapatin, nais ko po sana malaman an buong kwento kung paano kayo nagkaroon ng batang si Sheno.

Huminga ng malalim ang ginang bago kinwento ang buong pangyayari.

Tanda ko pa nong kalagitnaan pa ng kabataan ko kung saan may anunsyo ang ikatlong kaharian na may mga bisitang mga maharlikang sireno na manggagaling sa iba't-ibang kaharian para makita ang mga sirena ng ikatlong kaharian.

Ito ang pnahon na kung saan ay nagtipon-tipon ang lahat ng mga kawal ng palasyo para sa mga bisitang darating na kung saan kailangan nila ng mahigpit na seguridad ng mga ito.

Ito ang panahon na kung saan ay malaya akong nakapaglakbay ng labas ng kaharian.

Lumabas ako ng kaharian para makapagmasid sa mga lugar na kung saan ay abot-tanaw ng aking mga mata.

Napadpad ako sa direksyong papunta sa ibabaw ng dagat at sa di sinasadya ng pagkakataon ay nakakita ako ng isang nilalang na may kargang sanggol.

Sa di sinasadya ng aking paningin ay napansin ko ang nilalang na yakap an sanggol ng mahigpit at ibinaba ito sa dagat mula sa sinasakyang pandagat.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon