29 (03.16.2022)

376 25 4
                                    

SHENO POV

Unang araw ko sa Time Z at talagang nakakamangha ang kanilang gusali.

Pumasok kami sa isang pinto na kusang bumukas at nagsara ito.

May pinindot si Lucas at umandar pataas.

Nang huminto at tumunog ay bumukas ang pinto.

"Sir ito po ang opisina ni Sir Mateo at kayo na po ang gagamit nito mula ngayon", wika nito.

Nanlaki ang mata ko at parang nasa langit ako at nakikita ang lawak ng kapatagan.

Nakaagaw pansin ang babae sa gilid at ngumiti ito.

Napakaganda niya at napakakinis ng balat.

"Sir Sheno, she is your secretary from now on at siya ang aasiste sa lahat ng mga gagawin mo. Wag ka mag-alala at pinagkakatiwalaan ng tito Mateo mo siya", pahayag ni Lucas.

"Nice to meet you sir Sheno. I'm Shaina Valdez", wika ng babae.

Nakipagkamayan ito sa akin at napakalambot pa ng kamay nito.

"Sir Sheno, I have to go at may  meeting pa po akong pupuntahan. Kita nalang po tayo sa mansyon", wika nito.

Nilibot ako ni Shaina sa lahat ng rooms and department bilang pagpapakilala sa pamangkin ng Presidente ng Time Z.

Ang dami pala ang mga departamento ng Time Z.

Akala ko ay konti lamang ito.

I'm with Shaina at si tito Keno ay nagpaiwan na sa opisina ko.

Habang pinapakilala ako sa mga empleyado ay nababasa ko na ang mga nasa isip ni Shaina.

Mapagkakatiwalaan nga ito at kita ko ang katapatan nito kay tito.

Nang makabalik kami ng opisina ay nagpaschedule ako ng board meeting.

Bukas ang hiningi kong araw.

Nilapag ni Shaina ang mga dokumento na para pirmahan.

At simula ngayon ay ako na ang tatayo muna bilang presidente ng kompanya.

Naninibago ako sa mga dokumento, kung kaya't nagpatulong ako kay Shaina.

Di ko na namalayan ang oras at nagpaorder na lamang ako ng pananghalian kay Shaina.

Matapos kumain ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga dokumento.

Natapos ang buong araw at di pa nakakalahati ang mga dokumento.

Ganito pala kahirap ang mga gawain dito sa lupa.

Halos sumabog ang utak ko sa pag-iintindi ng mga nilalaman.

Kahit papaano ay nagkakaroon na rin ako ng ideya patungkol sa kompanya.

Di ko namalayan na di ko pala kinausap si tito keno ng buong araw maliban kaninang tanghalian ng kumakain kami.

Nang makarating kami ng mansyon ay di ko maiwasang magsuka sa banyo.

Sakit ng ulo ko at parang sasabog ito.

Napansin ni Lucas at sumunod ito sa kwarto ko.

Magkatabi kaming naupo sa hulihan ng kama at siya ang unang nagsalita.

"Mukhang napasabak ka sa unang araw mo ah!", wika nito.

Nangiti lang ako.

"I never expected na makakaharap ko ang anak ng prinsesa ng ikatlong kaharian", wika nito.

Napako ang mata ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin", wika ko.

"Una palang kitang nakita ay nakita ko na agad ang pagkakahawig ninyo ni prinsesa Marina", wika nito.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon