13

1.6K 62 2
                                    

Nakarating na kami ng bulwagan at di ko alam kung paano ako makakatakas para makausap si Bulakengka.

Nakahanay na ako at harap na ang aming guro at wala akong maisip na dahilan para makaliban n klase.

Nasa harapan na ang aming guro at nagsimula nang magsalita ito.
***
Mga mag-aaral, natutunan nyo na ang gumamit ng tungkod bilang sandata ngunit di ito sapat para sa kaalamang pang-atake at pang-depensya kung kayat dapat nyo rin matutunan ang kakayahang lumaban gamit ng pisikal na katawan at lakas laban sa kaharap.

Ang sariling lakas ang pangunahing sandata nyo sa oras ng kagipitan at dapat nyo itong sanayin para kung sakaling wala kayong tungkod ay makakalaban pa kayo gamit ang katawan at kaalaman para lumaban.

Di sapat ang lakas lang mga mag-aaral. Dapat ibayong pag-iisip para makaisa sa kalaban. Dalasan ay ginagamit ng kalaban ang panlilinlang kung kayat maging mapagmatyag kayo rito o ito ang iyong ikasawi.

Ngayon, subukan nyo ang dati nyong kahanay na lumaban nun nakaraang pagsasanay at tignan natin kung anong lakas at kakayahan ang kaya nyong ipamalas ngayong araw na ito.
***

Hinarap namin ang dati naming katunggali at sinubukang lumaban.

Magkaharap kami ng kahanay ko at nababasa ko ang gusto nyang ikilos kung kayat di ako nagagambala na matalo sa karaniwang pagsasanay na ito.

Di alintana ng aking kahanay na may kakayahan akong makabasa ng isip kung kayat bawat galaw at iniisip nito ay lahat alam ko.

Walang kaalam-alam na taglay ko na ang kakayahang makabasa ng isip at di ko dapat ito ipahalata sa lahat lalo na at di pa nagbabago ang kulay ng aking mata.

Sa pagkakataong ito ay magagwa ko ang plano ko at makikita si Bulakengka ng malaman ang paraan para makilala ko na ang lalakeng nagpapasaya sa aking puso na alam kung pinagbabawal sa aming mga maharlika ngunit di ko ito mapipigilan hanggang di ko ito nasusubukan.

Kailangan ko ng gumawa ng paraan para makaalis ako dito.

Lumapit ako sa guro ko at nagsalita.

"guro, nais ko po sana magpaalam at uuwi muna ako, di maganda pakiramdam ko" wika ko na may pagsisinungaling.

"ganun ba? gusto mo dalhin kita sa manggagamot?" wika nito na may pag-aalala.

"wag na po pahinga lang po ito" wika ko.

"cge na at para makapagpahinga at magkita nalang tayo bukas" wika ko.

Nilandas ko ang  daan palabas ng bulwagan at para mahanap ko si Utog na alaga ni Bulakengka.

Nagtungo ako sa parte na kung saan ko sya unang nakita at parang may nasilayan akong gumagalaw sa may makapal na halamang dagat.

"sinong andyan!" wika ko at sigurado akong may nilalang dito.

Bumulaga ang nilalang na hinahanap ko.

"kaw pala Utog, at mabuting narito ka at hahjnapin pa sana kita" wika ko.

"anong kailangan mo sa akin?" wika nito at bumuntong-hininga ako.

"Kailangan kong makausap si Sirenang Bulakengka" wika ko at napangiti ang nilalang at kuminang ang isang mata ni na kulay ginto.

(Isang mata ni Utog ay kulay ginto na kung saan ito ang mata ng bulang kristal ni Bulakengka na kung ano ang nakikita ay nakikita ng sirena sa kanyang bulang kristal)

"ganun ba?" wika nito.

Palinga-linga ito na siniguradong walang ibang nilalang.

"halika at pumasok ka rito sa makapal na halamang dagat at magtutungo tayo sa kinaroroonan ni Bulakengka" wika nito at sumunod ako sa sinabi nya.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon