5

2.5K 87 5
                                    

Bago matulog si Sheno ay napabangon at napatingin kay Nenok na nakapikit na.

"gising ka pa ba Nenok", wika ng binata.

Napadilat ang isang isda at sumagot.

"di pa naman, bakit di ka pa ba inaanto?" wika ng huli.

Napabuntong-hininga at parang may patanong ang kanyang mata na may gustong sabihin kay Nenok.

"naniniwala ka ba na may nilalang na walang buntot ngunit kagaya namin sila sa pang itaas na kaanyuan", wika nito.

Napatitig ang isda na may blangkong tingin at sumagot ito.

"ayon sa aking ina, may nilikha ring nilalang ngunit di natin sila kauri", ayon sa paliwanag ng isda.

Napatingin si Sheno sa isda na di makapaniwalang may alam ito.

"talaga?, kwento ka nga ng mga nakwento sayo ng iyong ina", wika na may kagalakan na gusto nyang marinig ang tungkol dito.

Nagkwento si Nenok at ukol ito sa nakwento ng kanyang ina bago pa sila nagkahiwalay at ang huling habilin nito kay Nenok na wag na wag siya pupunta sa labas ng kaharian na kung saan may mga nilalang daw sa tubig ibabaw na kumakain ng katulad nilang isda.

Di lubos makapaniwala na may talagang nilalang na matatagpuan sa tubig ibabaw at lubhang mapanganib ayon sa kwento ni Nenok na nagmula sa kanyang ina.

"nasan na pala ang iyong ina?", wika ni Sheno.

Napabuntong-hininga lang ito at malungkot na nagkwento.

"naalala mo pa ba noong nakita mo akong dugugan?", wika nito at tumango na lamang ang kaharap.

NENOK FLASHBACK

"ina, hulihin mo ako!", wika ni Nenok na papalayo sa ina.

"Wag ka masyado lumayo anak at nasa labas tayo ng kaharian at maraming masasamang nilalang dito", wika ng ina.

"wag ka mag-alala ina wala namang kakain satin dito eh", wika ng maliit na isda.

"anak, pinagbabawal ang paglabas ng kaharian, alam mo yan di ba?", wika ng ina.

"dagat pa rin ito ina walang huhuli satin dito", pagtutol ng anak sa ina.

"habulin mo ako ina", wika nito na papalayo sa ina at papuntang ibang direksyon.

Napansin ng ina na masyado ng napalo ang anak kya sinundan ito at mabilis na tinahak ang lugar ng anak para balaan muli sa nakitang may nasa tubig ibabaw.

Dahil di ito nakatingin sa harapan habang papalayo sa ina ay may biglang malaking lambat na humarang sa harapan nito at napahinto.

Naabutan ng ina ang anak at sinabihan na tumakbo na siya ngunit di makaalis dahil sa hinihila na ang lambat paahon sa tubig ibabaw.

"pilitin mong makalabas anak at wag na wag ka nang gagawi rito dahil mapapahamak kalang", wika ng ina.

Pinilit makalabas butas na kung saan nasusugatan ang kanyang mga kaliskis at naipit ang kanyang buntot at pilit pa rin makaraan sa butas.

Nakalabas na sya at pilit hinahanap ng kanyang mata ang kanyang ina na napahalo sa iba pang uri ng isda ngunit di na nya ito matanaw.

Binasbas ang daan patungo sa kaharian ng duguan hanggang nakarating sa bukana ng bulwagan na malapit na lamang at di na magawang lumangoy pa dahil sa tinamong sugat sa katawan kayat napahiga na lamang sya at di na alam ang sunod na ngyari.

PRESENT TIME

"yon yong panahon na nakita mo akong nakahandusay at ginamot", wika nito ng may malungkot sa kanyang tinig.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon