24 (09.11.2021)

593 28 3
                                    

SAM POV

Nakarating na ako ng bahay, ngunit parang napakatahimik.

Napatingin ako ng relo ko at pasado alas dyes na ng gabi.

Di na ako lasing at marahil nawala ito dahil sa trip na naganap kanina at kasama si Jevan.

Akalain mong isang probinsayano ang bumihag sa puso ni Sheno.

Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko ang isang kasambahay.

"Nasaan si Sieno", wika ko.

"Nasa kwarto na po siya at bilin niya po na wag na po gisingin pagkarating niya po", wika niya.

Kumunot ang noo ko at bakit niya nasabi ang ganun.

Kumuha ako ng tubig sa ref at saka uminom muna.

"iyong tito niya, saan natulog?", wika kong muli.

"Sa pagkakaalam ko po sir ay sa kwarto po ni Sir Sheno din po natulog?", wika niyang muli.

Uminom muna ako ng tubig at saka inilapag sa sink at iniwan na ang kasambahay.

Anong ibig sabihin ng doon sa kwarto ni Sheno ito natulog.

Di ito maaari at tiyak na masisira ang mga plano ko.

Paano ko na siya muling makakantot kung doon ito mamamalagi.

Mukhang mahihirapan ako.sa mga susunod na araw.

Nagtungo ako sa pool at napansin ko ang amoy nito.

Napakalansa na para bang pinagpaliguan ng isang banyerang isda.

Iniwan ko na ang pool at sa kwarto nalang ako namalagi.

Musta na si Mateo?

Mula ng umalis ito ay di na tumawag at wala ako balita.

Bukas ay aalamin ko kung ano na ang nangyari sa plano kung pagpapadukot kay Mateo at kunan ng pera.

Medyo malaki na ang perang nawawala sa bangko namin ni Mateo.

Huwag sana lang niya maisipang tignan ang laman nito at tiyak magtatanong ito sa akin.

Umunat ako ng katawan at nagflex saka nag dive sa kama.

Medyo antok na rin ako kung kayat umayos na ako sa pagkakahiga.

Kung tito ni Sheno sa ama ang dumating at Tito niya si Mateo sa ina, sinong partido ni Sheno ang mayaman?

Di ko kasi natanong kung may tatay o nanay pa siya.

Kung buhay pa ang mga magulang niya,  bakit parang wala akong naririnig ng tungkol sa magulang niya.

Kung mga tito niya na lamang ang nakakasama ay malamang na wala na itong magulang.

Pag nagkataon mukhang tagilid ako sa mga plano ko.'

Di si Mateo ang kalaban ko rito, kundi ang dumating na tito niya kanina.

Dapat ko muna makaharap ang tito niyang dumating para alam ko na ang taktikang gagamitin ko.

Kung sa tauhan naman ay may mga maaasahawm akong mga tao na gagawa ng aking mga plano.

Ngunit dapat ko isagawa ng palihim at para di masira ang pangalan ko kay Sheno.

May isang alas na ako at hawak ko na sa leeg si Jevan.

Bukas ko na dapat pa alalahanin ang lahat at gusto ko muna magpahinga.

Buntong hininga bago ko pinikit ang mata.

MATEO POV

Di ko na naasikaso pa ang TIME Z after ko makipagkita kay Omar.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon