18.2

1.2K 61 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

DIALLING...

Hello boss!

Musta ang inbestigasyon?

Positibo boss

Anong ibig mong sabihin

Si Jane at Sam ay magnobyo at nagkita ang dalawa sa isang casino.

So nagsusugal pala si Sam?

Opo boss at ang babae ay empleyado doon sa casino

Ganun ba?

Opo boss, at mukhang baon sa utang ang lalake kong kayat nagtatago ito at mukhang papunta sa probinsya ayon sa impormasyong nakalap ko.

Papunta ako ng probinsya ngayon at susunduin ko ang pamangkin ko.

Malamang ay diyan ang punta nito hanggang makapag-ipon ng pera.

Parang ganun na nga siguro.

Nalaman ko rin ang mga trasaksyon nya mula sa bangko at ubos na ang mga ito at pati ang kotse nya ay nakuha na ng casino.

Good Job!

Check mo nalang account mo at ipapadala ko ang kabuuang bayad at tatawagan kita kapag kailangan ko ang serbisyo mo.

Opo boss, Salamat.

END CALL

MATEO PRESENT POV

Sa inaakala ni Sam ay di ko malalaman ang lahat.

Makikipaglaro ako kung yan ang nais nya.

Inuumpisahan nya kay Sheno?

Ano inaakala nya? Madaling makuha si Sheno?

Maharlika yan at di basta-basta magpapaloko ng ganun-ganun lang.

Wait, ba't ko sila iniisip.

Well, my plan for the next day is going back to Manila and meet my business client at saka ibebenta ang mga perlas ni Sheno sa black market at saka ano pa... hmmm ay tama yong info na binigay ni Sheno about sa jowa nya.

I ask him about it kung ano ang mga impormasyon pwede kung maibigay sa imbestigador.

Bakit kaya ang gaan ng loob ko kay Sheno. In fact, di kami magkadugo pero iisa ang aming kaharian. Yon lang pero ewan ko ba't ganun nalang ang pagkaconcern ko.

Makapasok na nga ng kwarto at makapag impake para sa dadalhin ko the next day going back to Manila.

BULAKENGKA POV

Nakita ko si Sheno sa bolang kristal at napapalibutan ito ng mga tukso.

Hay naku, itong mga baklang ito dumadami, di naman nanganganak. Well, ganyan talaga ang life.

Sa pag-uusap namin ni Sheno ay naungkat tuloy ang nakaraan ko.

Oo, may anak ako at nasa ibabaw siya.

Pinadala ko sya doon at para maprotektahan ang nag-iisa kong anak.

Kahit sabik na sabik ko syang makita at mayakap ay di ko magawa dahil sa sumpang pumapalibot sa akin at habambuhay ko itong dadalhin.

Ang sumpang makukulong dito sa "kweba ng kawalan".

Ngunit masaya ako at nakikita ko sya kahit papaano mula ng ito ay sanggol pa at ngayon ay binata na.

Pinilit kong magbago sa kadahilanang ang anak ko ang nagbibigay ng pag-asa sa akin na sana ay dumating ang araw na magkakasama kaming mag-ina at pinapangako kung ibibigay ko ang lahat lahat makasama lang sya at maipadama ang pagmamahal kong di naipadama sa kanya.

SHENO - Ang Sireno (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon