CHAPTER 1

7.3K 171 35
                                    

"MANONG bayad ho." Iniabot ni Maria sa taxi driver ang kanyang pasahe. "Keep the change po. Happy new year." Nakangiti niyang  sabi sa driver. 

"Naku. Salamat ma'am! God bless you po at happy new year din po." Nakangiti ding tugon sa kanya ni mamang driver.

Ngiti at tango lang ang ibinigay niya sa mamang driver at nagpasya ng bumaba ng sasakyan.

Habang naglalakad siya sa daan patungo sa kanyang apartment, nahagip ng mata niya ang isang pamilyar na sasakyan kaya dali dali siyang naglakad para makarating kaagad sa kanyang apartment.

At hindi nga siya nagkakamali. Nasa labas ng apartment niya ang kanyang pinsan. Si Joy.

"Joy!" Tawag ni Maria sa kanya. "Why are you here?" Tanong ni Maria sa kanya. New year's eve ngayon, dapat nandoon siya sa bahay nila at nagcecelebrate sila ng kanyang pamilya.

Binuksan niya ang pintuan at inaya ang kanyang pinsan na pumasok na sinunod naman nito.

"Care for a drink? Coffee, juice or tea? " Tanong pa ni Maria.

"Water will do. Hindi din naman ako magtatagal dahil kailangan ko pang mag empake." Nakangiti pa si Joy sa kanya.

"Impake? Why? I mean, where are you going?" Usisa niya.

"States, I guess. You know dad couz, he is so oa. Gusto niya na naman akong mag aral ulit. Pinagbibigyan ko lang since wala si kuya dito na mamakulit niya." Nakitaan niya ng lungkot ang kanyang pinsan.

"Hayaan mo na. Mabuti nga ikaw may daddy ka pa. Besides bata ka pa naman couz. Kaya go lang ng go!"

Nakita niya ang uneasiness ng kanyang pinsan kaya tinanong niya ito. "Joy? You okay? Parang hindi ka mapakali?"

Hindi ito sumagot and then later on, Joy started sobbing. At nagpanic si Maria kaya niyakap niya ito agad at inalo.

"Hey, sshh.. Why are crying Joy?"

Paunti unti ay humihinto na si Joy sa kanyang pag iyak. "Kasi.. Ayokong iwanan si Damian couz."

"Damian? Who's that?"

"Damian is my boyfriend couz pero hindi pa alam nila Daddy. Baka tutulan niya ang relasyon namin dahil nag aaral pa ako." Umiiyak pa rin si Joy habang sinasabi niya ang mga katagang yon.

"O---kay.. So, what about him?" Maria smell something fishy na mukhang may kinalaman sa kanya.

"Maria.. Will you please go to him. Paki bantayan naman si Damian para sa akin. Please.."

Hindi makapaniwala si Maria sa kanyang naririnig. Seriously? Boyfriend niya, need pang bantayan?

Tumikhim si Maria dahil palagay niya ay hindi siya makahinga. Parang nahuhulaan niya na ang gusto ng kanyang mahal na pinsan.

"Joy. Don't tell me---"

"Maria please.." Joy cut her words. "Huwag mo naman akong tanggihan. Alam mo naman na sa lahat ng pinsan ko ikaw lang pinagkakatiwalaan ko. Please, mag apply ka sa kanilang katulong para mas mabantayan mo ang galaw ni Damian."

Nayanig ang mundo ni Maria sa sinabing iyon ng pinsan niya.

Bloody hell!

"Teka nga-- at bakit kailangan ko pa mag apply na katulong sa kanila kung pwede ko naman siyang tingnan tingnan?" Takang taka si Maria sa pinsan niya.

"Eh kasi naman palagi siya naglalagi sa mansyon nila. May malalaking farm kasi sila sa San Sebatian at doon siya tumitira. Naroon din kasi ang hacienda Monteverde. Look, ang layo non dito at alam mong aalis na ako. I need someone to guard my boyfriend couz'. Masyado pa naman yung habulin ng mga babae kaya you see? Natatakot ako sobra." Mahabang paliwanang sa kanya ni Joy.
"Tsaka ayaw mo na non? Experience rin at inspiration para sa susunod mong nobela miss author. Kaya please.. Pretty please.. Pumayag kana couz'.." Pahabol pa nito.

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon