CHAPTER 17

4.6K 156 47
                                    

"MISS MARIA, nandiyan na po sa baba ang designer para sukatan po kayo para sa wedding gown na isusuot niyo po." Wika ni Sana sa kanya, pero hindi siya natinag sa kinauupuan.

Hindi sa ayaw niyang magpakasal kay Damian. Syempre, mahal na mahal niya ang binata pero alam niyang may mali. May masasaktan.

Nakakainis lang dahil hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon kahapon na makapagsalita muna.

This is not right. Oh God, please forgive me.. piping dasal niya sa panginoon.

Nang magmulat siya ng mga mata ay bumalik sa ala-ala niya ang nangyari kahapon pagkagising niya— nila ni Damian.

"What's the meaning of this?!" Malakas na sigaw ni Don Fabian sa kanila kaya agad-agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at ginising ang binata. Niyugyog niya ito sa paraang magigising ito.

Nang magising naman ito ay kaagad itong napabalikwas ng bangon at mukhang nagulat sa pagpasok ng ama nito sa kwarto ng binata.

"Papá, why are you here? Don't you know how to knock at my door?" Asik nito. Sa mukha ng binata, makikitang naiinis ito sa pagpasok ng ama at kapatid nito na si Daniel.

"What have you've done son?! I didn't raised you to be an asshole! Who is this woman beside you?!" Mariin ang bawat tanong ni Don Fabian.

"She's Maria— my fiancee." Bulalas ng binata.

Hindi malaman ni Maria ang magiging reaksyon dahil sa isinambulat ng binata.

Ano daw? Siya? Fiancee nito? Kailan pa? She's not even his girlfriend to start with tapos ngayon fiancee na?

Hindi napigilan ni Maria ang itaas ang kamay patungo sa binata at salatin ang noo nito.

"Hindi kana man nilalagnat pero—" Damian showed her a sly smile. Hinawakan nito ang kanyang kamay, itinapat nito sa labi nito at hinalikan.

"Yes papá, magpapakasal po kami as soon as possible." Nanlaki ang mata ni Maria sa sinabi ni Damian.

Nahihiya naman siyang hugutin ang kanyang kamay na tangan pa din ng binata.

Kumunot ang noo ni Don Fabian. "Not as soon as possible. What's the use of our money? You'll marry her the day after tomorrow." Pinal na sabi ng Don saka sila tinalikuran at tuluyan nang nilisan ang kwarto ng binata.

Pagkalabas ng ama ni Damian ay hinarap naman niya ito. "Anong kalokohan 'to señorito? Nababaliw kana ba? Eh hindi mo pa nga ako girlfriend eh, tapos fiancee kaagad? Wow!"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit ka pa aatras eh pananagutan na nga kita? I know you love me Maria." Then he "tsked". "Sana inisip mo muna ang mga posibling mangyari bago mo ibinuka iyang mga hita mo at pinapasok ako!" Bahagyang sigaw nito. Tumayo at marahas na nilisan ang silid. Para siyang sinampal ng katotohanan ni Damian ng mga sandaling iyon.



KAHAPON PA niya hindi nakikita ang binata, magmula no'ng lumabas ito ng kwarto nito hanggang ngayon na pipili na sila ng damit para sa kasal nila ay hindi pa ito nagbabalik.

Hindi siya nanatili sa kwarto nito dahil mas nanaisin pa niyang matulog sa silid nila ni Sana kesa ang bumalik sa kwarto ng binata.

Mas pinili niya ding hindi lumabas ng kwarto dahil sa t'wing magtatangka siyang lumabas, ay pinaparinggan siya ng ibang mga katulong lalong-lalo na si Katrina. And somehow, she can't deny the fact that she's affected to that.

"Sana, nakita mo ba si Damian?" Di niya mapigilang tanong sa dalaga.

Umiling naman ito. "Hindi pa Mi— Maria. Mula kahapon ay hindi ko pa siya nakikita dito sa mansiyon."

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon