KASALUKUYANG nasa kusina si Maria at nanghuhugas ng mga pinagkainan. Patuloy pa rin sa pagsasaya ang mga tao sa birthday party ng Don kaya mas dumoble ang hugasin niya.
Langya naman to! Hindi ba uso sa kanila ang disposable plates? Ang disposable spoon? O ang disposable forks? O di kaya naman ay disposable cups?
Naiinis siya dahil sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakapaghugas ng sandamakmak na hugasin.
Pero sa kabila ng pagkainis na nadarama ay hindi niya mapigilang mapangiti ng maalala ang mukha ni Damian. Kaya naman pala ganun na lang ka paranoid ang pinsan niya. Hmp!
Naalala niya ang mga features ng binata na sinuri niya ng palihim kanina habang inaayos niya ang neck tie nito. A pair of green and seductive eyes. Para siyang nahipnotismo sa ganda ng mata ni Damian at nakakaramdam din siya ng kilabot sa tuwing tititig siya sa mga mata ng binata. Matangos din ang ilong ng binata at hindi masyadong makapal ang labi. Well-shaved din ito. He has this low fade with side part and brush up haircut na mas lalong nagpatingkad sa maangas na kagwapohan nito. Broad shoulders na tiyak niyang kay sarap mayakap. At naiimagine niya na kung paano pa kaya kung wala itong damit. Sigurado siyang may abs ito dahil hapit dito kanina ang white long sleeve polo na suot nito.
Dear god.. Kung kasalanan man ang magnasa sa isang lalaking kagaya niya Guilty po ako..
"In fairness naman. Overall, yummy parang honey." She's humming that words while washing the dishes.
Hindi niya namalayan na natapos na siya sa kanyang mga hugasin. Kaya napagpasyahan niyang maupo muna ngunit hindi pa man nag iinit ang puwet niya ay biglang may dumating na tatlong waiter na dala dala ang mga bago niyang hugasin.
Leche naman o!
Ang isa sa tatlong lalaki ay nag aalangan pa at parang may gusto pang sabihin sa kanya kaya naman tinaasan niya ito ng kilay na naging dahilan kung bakit napakamot ito sa batok nito.
"U-uhm, miss? Pwedeng malaman ang pangalan mo?" Maya maya'y di na napigilan ng lalaking magtanong sa kanya.
"At bakit?" Mataray niyang tanong din sa lalaki.
"U-uhm gusto ko sanang mag apply sayo miss."
"Ng?" Balik tanong niya.
"Boyfriend mo." Nahihiya pa ang lalaki na sabihin ang banat na iyon kay Maria.
Habang si Maria naman ay hindi mapigilang tumawa sa banat ng lalaki dahil mukhang nahiya pa ito sa pagkakasabi niyon. Nakakatuwa ang lalaki para sa kanya. Napahinto lang siya sa pagtawa ng biglang sumulpot sa likuran ng tatlo ang lalaking nasa isip niya pa lang kanina.
"And here I thought you are washing the dishes pero iba pala ang hinuhugasan mo." Masungit na turan ni Damian sa kanya. At nilingon nito ang mga waiters na nakatingin pa rin kay Maria. "Get back to work!" Sigaw ni Damian sa mga ito at kaagad na nagsialisan ang mga ito. "And you!" Si Maria naman ang binalingan nito. "What did I tell you?"
"Ah huh?" Hindi alam ni Maria kung bakit hindi niya mahagilap ang mga salitang dapat lumabas sa bibig niya.
"Bingi ka ba?!" Sigaw na naman nito sa kanya.
Huminga muna ng malalim si Maria dahil alam niya sa sarili niya na kapag pinatulan niya ito ay hindi lang mura ang matatanggap nito.
"Señorito.. Mabibingi po talaga ako kapag sigaw kayo ng sigaw sa akin. Nasa harap niyo lang po ako." Hello?!
"Ayusin mo ang trabaho mo at huwag puro landi. I'll be watching you from now on. Baka hindi lang waiters ang landiin mo." And then he turned his back on her.
Parang sasabog ang puso ni Maria sa narinig mula sa kanyang amo. She's starting to hate him. Niirita na siya.
"Cheater na nga, masama pa ang tabas ng dila."
Naisip niya na kagwapohan lang siguro nito ang nagustuhan ng pinsan niya. Ano ba naman ang pinsan niya, hindi yata marunong kumilatis ng isang lalaki. Mukhang sa panlabas na anyo lang ito nakilala ng pinsan niya.
PAGKATAPOS ng gabundok niyang hugasin. Sa wakas natapos na din siya. At ni isang katulong walang may tumulong sa kanya. Kapag may lalapit ay tinatawag nang isa. Si Katrina. Ang palaging nakataas ang kilay sa kanya.
But she ignores them. Her goal is to finish washing the dishes without their help. Without anyone's help.
After washing the dishes and cleaning the kitchen area, she went to her room and take off her uniform. And then went to the bathroom to have a cold bath.
She needs that dahil kanina pa nag iinit ang ulo niya sa inis sa kanyang amo na sinalo yata lahat ng sigaw sa mundo at sa mga katulong na kung umasta ay parang hindi katulong. Lalo na yung Katrina na yon. Naku! Makabuang!
Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng banyo at kumuha ng damit sa drawer na nasa tabi lang ng kama.
"Don't dress sexily. Dalhin mo lang yung mga big shirts mo couz'."
Umalingawngaw na naman sa isip niya ang mga bilin ng kanyang magaling na pinsan.
"As if I can. Eh ang init init kaya."
Kaya nagsuot siya ng sexy black night dress na pinatungan niya muna ng roba. Kung nasa apartment niya lang siya ay malamang nakahubad siya ngayong natutulog pero wala siya doon kaya kailangang matulog siya ng may damit. Hays..
Kinuha niya ang cellphone sa bag at nakita niyang wala ngang signal sa loob ng kwartong iyon. Kaya lumabas siya ng kwarto niya at dahan dahang naglakad patungo sa pintuan ng likod ng bahay.
Tapos na naman ang party kaya wala na siyang naririnig na ingay sa loob ng bahay.
Pagkalabas niya ng bahay ay dumiretso siya sa may fountain at sa gilid niyon siya umupo. Now she's wondering kung may fountain din ba sa harap ng mansyon.
Nasa byahe pa si Joy kung kaya ang matalik na kaibigan muna ang kanyang tinawagan. Dalawang ring lang at kahit maghahating gabi na ay sinagot ni Maximo ang tawag niya.
"O bhe.. Akala ko natabunan ka na ng lupa dyan sa hacienda." Pambungad na bati sa kanya ni Maximo.
"Gaga! Lahat ng daan dito ay sementado. As in bhe, never kang makaka experience ng mala putik na drama. Yong klase na titirik ang sinasakyan mo at kailangan mo na lang maglakad tapos madadapa ka pa." Nagkatawanan silang dalawa.
"Okay ka lang ba dyan? Kaya pa ba? Sabihin mo lang bhe at susunduin kita dyan." Nahimigan niya ang pag aalala sa boses nito.
"Okay lang ako bhe. Kaya pa. Huwag ka ding paranoid dyan. Para namang hindi ka busy na tao."
"Gaga! Syempre para sayo iiwan ko ang trabaho ko. Best friend kita e!" Sita ni Maximo sa kanya.
"Aww.. I feel loved. Iiyak na ba ako bhe?" Panunudyo ko sa kanya.
"Para namang madali kang umiyak. Miss na kita bhe. Wala na akong kalampungan dito." Pagdadrama pa ni Maximo na sinakyan na lang niya.
"I miss you too bhe. Magkikita din tayo ulit."
Nagpatuloy pa silang dalawa sa masayang usapan. Kahit hindi siya komportable sa kanyang puwesto.
Hindi alintana ni Maria na kanina pa may nagmamasid sa kanya mula sa terrace na nasa ikalawang palapag.
Ang binatang nagmamay ari ng mapang akit na berdeng mata na kung makatingin ay sagad hanggang sa kaluluwa.
Si Damian.
M. D.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceBecause of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor every move of her cousin's boyfriend, Damian. She did not expect that by staying in the mansion she wou...