NAKASAKAY na si Maria ngayon sa isang tricycle patungong hacienda Monteverde.
Tama nga ang pinsan niya, sobrang layo nga nito sa siyudad, ilang oras din ang binyahe niya para makarating sa San Sebatian.
Hindi niya mapigilang mapahanga sa ganda ng tanawin. The scenery is breath taking. Maraming puno ang lugar and she was amazed na sementado ang daan na kahit maulan hindi masyadong maputik.
She saw a wide range of cows and sheeps in the green pasture. And she really wants to grab her phone and take pictures but she's not allowed to do so.
Dapat ang cellphone niya daw yung mumurahin lang at keypad type phone lang. Pantawag at pangtext lang talaga ang gamit. Pero dahil sa matigas minsan ang ulo niya ay dinala niya ang mamahaling phone niya. Naka off lang ang ringtone para walang makahalata.
She can't help herself but to enhale the fresh air coming from the nature. At habang ginagawa niya yon ay nagkakaroon na siya ng ideas para sa susunod niyang nobela.
"Wow!" Di mapigilang sambit niya. "Ang ganda naman ng tanawin dito!" Bulalas niya.
"Naku ineng, maganda nga ang tanawin dito at mababait din ang mga tao dito. Makakagaanang loob mo sila sigurado ako dun." Wika ng driver sa pinatigas na pagkakabigkas ng tagalog.
Halatang hindi sanay sa pagsasalita ng tagalog ang mamang driver pero hindi naman yon hadlang para kay Maria. As long as naiintindihan niya ang kausap. Walang problema sa kanya.
Sa di kalayuan ay natanaw niya ang malaking arko ng karatula kung saan nakaukit ang pangalan ng hacienda.
"Hacienda Monteverde.."
"Nandito na tayo ineng." Anito na nagpabalik sa kanyang lumilipad ng diwa.
Biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib sa di nya malamang rason.
Kaya mo 'to Maria! Laban!
Nagpatuloy pa sa pagmamaneho ang driver hanggang sa marating nila ang malawak na hardin at sa gitna nito ay isang fountain at tanaw mula doon ang malaking mansyon ng mga Monteverde.
"Ah ineng nandito po tayo sa likod ng mansyon. Hindi po kasi pwede sa harap ang hindi kapamilya at mga kaibigan ng mga Monteverde."
Napaangat ang kilay ni Maria sa tinuran ng driver. The what?
"Okay lang po manong. Salamat po. Heto po ang pasahe ko." Sabay abot ni Maria sa kanya ng dalawang daan dahil wala naman siyang isang daan.
"Naku ineng, isang daang peso lang ang pamasahe." Napakamot pa sa ulo ang driver ng tricycle na mukhang namroblema pa dahil hindi niya alam kung paano niya susuklian ang dalawang daan ni Maria.
Ang pagkainis na nadama ni Maria sa mga Monteverde ay biglang nawala. Napalitan yon ng pagkaaliw sa mamang driver. Kaya napangiti siya.
"Sa inyo na po ang sukli manong. Hayaan niyo na. At huwag po kayong humindi kasi hindi po ako tumatanggap niyon." Ngayon naman ay kinakamot na ng driver ang kanyang mukha kaya mas lalong naaliw si Maria. "New year naman po kaya happy new year na lang po. Sige po."
Kinuha na ni Maria ang kanyang bagahe at kumatok na siya sa malaking pintuan sa likod.
Di nagtagal ay isang matandang babae ang nagbukas ng pintuan.
"Ikaw ba si Maria?"
"Opo manang." Magalang na sagot niya sa ginang.
"Siya sige, pumasok kana. Kailangan mong magsimula agad ngayon dahil maraming bisita ang darating maya maya. Kaarawan ni Don Fabian kaya marami ang gagawin." Aniya.
Pumasok na sila sa loob at tinungo nila ang isang pasilyo na may hagdanan pababa at sa dulo niyon ay may apat na pintuan na may nakasulat na maid's quarter.
Binuksan ng matanda ang pang apat na kwarto.
"Eto ang magiging kwarto mo. Sa ngayon mag isa ka muna dahil nasa probinsya pa ang makakasama mo dito." Pumasok sila sa loob at napahanga si Maria dahil parang hindi pang maid ang kwartong napasukan niya. Dalawang single bed ang nasa loob niyon at kulay peach ang pintura ng pader.
In all fairness, maaliwalas siya at hindi mo mararamdaman na isa ka lang maid. Hmm..
Tinuro ng matanda ang uniform na nasa ibabaw ng kama.
"Iyan ang uniforms mo. Tatlong pares yan. Kasya yan sayo. Kaya sa resume pinalalagay ang size niyo para alam namin kung anong ipapasuot sa inyo. May sarili kayong banyo dito sa kwarto niyo. Medyo mahirap nga lang ang signal dito sa mga kwarto natin kasi nasa baba tayo kaya labas ka na lang kung may tatawagan ka." Tumango lang ai Maria sa matanda at akmang uupo na siya ng magsalita muli ito. "Pero--- Huwag kang gagamit ng cellphone kapag nasa trabaho ka Maria. Pinagbabawal yun dito pwera na lang kung emergency okay?"
Tanging tango lang ang ginawa ni Maria.
"Ako nga pala si Celia. Tawagin mo na lang akong manang Celia." Saka tipid siyang ngumiti kay Maria. "Sige maiiwan na kita, tutal magtatanghalian na kaya pagkatapos mong ayusin ang gamit mo at magbihis ng uniform mo ay lumabas kana at dumiretso ng kusina para mananghalian. Sige maiiwan na kita." Paalam sa kanya ni Manang Celia.
PAGKATAPOS niyang ayusin ang mga gamit niya ay mabilis siyang naligo. At nagbihis agad ng uniform. Black ang kulay ng uniform nila. Tumingin siya sa vanity mirror na nandoon sa kwarto na inookopa niya.
"Hello nurse Maria!" Natatawa siya sa uniform nila kasi parang hawig sa uniform ng nurse. Medyo maluwag din ang slack pero sakto lang naman sa bewang niya kaya hindi halata ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan.
Umikot pa siya at ng matapos magsuklay at ng akmang maglalagay na siya ng liptint ay biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Joy.
"As much as possible stay simple. Yung hindi ka mapagkakamalang okay ang buhay. And please don't put anything on your face like make up's or even pressed powder only. Basta ha, dapat simple ka lang couz' and don't wear fitted dresses or clothes. Yung maluluwang lang."
Maria rolled her eyes when she remembered it. "Duh!" Lumabas na siya ng kwarto at dumiretso na sa kusina.
Medyo nag alangan pa siya dahil maraming pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Napangiwi tuloy siya.
She doesn't like to be in the center of limelight. Pero eto siya at may nakita pa siyang maid na nakataas ang kilay sa kanya.
"O Maria andito kana pala. Halina at kumain. Marami pa tayong aasikasohin." Tawag sa kanya ni Manang Celia kaya lumapit siya dito at umupo sa tabi nito na sakto namang bakante. "Eto si Maria, bagong katulong dito. Pakisamahan niyo siya ng mabuti at pakituruan niyo na lang kung kayo ang makakasama."
Tumango lang ang ibang katulong sa kanya.
"Hi. Ako si Maria, ikinagagalak kong makilala kayo."
Isa isang nagpakilala sa kanya ang mga katulong maliban sa isa na tinaasan lang siya ng kilay. Oi bad aura.
Nagkibit balikat na lang si Maria. Ayaw niyang magkaroon agad ng bad record sa unang araw niya pa lang sa trabaho. Baka maging dahilan pa iyon ng pagkatanggal niya sa trabaho.
No! Hindi ko pa nga nasisimulan matatapos agad?!
M. D.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceBecause of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor every move of her cousin's boyfriend, Damian. She did not expect that by staying in the mansion she wou...