"WOW! Sobrang ganda naman dito!" Masiglang bulalas ni Maria nang makarating sila sa talon na nasa bandang ibaba ng bundok na sakop pa din ng malawak na farm ng mga Monteverde na pinamamahalaan ni Damian Monteverde.
Nabaling ang atensyon niya sa binatang itinatali ang kabayo sa may punong kahoy na malapit lang din sa tubig kaya madaling makakainom pa din si Zeus. At habang ginagawa iyon ng binata ay nakatingin lang dito si Maria. More on nakatitig ng husto lalo na sa mga muscles nitong naggagalawan. Napakamatipuno ni Damian. Napakagwapo at sobrang bango pa. Parang kahit yata gutay-gutay na damit ay babagay sa binata. Pero mas bagay sa kanya ang walang suot Maria. Bulong ng kanyang malanding isipan. At kahit yata pawis nito ay mabango at para sa kanya, isang kaaya-ayang tanawin ang binatang Monteverde.
Yeah.. Ang ganda nga dito. Si Damian ba naman ang kasama mo.
Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa marupok niyang isipan. Pero kahit anong gawin niya ay parang magnet naman ang binata. Kung saan at ano ang ginagawa nito ay sinusundan naman niya ito ng tingin. Hanggang sa kinuha nito ang basket na naglalaman ng mga pagkain na iniluto niya para sa kanilang tanghalian. At lumapit na sa kanya ang binata na nakangisi habang matamang nakatitig sa kanya.
"Mas maganda ka kesa sa tanawin dito." Kumindat pa ito sa kanya, habang siya naman ay napayuko and she's sure that she's blushing right at this moment.
"Bumabanat kana naman señ— Damian." Puna niya dahil parang sasabog lage ang puso niya sa tuwing binabanatan siya nito ng mga pick-up lines.
"I know you like it Iya." Ano daw?
"Ano?" Kunot-noong tanong niya sa binata.
"Well, I just want to call you Iya. Mahaba ang Maria eh saka I want it unique. I bet ako pa lang ang tumatawag no'n sayo, right?" He even smiled showing his sets of dimples.
"W-wala pa nga." At siya naman itong uutal-utal.
Ngumisi ang binata sa kanya. "So, that's it. From now on I'll call you Iya."
Hindi na lang nagsalita pa si Maria at sinimulan niya nang iayos ang mga pagkain sa picnic blanket na dala nila ng binata. Kapagkuwa'y inaya niya na itong kumain.
"Ano ba ang natapos mo, Iya? Highschool? College?" Biglang tanong ni Damian sa kanya. Muntik na siyang mabilaokan sa tanong ng binata. Alangan naman kasi sabihin niya dito na tapos na siya ng pag-aaral.
Uminom muna siya ng tubig bago niya ito sagutin— ng kasinungalingan. "Highschool undergrad lang ako Damian."
Huminto naman si Damian sa pagsubo ng pagkain. "Ayaw mo bang magpatuloy sa pag-aaral? I know there's a lot of easy ways para hindi matagalan ang pag-aaral ng isang tao sa highschool eh. Gusto mo ba?"
Aaminin ni Maria na nabigla siya sa tanong nito pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata sa binata. "Ah— ahm, hindi na. Matanda na ako para sa mga ganyan. Tsaka, ako na lang ang inaasahan nila nanay at tatay na tutulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko." Kailangan niyang gumawa ng mga palusot.com para maniwala pa din sa kanya ang binata.
"I'm not being boastful here pero madami na din naman kaming mga kasambahay na napagtapos ng pag-aaral while they were working so I think you can make it. Ang iba sa kanila ay nagtatrabaho na ngayon sa aming kompanya na nasa Manila. Kaya I assure you na mas mapapabuti pa ang pamilya mo at mas matutustusan mo pa ang mga pangangailangan at pag-aaral ng mga kapatid mo." Anitong nakangiti pa sa kanya.
Ano ba 'to, mukhang mapapasubo yata ako neto. Sa isip niya.
"Ah, huwag na lang po señorito—"
"Think of it first bago mo i-reject ang offer ko Iya." Putol na sabi ni Damian sa nais niyang pagtanggi.
At wala na naman siyang maisagot sa binata. Naiisip niya na lang, bakit pa siya tinanong nito kung may desisyon na din naman ito? Sa nakikita niya, alam niyang ipagpipilitan nitong mag-aral siya.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceBecause of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor every move of her cousin's boyfriend, Damian. She did not expect that by staying in the mansion she wou...