CHAPTER 5

5K 156 17
                                    

NAALIMPUNGATAN si Maria dahil sa sunod sunod na katok sa kanyang kwarto. She still want to sleep more pero masyadong makulit ang kumakatok.

"Leche naman! Ang aga aga pa eh!" Tumingin siya sa alarm clock na nakapatong sa bed side table. "5:00 a.m?! Seryoso?! Urgh!"

Parang mahika na biglang nawala ang antok ni Maria at dahil sa inis ay basta na lang siyang bumangon sa kama at hindi niya na alintana kung ano ang suot niya. Dali dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon ng di tinitingnan kung sino ang kumakatok ng paulit ulit.

"Ang aga mo namang mang istorbo!" Di niya napigilang sumigaw ng bahagya sa kung sino mang poncho pilato na kaharap niya ngayon.

"Are you shouting at me?"

Bigla siyang nag angat ng tingin at nabigla si Maria sapagkat hindi niya inaasahan ang amo na siyang kakatok sa pintuan niya. Akala niya ay ibang katulong sa mansyon.

"S-señorito.. K-kayo po pala.." Nagkatitigan silang dalawa.

At kitang kita ni Maria ang kislap sa mga berdeng mata ng binata habang nakatingin sa kanyang dibdib na natatakpan lang ng manipis na tela.

"Oh shit!" Bigla niyang naisarang muli ang pintuan. Hindi niya namalayang naipit doon ang daliri ng amo niya.

"Ouch! Ouch! Maria!" Biglang asik sa kanya ng kanyang amo.

Binuksan niyang muli ang pintuan at napasinghap siya ng makitang namumula ang daliri ni Damian.

"Hala señorito! Sorry po! Sorry po!" Paghingi niya ng pasensya.

Damian only glared at her. "Sorry?! You will pay for this woman." Biglang tumalikod ito at naglakad palayo sa kanya habang hawak hawak pa rin nito ang daliring naipit sa pinto ng kwarto ni Maria.

Nataranta si Maria kaya't hinabol niya ang amo at pinigilan ito. Hinawakan niya ito sa braso at pinaharap sa kanya. Ngunit natigilan siya ng bigla siyang nakaramdam ng kung anong kuryenting biglang dumaloy sa kanyang kalamnan at sa kanyang katawan.

The spark! Shit!

"What?!" He snapped.

"U-uhm.. U-uhmm.." Hindi maapuhap ni Maria ang tamang salita dahil sa matiim na titig nito sa kanya.

"What?! Dati bingi ka lang. Ngayon naman wala ka ng capability na magsalita?!" Sigaw nito sa kanya kaya tinakpan ni Maria ang bibig ni Damian dahil baka magising ang ibang tao sa bahay na yon lalo na ang mga katulong.

Sa inis niya ay hinila niya ang amo pabalik sa kwarto niya. At naging sunod sunuran lang ito sa kanya hanggang sa makapasok sila sa kwarto. Doon niya lang tinanggal ang mga kamay niyang tinatakpan pa din ang bibig ng binata.

Napahalukipkip ang binata sa kanya. Humugot muna si Maria ng malalim na hininga kapagkuwa'y. "Señorito.. Una sa lahat. Huwag kang sigaw ng sigaw dahil kahit sino na makarinig ng sigaw mo, mabibingi talaga. Pangalawa, hindi ako bingi, hindi din ako mute. Pangatlo, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. Kayo naman kasi, ang aga aga pa tapos nadatnan niyo pa ako sa ganitong suot. Bakit nga ba kayo katok ng katok ng ganitong oras? Pasado alas singko pa lang ng umaga?" Hindi siya humihinga ng sabihin niya ang mga yon sa harap ni Damian.

Bahala na si Superman. Sa isip niya.

"Kailangan ko ng makakasama sa farm. And since I'm still on my observation on you, ikaw ang isasama ko."

Medyo nabigla si Maria sa sinabing iyon ng amo. Pero naisip niya din na mas pabor yon sa kanya dahil mas mababantayan niya ito ng husto sa kung anumang kabulastogang gagawin nito.

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon