MARIA felt like she was floating in the air, but she was very sleepy and thought that she was dreaming only. Not until morning came..
Iminulat niya ang kanyang mga mata at napabalikwas siya kaagad ng bangon nang mapagtanto na wala siya sa kanyang silid.
Wait. Kalma lang Maria..
Her mind is still in chaos and she's still sleepy. Very sleepy. Ngunit ang sobrang antok na nararamdaman niya ay biglang naglaho ng maamoy niya ang ginisang bawang na nagpabaliktad ng sikmura niya kaya dali-dali niyang tinungo ang lababo sa kusina at doon ay sumuka nang sumuka.
Maya-maya lamang ay naramdaman niya ang paghagod ng isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa kanyang buhok.
"Hush honey.."
Dali-daling nagmomog si Maria at kaagad na nilingon ang may ari ng baritonong boses na iyon.
"D-damian?" Ipinikit pa niya ang kanyang mga mata. Kulang pa yata siya sa tulog pero nang madama niya ang masuyong halik nito sa kanyang noo, sa kanyang ilong hanggang sa kanyang labi ay biglang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
"Sshhh.. Stop crying honey." Sinapo ni Damian ang kanyang mukha. "I'm sorry.. I'm sorry if I lied to you. I'm sorry if I hurt you.. I'm sorry if I said harsh words.. I'm sorry if I told you that I don't love you.. I'm sorry for being an asshole.. I was just hurt but damn, I was more in pain when you left me honey.. I love you.. I truly love you.." He showered her with lot's of hugs and kisses and all Maria could do was to cry in pure happiness.
"I should be the one telling you I'm sorry.." niyakap siya nang mahigpit ng binata. Kaya gumanti din siya ng yakap dito.
Hindi rin naman niya matitiis si Damian dahil sobra-sobra na din ang pagmamahal niya para sa binata.
Akmang tutugunin niya na ang mga halik na iginagawad sa kanya ng binata nang maamoy niya na naman ang bawang na malapit lang pala sa kanya. Napabitaw siya sa binata at sumuka na naman sa may lababo.
"I think we need to see a doctor. Masyado na akong nag-aalala sayo honey. Sa inyo ni baby.." masuyong anas nito.
Maria's eyes widened and looked at Damian. "A-alam mo?"
Ngumisi ang binata sa kanya habang masuyong humahaplos sa mukha niya. Saka tinuro nito ang pasa sa mukha na hindi napansin ni Maria. "Maximo told me last night. He told me everything. Sumugod siya sa mansiyon at ito ang napala ko. Well, kahit naman hindi siya nagpunta sa mansiyon kagabi, magkikita pa din naman tayo e. Paalis na din naman kasi ako ng bahay no'ng dumating ang bestfriend mo at sinuntok ako. Kaya nang malaman kong buntis ka, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kinidnap na lang kita sa apartment mo. Ang himbing kasi ng tulog mo." Mahabang paliwanag nito. Napailing-iling si Maria sa galawan ni Damian. Parang nasasanay na ito sa pagkidnap sa kanya.
"Sorry.. Masyado kasi 'yong overprotective sa akin. Siguro dahil wala siyang ibang kapatid kaya parang kapatid na din ang turin niya sa akin—"
"No honey, you're wrong." Putol ni Damian sa mga sinabi niya.
"Huh?"
"Maximo, your bestfriend. He is my brother."
Napanganga si Maria sa sinabi ni Damian. "K-kung ganon.. Anak din kayo ni Tita Mercedes?"
"Yep!" He answered, popping the 'p'.
"Holy cow." She was still stunned hearing the news from Damian.
Does they know na bakla ang kapatid nila? Anang isip niya.
Kung alam man o hindi. It's not her story to tell. Sana lang, matanggap nila ang kapatid kung ano man ang kasarian nito. Kasi kahit si Tita Mercedes, hindi alam na bakla ang anak nitong si Maximo. She knows how hard it is for Max to pretend like he's a straight guy. But a woman like her can hope. Na sana makamit din ng kaibigan niya ang kaligayahan na natatamo niya sa mga oras na ito.
"Do you still love me, honey?" Untag ni Damian sa naglalakbay na niyang diwa.
Ngumiti naman siya saka ginawaran muna ito ng matunog na halik. "I'll always love you... Honey."
"I love you more!" Siniil siya ng halik ng binata at tinugon niya iyon ng walang pag-aalinlangan. Ng walang pagpipigil. At ng buong puso..
A FEW MONTHS LATER..
"Damian, stop running back and forth! Nahihilo na ako sayo!" Bahagyang sigaw ni Don Fabian sa kanya.
"I'm so nervous Papá. Fuck! I've never been so nervous in my whole life."
"Your wife is a strong woman anak. I know she can make it." Pagpapakalma sa kanya ng kanyang ina. At napayakap siya dito. Parang kaya'ng pagaanin ng kanyang ina ang kabang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Kagagaling lang ng kanyang mga magulang sa ibang bansa upang ipagamot ang kanyang ina at ngayon ay unti-unti na itong nagpapagaling.
Nagkaroon ng blood clot sa utak ang kanyang ina sa halos magkasunod-sunod na aksidenti nito na tinamo noon. At lahat ng iyon ay dahil sa kanyang Tita Veronica. Ang Ina ni Phoebe na matagal na palang may gusto sa kanyang ama.
Ito rin ang may pakana kung bakit naabutan ng kanyang ama noon ang mama niya at ang hardinero sa kwarto na magkatabi. Binayaran pala nito ang hardinero na iyon upang gawin ang gusto ni Veronica.
Sa ngayon ay ipinapahanap na nila ang babae at si Phoebe na siyang kasabwat ni Joy kaya nalaman nitong magpapakasal sila noon ni Maria.
Ang huling balita nila Maria tungkol sa pinsan nito ay doon na ito mamamalagi sa ibang bansa dahil iyon ang parusa ng ama ni Joy dito.
Muntik na palang magahasa noon ang asawa niya at si Joy ang nagligtas dito pero lahat ng iyon ay pakana din pala ni Joy. Sa sobrang inggit nito sa asawa niya kaya ginawa nito ang lahat upang akalain ni Maria na meron itong malaking utang na loob sa pinsan nito.
Mabuti na lang at kahit ganun ang nangyari ay hindi nagtanim ng galit ang kanyang asawa. And he salutes his wife for that.
Walang araw ang dumaraan sa buhay nila na hindi niya ipinapadama sa kanyang mahal ng asawa ang pagmamahal na meron siya para dito.
"Mr. Monteverde, your wife needs you." Tawag sa kanya ng nurse sa delivery room.
"Go, son. Wag kang mahimatay katulad ko noon nang ipanganak ka ng mama mo."
Natawa naman ang mama niya sa sinabi ng kanyang ama. "Oh Fabian, kay Maximo ka lang hindi nahimatay dahil wala kana man no'ng ipanganak ko siya."
Nabigla ang mama niya nang yumakap dito ang kanyang ama. At tinugon din ng ina niya ang yakap ng ama niya, kaya iniwan niya na rin ang mga ito.
Pumasok na siya sa delivery room. He can feel his hands getting cold and he's now sweating bullets as he saw his wife lying on the bed, hardly pushing so that their child will come out.
Nilapitan niya ito agad at hinawakan ang mga kamay nito. Nilingon naman siya ng asawa. "Honey, thank you for coming here.." bumalatay sa magandang mukha nito ang pawis at pagod dahil sa pag-ere.
"I'm here now honey. I'm here now." Anas niya.
He felt that her grip to his hand tightened and then she push again.
"I can see the baby's head Mrs. Monteverde. Give me your best shot." Untag sa asawa niya ng doktor nito na si Doc. Kristine Mendez.
She did a long push and then he heard their baby crying. He can't explain the feeling he's having right now. It really warms his heart to hear his child crying.
He can't help but to kiss his wife on the lips and murmured sweet nothings.
"Thank you honey.. Thank you very much! I love you. I love you.."
"Congratulations, Mr. and Mrs. Monteverde. It's a healthy baby boy!" Pagbati sa kanila ng doctor.
Nilingon niya ang kanyang magandang asawa at hinaplos ang mukha nito.
"What's his name then, honey? You decide.."
Ngumiti naman sa kanya si Maria bago unti-unting ipinikit ang mga mata.
"Malik. Let's name him Malik."
ℳ. 𝒟.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceBecause of Maria's great gratitude towards her cousin Joy, she agreed to her request to be a maid in the Monteverde Mansion, and secretly monitor every move of her cousin's boyfriend, Damian. She did not expect that by staying in the mansion she wou...