CHAPTER 3

4.6K 173 38
                                    


"ITO ANG una mong trabaho. Linisan mo lahat ng guest rooms na tiyak kong gagamitin mamaya ng mga kaibigan ni señorito Damian at señorito Daniel. Madami kaming gawain sa baba pero kaya na namin yon kaya dumito ka na lang. At pakiusap Maria, ayusin mo ang paglilinis dito. Kung kailangan palitan ang bed sheets palitan mo. At kapag maglilinis ka, paki lock ang pinto ng walang maka istorbo sayo." Napangiwi si Maria sa utos ni Manang Delia na siyang mayordoma sa mansion.

Seriously? 8 rooms ang lilinisin ko?! Wtf! Sigaw ng isip ni Maria.

"Ah okay po. Sige po manang magsisimula na po ako." Nakangiti niyang turan sa matanda.

Ng makalabas ng pinto ang matanda nagsimula na rin siyang maglinis.

"Saya ng buhay ko o! Why did I even got myself into this place?" Para siyang temang na kinakausap ang sarili niya dahil siya lang ang nasa loob ng kwartong iyon.

Naiinis siya dahil wala man lang vacuum cleaner na pwedeng gamitin. Talagang mano mano lang ang dapat na paglilinis. Kaya sinikap niyang matapos lahat ng gawain niya sa mga guest rooms bago sumapit ang gabi.

"Sa wakas isang kwarto na lang. Isa na lang talaga Maria."

Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niyang papadilim na kaya dali dali siyang pumunta sa pinakahuling guest room at binuksan niya iyon. Ngunit nagulantang siya ng mabuksan niya ang dahon ng pinto at bumulaga sa harapan niya ang dalawang taong parehas hubad na nasa ibabaw ng kama. At napatingin sa gawi niya ang dalawa.

"What the f*ck! Don't you know how to knock the door bitch?!" Pagalit na sigaw sa kanya ng lalaki.

Nagulat siya. "Sorry po!" Bigla niyang isinara ang pinto at dala ang mga panlinis na kumaripas siya ng takbo.

"Lagot na Maria. Lagot ka!"

Dumiretso siya sa kwarto niya at ini lock niya iyon. Hinihingal pa siya at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. Nakahawak siya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya anumang oras ay sasabog iyon.

Ano ka ba naman Maria? Bakit hindi ka kumatok muna?

"Malay ko bang may tao sa loob at nagmimilagro! Argh! Uso din naman kasi maglock ng pinto. Bwesit!"

Nagpapadyak siya dahil sobra ang kabang nararamdaman niya at naiinis siya ng sigawan siya ng lalaki kanina at tawaging bitch.

"Ako? Bitch?!"

Naiisip niya na kung nasa ibang sitwasyon lang sila ay sisigawan niya rin ito at ipapakita niya kung paano maging bitch ngunit wala siya sa lugar at sa ngayon. Nanganganib na siyang matanggal sa trabaho niya.

"Oh damn.."

Hinamig niya muna ang sarili bago niya napagpasyahang lumabas ng silid at dumiretso siya sa kusina.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala pang tao doon. Kumuha siya ng tubig sa ref at isinalin niya sa baso at ng akmang iinom siya ay siya namang pagsulpot ni manang Celia sa harapan niya. Muntik niya ng maibuga ang tubig sa mukha nito dahil sa gulat. Mabuti na lang nagawa pa niyang lunukin ang tubig kahit pakiramdam niya ay nabara iyon sa kanyang lalamunan.

"M-manang! A-ahm a-andyan pala kayo." Nakangiwi niyang sabi sa matanda.

"Gusto kang makausap ni señorito Damian." Anito kay Maria.

"H-hah? Si s-señorito D-damian?" Damn it Maria! Kailan ka pa nabulol? Holy cow!

Tumikhim muna si Maria bago muong nagsalita.

"Bakit daw po manang?"

"Hindi ko alam basta galit na galit siya. Ano bang ginawa mo Maria? Kasisimula mo lang pumalpak kana." Napabuntong hininga ang matanda. "Kung anuman ang sasabihin sayo ni señorito Damian sundin mo na lang. Wala akong magagawa kung tanggalin ka niya sa trabaho mo. Hala umakyat kana sa taas, nasa office niya ang señorito. Pinakadulong silid ang opisina niya." Tinalikuran na siya ng matanda.

𝐻𝑀𝑆1: 𝒟𝒶𝓂𝒾𝒶𝓃 ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon